Chapter 11 ~ Ang Araw ng Kanilang Kasal

18 2 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Bago dumating ang araw ng kasal nina Kent at Ada, dumating ang mga magulang ni Ada. Pag-uwi nila, nakita niya silang kinakausap ang lolo at mga magulang ni Kent sa sala. Masaya silang nag-kwekwentuhan habang kumakain ng meryenda.

"Mom, Dad! Narito kayo!" Unang binati sila ni Ada at mabilis na niyakap ang kanyang Mama at Papa, nangungulila sila sa isa't isa.

"Siyempre, magpapakasal ka, kaya dapat nandito kami." sabi ng kanyang Mama habang nakanghiti ito sa kanya.

At binati rin niya ang lolo at mga magulang ni Kent. Nang batiin ni Kent ang ina ni Ada, pinuri niya si Kent para sa kanyang nakakabighaning hitsura.

"Wow! Ang mamanugangin ko ay napakagwapo!" sabi ng Mommy ni Ada.

"Kayo rin po ay mukhang maganda at bata pa." tugon naman ni Kent.

"Salamat naman sa iyong papuri Iho. Hiyang-hiya naman ako." sabi ng Mama ni Ada.

Umakyat si Ada sa kaniyang kwarto para magbihis at palitan ang kanyang damit, at sumunod sa kanya ang kanyang Mama.

"Ito ba ang kuwarto mo? Maganda at malinis." sabi ng Mama niya.

"Opo, kumusta kayo ni Papa?" tanong ni Ada habang nakaupo sila sa coach.

"Okey lang kami, 'wag mo na kaming intindihin. Kumusta ka dito? Mabuti ba sila sa iyo o inaapi ka nila?" Pag-aalalang tanong niya kay Ada, habang hawak ang kanyang mga kamay.

"Maayos naman po ako rito, mabait silang lahat. Masaya ako, dahil tinanggap nila ako." Ngumiti si Ada sa kanyang Mama.

"Mabuti kung ganun. Naisip ko rin, nang una kong kausapin si Mare ngayon, nakahinga ako kaagad ng maluwag at naiwaglit ko ang mga agam-agam at pag-aalala ko para sa iyo. Mababait sila at mapagkumbaba, kahit na mayayaman sila, hindi tulad ng iba." sabi ng Mama niya.

"Opo Ma, mababait silang lahat sa akin at ibinibigay nila sa akin ang lahat ng gusto ko, kahit hindi ko ito hinihiling. At ang totoo, may regalo si Mommy sa akin."

Tumayo si Ada at lumapit sa closet. Binuksan ito at kinuha ni Ada ang pulang kahon at ipinakita ito sa kanyang Mama.

"Ibinigay ito sa akin ng Mama ni Kent. Nahihiya akong tanggapin ito, pero magtatampo daw po siya, kung hindi ko ito tatanggapin." Kuwento ni Ada.

Nasurpresa naman ang kanyang Mama sa ipinakita ni Ada na diamond necklace.

"Wow! Napaka-ganda naman nito Ada. Pag-iingatan mo ito, dahil mukha itong mamahalin." Sabi ng kanyan Mama.

"Opo." Nakangiti si Ada.

"Bagay na bagay sayo ito, isuot mo ito sa araw ng kasal ninyo." Dagdag na sabi ng kanyang Mama.

Ngumiti naman si Ada, "Salamat Ma, opo, isusuot ko po ito sa kasal ko."

Kinuhan naman ng Mama ni Ada ang dalang paper bag ibinigay din sa kanya.

"Ito naman ay may laman na sapatos at may mga damit." sabi ng kanyang Ina.

"Wow! Ito rin ay magaganda Ma. Salamat po. Talagang alam mo ang aking gusto. Isusuot ko na ang damit na ito ngayon." sabi ni Ada.

Lost StarWhere stories live. Discover now