Chapter 49 ~ Ang Paglipat ni Jasmin

14 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Si Kent ay nasa meeting ng hapunan sa isang mamahaling restaurant, nang makatanggap siya ng isang tawag mula sa bodyguard ni Jasmin.

"Oh, hello!" Sagot ni Kent.

"Sir, nasusunog ang apartment ni Maam Jasmin!" Sabi ng bodyguard sa kabilang linya.

"What?!!!" Ikinagulat ni Kent ang narinig.

"Excuse me, may emergency lang ako! Sa susunod na lang tayo ulit mag-usap!" Sinabi ni Kent sa kanyang kasosyo sa negosyo.

"Okay, walang problema!" sabi ng kanyang kasosyo sa negosyo.

Kaagad nilang nilisan ang lugar kasama si Willy, sinabi niya sa bodyguard ni Jasmin na asikasuhin muna sila Jasmin at huwag pababayaan ang mag-ina.

Nang makarating sila, hinanap niya kaagad sina Jasmin at Charmaine. Maraming mga firetruck na nakaharang sa kalsada. Iyon ang dahilan kung bakit, hindi sila makakalapit sa mga nasusunog na bahay.

Minabuti na lamang ni Kent na bumaba ng kotse at hanapin si Jasmin sa mga nakatayong mga tao sa paligid ng lugar.

Habang naglalakad siya ay luminga-linga sa paligid para hanapin si Jasmin. Nakita niya itong umiiyak sa gilid ng kalsada, na napapaligiran ng mga bodyguard.

Nakita siya kaagad ni Jasmin ng papalapit na siya dito.

"Kent!" niyakap niya kaagad si Kent nang makita niya ito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kent na may pag-aalala.

"Oo, ayos lang ako. Bantayan mo muna si Shasha, may kukunin lang ako sa bahay." Sabi ni Jasmin, subalit pinigilan siya ni Kent sa braso.

"Hindi! Huwag ka nang bumalik doon!" Mariing sabi ni Kent sa kanya.

"Willy, mangyaring alagaan mo muna si Shasha." Sabi ni Kent kay Willy.

"Okay, Sir." Sambit ni Willy habang inalayo muna si Shasha sa dalawa, para makapag-usap sila ng maayos.

Agad na hinawakan ni Kent ang braso ni Jasmin, subalit pilit na kumakawala si Jasmi sa kanya.

"Stop it!" Sabi ni Kent habang nakatingin sa kanya.

"Pero, marami pa akong gamit na naiwan sa bahay, sayang yun! Kaya wag mo na akong pigilan, bitawan mo 'ko!" Sagot naman ni Jasmin.

"No way! Mga gamit lang yun! Bibilhin ko ang lahat ng gusto mo, pero please... huwag ka ng bumalik doon!" Pakiusap ni Kent at niyakap niya ng mahigpit si Jasmin, para kumalma ito.

"Please... dito ka na lang. Ayokong mapahamak ka." Bulong ni Kent habang nakayakap kay Jasmin.

Unti-unti naman na kumalma si Jasmin at tinanggap na lamang ang sinasabi ni Kent.

"Oh, o-okay..." bulong ni Jasmin.

Nang marinig niyang hindi na babalik si Jasmin sa bahay na nasunog ay agad niya itong kinausap.

"Well, pwede ka naman tumira sa Villa ko, kayong dalawa ni Charmine."

"Pero..." Natigilan si Jasmin.

Lost StarWhere stories live. Discover now