Chapter 7 ~ Maling Akala

18 2 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Kinagabihan habang naghihilamos ng mukha si Ada, narinig nyang may pumasok sa kwarto niya. Paglabas niya ay nakita niyang nakahiga si Kent sa kama. Nagtaka naman siya kung bakit nandun si Kent.

"Teka! Anong ginagawa mo dito?" maang na tanong ni Ada.

"Ehdi, matutulog." sagot naman ni Kent.

"Eh, bakit hindi ka dun sa kwarto mo matulog?" wika ni Ada.

"Hay..." umupo si Kent sa kama at tiningnan si Ada.

"Teka, dito rin ba ang kwarto mo?" wika ni Ada at tumango si Kent at nahiga ulit.

"Sandali lang, bakit dito? Ang dami-dami nyo namang kwarto ah!" wika ni Ada.

Pero hindi siya pinansin ni Kent, nagpatuloy ito sa pagtulog.

"H-hoyy, hhoy." habang tinatapik niya sa balikat si Kent, pero nagtulog-tulogan lang ito.

Sa inis ni Kent, hinila niya si Ada at napasubsob ito sa ibabaw niya.

"Kapag 'di ka tumigil, I will kiss you!" pagbabanta ni Kent kay Ada, agad namang tumayo si Ada.

Pagkatapos ay dahan-dahan siyang naupo sa kabilang gilid ng kama. Pinabayaan na lamang niyang makatulog sa kama si Kent. Ilang sandali pa ay mahimbing na itong nakatulog.

Samantalang siya naman ay hindi mapakali, hindi siya dalawin ng antok, kaya hindi siya makatulog. Sa tuwing lilingon siya kay Kent, hindi niya maisip na magkatabi sila ngayon sa iisang kama. Kinakabahan din siya, baka kung anong gawin sa kanyan ni Kent.

Hanggang sa mag umaga na ay hindi halos nakatulog si Ada. Mabagal ang kilos niya at wala siyang ganang kumilos, kaya naman minamadali siya ni Kent para pumasok.

Bigla itong pumasok sa kwarto habang nagbibihis siya. Nakita niyang nakabihis na ito ng school uniform.

"Bilisan mo, tanghali na!" utos nito sa kanya!

"Pwede bang kumatok ka muna bago pumasok?" wika ni Ada sa pagkagulat dahil halos nakahubad pa siya, nakasuot lamang siya ng underwear at nakita iyon ni Kent.

"F.Y.I. bahay ko 'to, kaya 'di ko na kailangang kumatok! Tska wala namang magandang makikita dyan sa katawan mo!" pagkasabi ni Kent ay umakyat baba ang tingin nito, bago kinuha ang bag niya at lumabas ng kwarto!

"Grrrhh! Bastos!" inis na sigaw ni Ada at dali-daling nagbihis.

Pagkatapos niyang magbihis at mag-ayos ay kinuha na niya ang bag niya tsaka bumaba. Nakita niyang hinihintay siya ni Don Manuel at Kent.

"Goodmorning Iha! Tara, mag breakfast muna tayo!" bati nito!

"Goodmorning din po!" wika naman ni Ada at sumunod siya sa lamesa.

Pagkatapos kumaen ay agad na silang umalis ni Kent. Sinabay na siya ni Kent sa kotse nito. Habang nasa kotse ay nag-usap sila ni Kent.

"Ah, Kent pwede bang sa kanto na lang ako bababa, before the school gate?" wika ni Ada.

"Oh sige! Tsaka nga pala, ipapaalala ko lang sayo, 'wag mong sasabihin sa iba yun tungkol satin!" paalala ni Kent.

"Oo ba! Ayaw ko din na pagkaguluhan ako noh!" wika ni Ada.

Lost StarWhere stories live. Discover now