Chapter 64 ~ Second Wedding

14 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Makalipas ang ilang araw ay lumabas na si Ada sa ospital.

Si Kent namn ay abala sa kanyang trabaho kaya't nagpasya siyang makipagtulungan sa ICM at gumawa din ng isang panukala para sa kanilang proyekto. Ginawa ito ni Kent upang mai-save ang kumpanya mula sa pagkalugi.

Malugod nilang tinanggap si Kent sa kanilang magandang panukala at naging maayos ang kanilang pag-uusap.

Isang umaga nang nagkita sila sa tanggapan ng ICM.

"Good morning Mr.Wilson! Maligayang pagdating sa kumpanya!" Bati ni Eric at nakipagkamay kay Kent.

"Good morning at salamat sa pagtanggap sa amin sa iyong kumpanya." Sabi ni Kent.

"Walang anuman! May bago kaming proyekto!" Sabi ni Eric.

Pagkatapos ay naupo sila sa mesa at pinag-usapan nila ang tungkol sa bagong proyekto na gagawin.

Matapos ang pagpupulong, sa tanggapan ng ICM. Umalis na sila at bumalik sa opisina.

Pumunta si Willy sa office ni Kent at nakatanggap ng isang dokumento, at agad na binasa ito ni Kent at nagulat nang malaman ito. Ito ay tungkol sa pambobomba na nangyari noong kaarawan ni Charmaine, nakasaad na sa ulat kung sino ang nagtapon ng bomba.

"Totoo ba ito?" Seryosong tanong ni Kent.

"Oo, Sir! Narito ang ilan pang impormasyon tungkol sa pagsabog. May mga katibayan na siya ang nagbigay ng regalo kay Charmaine." Paliwanag ni Willy.

"Hindi ko akalain na gagawin ito ni Lucy! Tumawag ka kaagad sa abogado ko, at sisiguraduhin kong magsisisi si Lucy sa ginawa niya!" Galit na sabi ni Kent.

"Yes, Sir!" Agad na tumawag si Willy sa kanilang abogado at nakipag-ugnay sila sa pulisya.

Nang malaman ni Lucy na ikukulong siya ni Kent, agad siyang nagmakaawa sa kanyang Daddy na tulungan siya sa problemang kinakaharap niya. Agad na nakipagkita ang Daddy ni Lucy kay Kent sa isang pribadong restawran.

Dumating din si Kent at nakita niya na naghihintay sa isang mesa si Mr. Carlton. Lumapit si Kent at naupo doon si Kent.

"Kent, nakikiusap ako sa iyo na huwag mong ituloy ang kaso laban sa aking anak." Agad na pakiusap ni Mr. Carlton.

"Mister Carlton, alam mo ba kung ano ang ginawa sa akin ng iyong anak sa aking pamilya? Binigyan niya ang aking anak ng isang bomba! Blinablack mail din niya ako... Maaari ko pa rin itong palampasin, ngunit yung tungkol sa bomba... No way!" Mariin na sabi ni Kent.

"Kent, alam mo naman ang ugali ng aking anak na si Lucy. Pakiusap pagpasensyahan mo nalang! Kahit para nalang sa mga pinagsamahan natin." Sinabi ni Mr.Carlton.

"Mister Carlton, kung binabantayan mo si Lucy at pinalaki mo ng maayos, hindi niya sana magagawa iyon. Ang ginawa niya sa aking pamilya, hindi ko mapapatawad!"

Napayuko naman si Mr. Carlton sa sinabi ni Kent.

"Alam mo ba ang ginawa niya? Sa anak ko pa mismo binigay niya un bomba! At maraming bisita na nandoon na maaaring mamatay! Hindi lang ako ang magkakaso sa kanya!" Galit na sabi ni Kent.

Lost StarΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα