Chapter 42 ~ Sa Mundo ng Pag-ibig

16 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Sa bagong mundo nila Kent at Ada....

Naririnig niya ang magandang musika, na pumupukaw sa kanyang damdamin...

do-bidap, do-bidap...

do-bidap, do-bidap...

do-bidap, do-bidap...

Kitang-kita ang mga bituin sa langit ng gabing iyon, kay gandang pagmasdan...

Ang mga paa ni Ada na nakayapak habang lumalakad sa mga bulaklak ng rosas.

Puting damit na mahaba ang suot nito... Papalapit siya ng papalapit papunta kay Kent na nakasuot din ng putting damit habang nakatalikod at pinagmamasdan din ang ganda ng mga bituin.

Niyakap niya ito habang nakatalikod.

~ Hold on to love, that is what I do

Now that I've found you

And from above, everything's stinking

They're not around you

And in the night I could be helpless

I could be lonely, sleeping without you.

And in the day, everything's complex

There's nothing simple when I'm not around you

But I miss you, when you're gone

That is what I do, bay-, bay-, babe

And it's going to carry on

That is what I knew, bay-, bay-, babe

do-bidap do-bidap...


~

Agad namang humarap si Kent kay Ada at nagsayaw sila sa musika ng kanilang mga puso...

Namungay ang mga mata nila at dahan-dahang yumuko si Kent at marahang hinalikan si Ada.

Matamis ang mga halik na iyon...

Unti-unting naghiwalay ang kanilang mga labi habang nakatitig sa bawat isa...

At unti-unting pumatak ang kanilang mga luha sa kagalakan...

Muli silang nagsayaw ni Kent...

Isinandal ni Ada ang ulo niya sa dibdib ni Kent habang ngumiti ng buong puso.

Si Kent naman ay isinandal din ang pisngi niya sa may ulo ni Ada at ngumiti...

At dahan-dahang sumasayaw sa mundo ng pag-ibig . . .

~

Napakatamis ng ngiti ni Kent habang nararamdaman niya ang pintig ng kanyang puso na napakabilis. Ang nais lang niya sa ang araw na ito ay hindi madaling magtapos at nais niyang sumayaw kasama ang babae na kanyang minamahal, magpakailanman sa ilalim ng kumikislap na mga bituin sa kalangitan.

Naramdaman ni Kent ang pagmamahal ni Ada sa kanya ... kung maibabalik pa niya ang oras na nasa tabi pa rin niya si Ada nakikita ang ngiti nito at kung paano kumikinang ang mga mata niya. Pinangarap ni Kent ang mga pangyayaring iyon sa gabi. Ngumiti siya habang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata na nagising mula sa mga panaginip na iyon.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon