Chapter 53 ~ Her Wedding Ring

17 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Kinaumagahan ay maagang nagising si Kent. Pinagmasdan niya si Ada habang yakap niya ito sa mga braso, at natutulog pa rin ito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga daliri. Hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa mapupula nitong mga labi, na tila ba nang-aakit na halikan niya ito.

Kaya naman ay ginawaran niya ito ng matamis na halik.

Pagkatapos ay tumayo na siya at pumunta sa banyo at naligo.

Pagkatapos nito, siya ay nagbihis. Binuksan niya ang cabinet at namili ng susuotin. Nakasuot siya ng light blue long sleeve na may dark blue necktie. At kinuha din niya sa hanger ang dark blue suit.

Nagsuklay siya at nagspray ng isang pabango. Pagkatapos ay nilapitan niya si Ada at hinalikan sa noo.

Nagising namn si Ada nang halikan siya ni Kent.

"Good morning!" Bati sa kanya ni Kent habang nakangiti at umupo siya sa kama.

"Good morning, aalis ka na?" Tanong sa kanya ni Ada.

"Yes. Sige, matulog ka na muna. Tatawagan kita mamaya." Sabi ni Kent.

"Okay." Sabi ni Ada.

Tapos hinalikan siya ulit ni Kent sa labi.

"Una na ako!" Sabi ni Kent.

"Ingat!" Sabi ni Ada.

Pagkatapos ay umalis si Kent sa silid at nagtungo sa kwarto ni Shasha at hinalikan ito sa pisngi, bago umalis.

Natulog ulit si Ada ng marinig niyang umalis ang sasakyan ni Kent.

~

Sa Office ni Kent...

Kumatok si Willy sa pinto at nagreport kay Kent.

"Good morning Sir!" Bati ni Willy.

"Good morning!" Bati ni Kent.

"Sir, nagpadala na ako ng invitation card para sa iba't-ibang mga kumpanya at lalo na ang konstruksyon." Sabi ni Willy.

"Ok, mabuti! Ayusin mo ang Schedule namin sa Pasko, dahil pupunta kami sa Disneyland. Alamin mo muna kung ano ang kailangan namin." Sabi ni Kent.

"Opo boss!" Sabi ni Willy.

"Sige salamat!" Sabi ni Kent.

"Ipapaalala ko lang po sa inyo, Sir, may dinner meeting po kayo mamaya." Paalala ni Willy.

"Ok." Sabi ni Kent.

"Ok Sir." Sinabi ni Willy at umalis na sa opisina.

Pagkatapos, tinignan niya ang kanyang email sa laptop.

~

Samantala sa Villa...

Nang magising si Ada ay nagpunta siya kay Charmaine. Gising na siya at inaalagaan ng kanyang yaya. Nakita niyang naglalaro siya ng barbie.

"Good morning baby girl!" Sabi ni Ada.

"Mommy!" Masayang sabi ni Charmaine at niyakap kaagad si Ada.

Lost StarWhere stories live. Discover now