Chapter 48 ~ Sweet Night Together

12 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Nang matapos ang trabaho ni Jasmin ay agad siyang nagpunta sa opisina ni Kent.

Kumatok siya, ngunit hindi sumagot si Kent, kaya nagdesisyon siyang pumasok na sa loob.

"S-Sir?" Tawag ni Jasmin.

Natigilan siya nang makitang natutulog ang dalawa sa sofa. Natawa siya ng makita ang make-up ni Kent na may makapal at pulang kolorete!

"Hahaha." Tinakpan ni Jasmin ang kanyang bibig, kaya't hindi nila narinig ang kanyang pagtawa.

Naisip niyang kunan ng litrato si Kent, habang natutulog ito.

Ngunit naramdaman ito ni Kent sa paglapit niya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Jasmin na may hawak na cellphone. At matalim n'yang tiningnan si Jasmin nang masama.

Nagulat si Jasmin sa paggising ni Kent.

"Ahh, kukunin ko na lang si Shasha." Bulong ni Jasmin.

Ngunit hinila siya ni Kent at napasubsob ang mukha sa dibdib niya, sobrang lapit sa kanya at bigla siyang hinalikan sa labi.

Gulat na gulat si Jasmin nang halikan siya sa labi ni Kent.

Sinubukan niyang tumayo at pinunasan ang kanyang labi.

Ngumiti si Kent sa kanya.

"Bakit ka tumatawa? Tingnan mo muna ang sarili mo!" Sabi ni Jasmin.

Agad na inabot ni Kent ang salamin. Mukha syang nagulat sa itsura nya.

Ngumiti siya sa ginawa ni Charmaine sa mukha niya, nagmukha siyang clown.

Dahan-dahan siyang bumangon.

"Ihahatid na kita, maghuhugas lang ako ng mukha." Sabi ni Kent at nagtungo sa banyo upang hugasan ang mukha niya at maalis ang makeup.

Inihatid niya si Jasmin at Charmaine sa bahay nito.

Pagkarating nila sa loob ng bahay ay dahan-dahang inihiga ni Jasmin si Charmaine sa kama.

Habang si Kent naman ay naupo sa sofa.

"Ano ang gusto mong kainin?" Tanong sa kanya ni Jasmin.

"Kahit ano." Sabi ni Kent.

"Okay, sandali lang, magluluto lang ako!" Sabi ni Jasmin.

"Okay." Sabi ni Kent.

Pagkatapos ay agad na nagluto si Jasmin. Kinuha ni Kent ang kanyang cellphone at nagtext ito.

Hindi nagtagal ay natapos din si Jasmin sa pagluluto.

"Halika, kumain muna tayo." Yaya ni Jasmin kay Kent habang inihahanda ang lamesa.

Pagkatapos ay lumapit si Kent at umupo sa mesa.

"Alam mo pala kung paano magluto?" Tanong ni Kent habang kumakain.

"Syempre, kailangan naming mabuhay." Sabi ni Jasmin.

"Mabuti naman at napalaki mo nang maayos si Charmaine." Dahan-dahan na hinawakan ni Kent ang kamay ni Jasmin at nagpatuloy, "Pasensya ka na... wala ako nang maraming taon sa tabi mo. Ngunit hayaan mo sanang alagaan kita, mabuo natin ang ating pamilya at magsimula ng isang bagong buhay." Sambit ni Kent habang hawak ang kamay ni Jasmin.

Lost StarWhere stories live. Discover now