Chapter 38 ~ High Score

13 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Lumipas ang mga araw at dumating na ang araw ng kanilang final exam.

Sa loob ng class room...

"Well, sana makakuha ako ng mataas na score." Sabi ni Ada.

"Oh sige, kapag nakakuha ng mataas na score, may gift ka sa akin." Nakangiting sabi ni Kent sa kanya.

"Talaga?" Nasurpresang tanong ni Ada.

"Yup, kaya galingan mo. Good luck!" Sagot naman ni Kent at pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang upuan.

Naexcite naman si Ada sa sinabi ni Kent at lumakas ang kumpyansa niya sa kanyang sarili.

"Oh, sige, gagalingan ko!" Nakangiting sabi ni Ada.

Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang Guro at sinimulan na ang kanilang pagsusulit.

Madali lang nasagutan ni Ada ang mga tanong sa kanilang exam dahil halos lahat ng nireview niya ay nandoon sa exam, kaya alam na kaagad niya ang sagot.

Nang matapos na ang kanilang exam ay inayos na ni Ada ang kanyang mga gamit, samantala nagpaalam naman sa kanya si Kent na lalabas muna sandali dahil tinawag siya ng kateam niya sa football.

"Love, lalabas muna ako, tinatawag ako ng kateam ko sa labas."

Paalam ni Kent sa kanya at dinala nito ang kanyang baga.

"Okay, sige." Tumango naman si Ada habang pinagmasdan si Kent na palabas ng pinto ng room.

Habang inaayos niya ang kanyang mga gamit, lumapit sa kanya si Joice.

"Kamusta? Madami ka bang nasagutan?" Tanong ni Joice sa kanya.

"Oo, halos lahat ng nareview ko nandun. Eh, ikaw, kamusta?" Tanong ni Ada.

"Hmm, okay lang din naman." Sagot ni Joice at napansin nito ang suot na singsing ni Ada. "Ang ganda ng singsing mo ah, bigay ba ni Kent yan?" Curious na tanong ni Joice.

"Oo, binigay niya sa akin ito nun Valentine's Day." Masayang sabi ni Ada.

Hinawakan ni Joice ang kamay ni Ada na may singsing at tiningnan pa ito ng mabuti. Gold ring ito na may heart na diamond sa gitna.

"Ang ganda ah, mukhang mamahalin. Teka, mukhang engagement ring ito ah, nagpropose ba siya sayo?" Kunot-nuong tanong ni Joice.

Tumango naman si Ada habang nakangiti sa kanya.

"Wow! Congrats!" Masayang bati ni Joice at halos hindi siya makapaniwala.

Agad niyang niyakap si Ada.

Lingid sa kanyang kaalaman ay kinasal na ng lihim sila Kent at Ada. Hindi pa sinasabi ni Ada ang tungkol dito kay Joice.

"Thank you!" Masayang tugon din ni Ada.

"Ang swerte mo kay Kent. Dahil mahal na mahal ka ni Kent!" Sabi ni Joice sa kanya.

"Oo nga eh." Maikling tugon naman ni Ada.

"Hmm, sana makahanap din ako ng katulad niya." Malungkot na sabi ni Joice para sa kanyang sarili.

"Hayaan mo, makakahanap ka rin." Sabi naman ni Ada.

"Hay, sana nga." Sabi naman ni Joice.

Pagkatapos ay sabay na silang lumabas ng room.

Sa loob ng isang araw ay nakita na nila ang post sa billboard ng kanilang mga resulta sa pagsusulit.

Agad na lumapit si Ada at hinanap ang pangalan ni Kent.

Siya ay nasa top 1 ulit at pagkatapos ay hinanap naman niya ang pangalan niya. Nakita niyang nasa top 28 siya na may total score na 95. Masayang-masaya si Ada dahila sa mataas ang nakuha niya sa pagsusulit.

"Yes! Nakakuha ako ng mataas na iskor!" Sabi ni Ada sa sarili.

Pagkatapos ay hinanap niya si Kent sa kanilang silid ngunit wala siya. Sumilip siya sa labas at nakita niyang si Kent ay naglalakad sa may field.

Dali-dali siyang bumaba ng building at tumakbo papunta kay Kent.

"Kent!"

"Kent!!!" Sigaw ni Ada habang tumatakbo papunta kay Kent.

Napahinto naman si Kent habang naglalakad ng marinig niyang tinatawag siya ni Ada at dahan-dahan siyang lumingon kay Ada.

"Kent!!!" Muling sigaw ni Ada nang medyo malapit na siya kay Kent. Inihagis niya ang dalang bag sa damuhan at tumakbong parang bata papunta kay Kent.

Bigla siyang kumarga kay Kent at yumakap sa mga balikat nito. Habang masayang ibinalita ang tungkol sa kanilang grade sa exam.

Nagulat naman si Kent sa biglang pagpapakarga ni Ada sa kanya na buhat-buhat niya ito na parang bata. Yinakap niya itong mabuti upang hindi mahulog.

"Kent nakapasa ako! At nakakuha ako ng mataas na score!" Masayang sabi ni Ada

"Really?" Nakangiting tanong ni Kent.

Pagkatapos ay biglang kiniss siya ni Ada sa mga labi!

At itinaas nito ang dalawang kamay, habang masayang sumisigaw!

"Yeheey! Pasado ako! Yeheey!" Masayang sabi ni Ada.

"Okay, congrats! Sige, bumaba ka na, ang bigat mo eh." Reklamo ni Kent sa kanya.

Pero lalo pang kumapit si Ada kay Kent sa balikat nito.

"No! Ayokong bumaba, sabi mo may gift ka sa akin, kapag makakuha ako ng mataas na score?"

"Hay, paano kaya yun, eh buhat-buhat kita? Bumaba ka na at kunin mo na yun bag mo." Sabi ni Kent sa kanya.

"Ayoko... Ikaw na kumuha ng bag ko, please..." Nagpacute naman si Ada kay Kent.

Napailing-iling na lamang si Kent at naglakad papunta sa bag ni Ada.

"Huh, ang bigat mo." Reklamo ulit ni Kent habang inaabot ang bag ni Ada sa damuhan.

"Wait, baba ka muna sandali." Sabi ni Kent sa kanya.

Tumitig naman si Ada sa mukha ni Kent at napansin niyang pawisan na ito at baka nga nahihirapan na ito sa kanya, kaya bumaba na lang siya.

Pagkababa ni Ada ay tumalikod si Kent at lumuhod sa harap niya.

"Mas mabuting dito ka sa likod ko." Sabi ni Kent.

"Talaga?" Nag-aalinlangan naman si Ada.

"Oo, sakay na, baka magbago pa isip ko."

"Okay!" At masayang sumakay si Ada sa likuran ni Kent. Yumakap ulit siya sa balikat ni Kent at binuhat siya ni Kent hanggang makarating sila sa kotseng nakapark.

Nakatingin naman ang ibang estudyante sa kanilang pagiging sweet sa isa't-isa. Masaya at kinikilig ang mga ito na makita silang sweet habang palabas ng gate ng school.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon