Chapter 3

113 13 21
                                    




Chapter 3: Ang pagsisimula ng Warriors Battle

Kinabukasan. Ito na ang pinakahinihintay ng lahat ng mga Atlans, ang magaganap ngayon na Warriors Battle sa pagitan ng mga bata na bago palang sa ranggo ng Warriors.

Lahat ng mga naninirahan dito sa Atlanian o mga taong tinatawag na Atlans ay nasasabik na muling mapanuod ang labanan ng mga Warriors, matagal na panahon na kasing hindi sila nakatuklas nito.

Marami na ang nagsidatingan at ang iba ay mula pa sa malalayong nayon at syudad. Ang iba sa kanila dahil hindi na makapag-hintay ay maaga silang pumunta sa kung saan gaganapin ang Warriors Battle, ang iba ay nagdala nalang ng mga baon para do'n na mag-umagahan.

Dito sa malawak na kalsada ay maraming mga tao ang naglalakad, may mga bata, matatanda at magkapamilya, at iisa lang ang kanilang pupuntahan, ang madalas dinadaluhan ng lahat, ang Atlanian's Park.

Pagkapasok ng mga tao ang agad na bumungad sa kanila ay isang napakalawak na espasyo sa loob, sa gitna ay isang malawak na mga lupang medyo madamo, dito ginaganap ang ibang mga palaro, tawag dito'y Battlefield.

Sa mga gilid-gilid naman makikita ang maraming bilang ng mga upuan hanggang sa itaas, dito magtipon-tipon o uupo ang mga manunuod.

Lahat ng mga taong nagsidatingan ay pumili na kung saan nila gustong umupo. Umaga palang ay marami ng mga tao ang narito kaya halos wala ng bakanting upuan kaya ang iba pinili nalang tumayo.

Dito sa Atlanian's Park madalas ginaganap ang ibang mga aktibidad at programa ng Atlanian, gaya ng mga paligsahan, kung may mahalagang anonsyo para sa mga Atlans at kung ano-ano pang ganap, kasali na rin diyan ang Warriors Battle.

Libreng pumasok dito kaya marami ang nagpapasyal at nagsasaya dito, maaaring mag ehersisyo, takbohin ang malawak na espasyo ng lupa at kung ano-ano pang gustong gawin.

Malamig din ang simoy ng hangin dito, dahil bukod sa may mga kahoy sa loob, ang Atlanian's Park din ay malapit sa dalampasigan.






Lumipas ang ilang oras. Nakahanda na ang lahat para simulan na ang Warrior Battle.

Ang mga nasa ranggo ng Guardian o mga guro ng mga Warriors ay merong mga sariling upuan at pwesto sa gilid na bandang kanan at medyo may kalayoan sa kung saan nakaupo ang mga manunuod, ito'y dahil mamaya ay makakasama dito ng mga guro ang kani-kanilang studyante.

"Hindi ko inasahang ganito karami ang mga taong pupunta. Gustong-gusto talaga nila mapanuod ang Warriors Battle." Sambit ni Eddie Miranda, isa sa mga Guardian at isang Fire Gifted, tumango naman ang ilan sa mga kasamahan niyang Guardian.

Ang dalawang tagahukom ay nandito na rin at handang-handa na, sila ay kabilang sa mga mahahalagang tao dito sa Atlanian, sina Protector Nayde Alanta at Sinaunang Shadow Andres Waluna.

Gaya ng mga Guardians ay meron din silang sariling pwesto, sila'y nasa gilid na bandang kaliwa at naka centro pa sa mga manunuod.

Ang hinihintay ng lahat na mga batang Warriors ay pinagtitipon muna sa loob at hinihintay nila ang hudyat na pwede na silang lumabas. Kanina pa sila dito nakatayo sa loob ng malaking kwarto na studio, kaya ang ilan sa kanila ay naiinip na.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now