Chapter 25

53 8 55
                                    





Chapter 25: Sa huli, siya ang nanalo

Ilang saglit pa'y inilahad na ni Jericho ang dalawa niyang palad kay Josh kaya sumugod na ang mga malilit ngunit napakarami niyang Ener Bubble papunta kay Josh. Bumuntong hininga muna si Josh bago naglalabas ng mga Snowflakes at pinapalibutan niya ang kaniyang sarili sa mga ito.

Pagkalapit ng mga Ener Bubble kay Josh ay unti-unting lumulutang sa hindi masyadong kataasan si Josh dahil sa tulong ng mga nakapalibut sa kaniyang mga Snowflakes. Agad na umiikot-ikot si Josh, at habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang pag-iikot niya at pinapalibutan pa rin siya ng mga Snowflakes.



Hanggang sa inangat ni Josh ang mga kamay niya kaya ang iba sa mga Snowflakes niya ay humiwalay sa kaniya at nilalapitan ang mga Ener Bubble ni Jericho. Dumadapo ang ilan sa mga Snowflakes sa mga Ener Bubble, kaya hindi nagtagal ay pumutok ang lahat ng mga Ener Bubble.

Muling nakaligtas si Josh mula sa mga lasong tubig sa Ener Bubble, ito'y dahil sa mabilis niyang pag-ikot-ikot at napoprotektahan siya ng nakapalibot sa kaniyang mga Snowflakes.

Marami sa mga manunuod ang napapanganga sa nakita nilang ginawa ni Josh. "Kamangha-manghaaa..." namamanghang saad ng ibang mga manunuod.



Namangha man ang iba,  ngunit ikinainis naman ito ni Jericho dahil nagagawan pa rin ng paraan ni Josh na hindi mabasa sa mga tubig sa kaniyang mga Ener Bubble. Kaya napakuyom ng mahigpit ang mga kamao ni Jericho at napakagat pa siya sa labi.

"Sinabi ko sa sarili ko na mananalo ako sa Warriors Battle...kaya ipapanalo ko talaga ang labang ito!" Puno ng determinadong sambit ni Jericho at ilang saglit pa'y unti-unti siyang pinapalibutan ng mga tubig.

Dahan-dahan na umaangat ang kaniyang mga paa mula sa mga lupa at dahan-dahan siyang lumulutang, at habang tumatagal ay bumibilis ang paglutang niya patungo sa itaas na himpapawid. Hanggang sa nalagpasan na niya ang taas kung saan nakalutang din si Josh na umiikot habang pinapalibutan ng mga Snowflakes.

Bakas ang seryosong mukha ni Jericho habang nakatingin dito sa itaas kay Josh. Mas lalong humigpit ang pagkuyom ng mga kamao ni Jericho, kaya mas lalo ding dumarami ang nakapalibot sa kaniyang katawan na mga tubig.



Hanggang sa mabilis na lumipad paibaba si Jericho para lapitan si Josh. Dahil nanatiling umiiikot si Josh ay huli na niyang namalayan na nakalapit na pala si Jericho sa kaniya, at kasabay ng paglaki ng kaniyang mga mata ay agad siyang sinuntok ng pagkalakas ni Jericho sa banda niyang tiyan.

Dahil napapalibutan ng mga tubig si Jericho ay walang nagawa ang mga Snowflakes ni Josh para pigilan siyang makalapit at masuntok si Josh. Dahil napapalibutan ng mga tubig ang mga kamao ni Jericho ay naging mas doble ang sakit na naibigay nito kay Josh, kaya hindi napigilang mapasigaw ni Josh.

"Aaagghhh!!!" Sigaw ni Josh habang nakapikit ang mga mata at nakaangat ang leeg. Habang si Jericho nama'y naging mas malalim ang titig kay Josh at idinidiin pa niya lalo ang kamao niyang nakadapo sa tiyan ni Josh. Para bang ginawa lang ni Jericho ang ginawa ni Josh sa kaniya kanina.

Hindi na naman napigilan ng mga manunuod ang mapanganga dahil mas lalo ngang kahanga-hangang pagmasdan ang nangyayari ngayon sa itaas ng Battlefield dahil nagawang lapitan ni Jericho na napapalibutan ng mga tubig si Josh na tila protektado ng mga Snowflakes.



Dahil nakakaramdam na ng sakit si Josh ay unti-unti ng nawawala ang nakapalibut sa kaniyang mga Snowflakes. Dahil napansin ni Jericho na hindi na makakalaban si Josh at naglalaho na rin ang mga Snowflakes nito, ay sinamantala na ni Jericho ang pagkakataong ito.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now