Chapter 35

51 6 31
                                    






Chapter 35: Tapos na ang na-unang laban, simulan na ang panibagong laban


Lumipas ang ilang oras. Natapos ng naglaro ng dama sina Atlas at Juan at nagtatawanan sila "Hahaha grabe tawa ko sayo Atlas...tatlong ulit tayo naglaro ng dama dahil lagi kang natatalo kasi bagohan ka pa lang, kaya gusto mo pang maglaro kasi ayaw mong matatapos ang araw na ito ng hindi ka nanalo, at sa pangatlo nanalo ka na nga...napakagaling, hindi ka sumusuko..." sambit ni Juan na naka ngiti kay Atlas.

Napangiti naman si Atlas at ilang saglit pa'y inilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid "Alam mo, mas sasaya tayo kapag lilibotin natin ang paligid, kasi naniniwala ako na napakaraming mga magagandang bagay sa mundong ito..." ngumiti sa labi si Atlas at nakipagtitigan siya kay Juan.

Naging abot tenga naman ang ngiti ni Juan at dali-dali siyang tumayo "Tamang-tama...alam mo bang may tila mahiwagang nakatago dito na madalas kong pinupuntahan...hali ka, ikaw ang unang-una kong dadalhin do'n..." agad na hinawakan ni Juan ang kamay ni Atlas at hinila niya ito ng dahan-dahan para maitayo, at isinama niya ito sa takbo habang hawak-hawak ang kamay, at sa mga mukha nila ay bakas ang tuwa at pagkasabik.





Mayamaya ay huminto sila Juan at Atlas sa kakatakbo at nakaharap sila ngayon sa isang tila nagsilbing pintuan na mga klase-klaseng bulaklak at meron pang mga tangkay-tangkay, ilang saglit pa'y naka ngiti sa labi si Juan habang gamit ang dalawang kamay para hawiin pagilid o sa madaling salita ay ipinagsantabi niya ang mga bulaklak na parang dadaan siya sa gitna.

Ilang saglit pa'y nagkaroon na nga ng madadaanan sa gitna, kaya hinawakan ni Juan ang kamay ni Atlas at isinama niya ito sa paghakbang papasok. Pagkapasok nila ay sumalubong sa kanila ang tila mahiwagang batis na nasa ibaba ng kinatatayoan nilang lupa.




Halos kumikinang ang mga tingin nila Atlas at Juan sa paligid na nakakabighani lalo pa't ang gilid ay napapalibutan ng mga kahoy na may bunga ng iba't ibang makukulay na mga bulaklak, dagdag pa ang mga tubig sa batis na napakakulay puti at subrang linis, kapansin-pansin din ang kaibahan nito sa ibang mga batis, dahi ang batis na ito ay may lalim at walang mga bato-bato kaya tiyak na masaya itong langoyin.

Ang lugar na ito ay matatagpuan lang sa likod ng kagubatan kung saan sila Atlas at Juan naglalaro. Sa subrang ganda ng lugar na ito ay hindi maiwasang mapanganga si Atlas sa subra niyang pagkahanga. "Napakagandaaa..." nabibighaning sambit ni Atlas at natawa naman sa tuwa si Juan.




Ilang saglit pa'y biglang tumalon si Atlas na naka ngiti "Anyong isda!" Pagkatapos niyang sabihin ito ay biglang nag-iba ang kaniyang anyo, nawala ang kaniyang pagiging tao at naging isa siyang maliit na isdang may kulay ng kahel.

Gumulat kay Juan ang nakita halos manlaki ang mga mata niya nang naging isda si Atlas, at nang bumagsak ito sa mga tubig sa batis ay lumangoy ito paibaba na karaniwang ginagawa ng mga isda. "Isa pala siyang Water Gifted..." tila hindi makapaniwalang saad ni Juan.

Napangiti lang sa labi si Juan at sumunod ng tumalon para maligo na rin sa may malalim na batis "Anyong ibon!" Pagkatapos nitong sabihin ni Juan ay bigla ding nawala ang pagiging tao niya at naging anyong maliit na ibon siya na kulay puti.




Pagkabagsak ni Juan sa mga tubig ng batis ay agad niyang ikinakapa-kapa ang mga pakpak at nakakainom na siya ng mga tubig, ito'y dahil karaniwan sa mga ibon ay nahihirapan lumangoy, at kung hindi pa niya magagawan ng paraan ay manunulod siyang nanatiling ibon.

"Balik anyo!" Pagkatapos nitong sabihin ni Juan ay agad nawala ang pagiging ibon niya at bumalik ang kaniyang totoong anyo na isang bata.

Dahil bumalik na sa pagiging tao si Juan ay nagawa na niyang tumayo sa mga lupang nasa ilalim ng mga tubig sa batis, at hindi pa rin maayos ang kalagayan niya dahil namumula siya at nagsusuka ng mga tubig na nainom niya kanina nong isa pa siyang ibon.



Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now