Chapter 15

83 10 35
                                    





Chapter 15: Hangin laban sa hangin

Sa gitna ng malawak na espasyo ng Battlefield ay makikitang seryosong magkaharap sina Hazel Talha at Sinag Alvarez, bilang mga susunod na maglalaban para sa Warriors Battle.

Napabuntong hininga si Sinag at tila bumusangot ang mukha "Wala na akong ganang lumaban..." mababang tuno ng boses niya.

Kumunot naman ang noo ni Hazel "Huwag mong sabihing naduduwag ka na Sinag..." pagtataka ni Hazel.

Napayuko ng ulo si Sinag "Bukod sa wala naman dapat akong patunayan...pakiramdam ko wala na akong lakas...lalo pa't ang tanging isa sa mga pinanghuhugutan ko ng lakas ay si Hamaro, siya lang ang tanging gusto ko, pero wala siya dito...natalo siya, kaya mag gugustohin ko nalang matalo para makasama siya..." bakas ang lungkot sa mukha ni Sinag.

Napakuyom ng mga kamao si Hazel "Ano ba Sinag?! Hindi si Hamaro ang lakas mo, kundi ang sarili mo! Ni-hindi mo nga tiyak kong mahal ka rin ba talaga ni Hamaro, gaya ng pagmamahal mo sa kaniya! Lumaban ka para sa sarili mo! Para sa mga pangarap mo!" Pagtataas boses ni Hazel.

Napaangat ng tingin si Sinag "Pero si Hamaro ang pinapangarap ko..." sagot niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Hazel "Puro ka nalang puso! Pwes! Sa ayaw at sa gusto mo, wala tayong magagawa, dahil nandito tayo sa Warriors Battle, kung saan isa lang dapat ang matitira...kaya gagawin ko ang lahat para sa ating dalawa, ako ang matirang matibay..."



Pagkatapos sabihin yon ni Hazel ay agad siyang naghagis ng mga hangin papunta kay Sinag, napatalon naman patalikod si Sinag para makaiwas.

"Mukhang hinahamon mo talaga ako...pero hindi ko na hiniling pang manalo...dahil sa tingin ko sa ating dalawa, mas karapat-dapat ka..." sambit ni Sinag.

Biglang sabay na naglahad ng mga kamay sila Hazel at Sinag sa isa't isa kaya sabay din silang nag-atake ng mga hangin papunta sa isa't isa, pero ang mga hangin lang nila ang nagsalpokan sa gitna nila.

Nakaisip ng paraan si Hazel, agad siyang naglaho at sumulpot sa likod ni Sinag at agad siyang naglabas ng mga hangin sa kamay at malakas na inihagis kay Sinag, at huli na ng namalayan yon ni Sinag kaya tumilapon siya sa malayo.

Tumakbo ng mabilis si Hazel habang nakakuyom ang mga kamao na para bang naghahanda siyang suntokin ang lalapitan niyang si Sinag na dahan-dahan ng tumatayo mula sa pagkahiga sa lupa.

Nang matayod ng nakatayo si Sinag ay agad siyang naghagis ng mga hangin, mabilis naman naglaho si Hazel at lumipat sa likod ni Sinag sabay malakas niyang sinuntok ng dalawang beses gamit ang dalawa niyang kamao ang likod ni Sinag, kaya tumilapon si Sinag at napahiga muli sa lupa.



Dahan-dahan na bumabangon si Sinag at nang nakaupo na siya sa lupa ay napapaatras naman siya patalikod habang nanatiling nakaupo dahil sa kaba niya nang makitang tumatakbo si Hazel papalapit sa kaniya at bigla itong tumalon papunta sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Sinag at nanginginig ang kaniyang mga labi dahil hindi niya alam anong gagawin 'A-Anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng gumamit ng Sonic Scream...ayaw kong masaktan si Hazel, gusto kong siya ang mananalo...' sa isip ni Sinag.

Hindi na nga napigilan ni Sinag ang kaniyang sarili nang nasa kaniyang harapan na si Hazel at susuntokin siya, kaya napapikit ng mga mata si Sinag at bigla nalang siyang napasigaw ng malakas "AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Hindi niya napigilan lumabas ang kaniyang kapangyarihan.


Maraming mga manunuod ang napatakip ng tenga sa subrang sakit at ngilngig na pakinggang sigaw ni Sinag "Pambihira...anong klaseng kapangyarihan yan? Ngayon lang ako nakakita ng ganiyan..." sambit nila at marami nga sa kanila ang halos manlaki ang mga mata.

Napanganga naman ang mahalagang tagahukom na si Sinaunang Shadow Andres Waluna "Sonic Scream? Sa pagkakaalam ko, iisa pa lamang ang kilalang Sonic Screamer sa Atlanian...baka niyang bata na yan ang susunod sa yapak niya..." sambit ni Andres.

Ang Sonic Scream ay isang mataas at matulis na sigaw, kaya nitong nilaparin ang mga bagay at maging butasin, ang kakayahan din na ito ay nagbibigay ng sakit sa tenga sa subrang ngilngig niyang pakinggan, at higit sa lahat ay mistula silang mga hangin.



Sa subrang lakas ng pinakawalang Sonic Scream ni Sinag ay tumilapon ng malakas si Hazel at tumama sa dingding ng Battlefield.

Dali-daling tumayo si Sinag at napahaplos pa siya sa kaniyang tila nanginginig na bibig "Pa-Patawarin mo ako Hazel...hindi ko sinasadya..." paghihingi niya ng tawad kahit hindi naman siya naririnig ni Hazel dahil malayo ito mula sa kaniya.

Mabilis naman nakatayo ng matayod si Hazel at napa ngiti pa siya sa labi habang nakipagtitigan kay Sinag "Ganyan nga Sinag...simulan na natin ang matinding laban..." pagkatapos nitong sabihin ni Hazel ay agad na siyang tumakbo papunta kay Sinag.

Mabilis na ibinuka ng maluwag ni Hazel ang kaniyang mga kamay at naglalabas siya ng mga hangin at agad niyang inihahagis papunta kay Sinag at hindi naman agad napapaiwas si Sinag kaya tumilapon siya.

Walang pigil na pinaghahagisan ng mga hangin ni Hazel si Sinag at pinagpalit-palit pa niya ang dalawa niyang kamay sa paghahagis, kaya tuloy-tuloy din na tumilapon si Sinag.

Hanggang sa agad naglaho si Hazel at mabilis siyang sumulpot sa harap ni Sinag sabay malakas niyang sinipa ang mukha nito, kaya tumilapon si Sinag at tumama sa dingding ng Battlefield "Patas na tayo..." sambit ni Hazel.



Napapangiti naman sa labi si Juan na nanunuod sa itaas kasama ang iba pang mga batang Warriors "Sa totoo'y para sa akin, isa si Hazel sa mga malalakas na babae dito sa Atlanian...siya pa nagturo sa akin ng kakayahang Air Balls..." sambit ni Juan.

Hindi naman naiwasang kumunot ang noo ni Sahara habang nilingon si Juan "Ayyyieehh...gusto mo ata si Hazel eh..." sabay tawa ni Sahara at sinabayan naman siya ni Atlas.

Bumagsak naman ang mukha ni Juan na nasa gitna nila Atlas at Sahara nang pinagtatawan siya ng dalawa sabay pinagkikiliti pa nila ang kaniyang bandang gilid sa tiyan.

"Ano ba kayo...gusto ko siya bilang kaibigan lang, yon lang turi naman sa isa't isa at hanggang do'n lang yon...baka kayo ang may gusto sa isa't isa..." pinipigilan naman matawa ni Juan nang makitang halos manlaki ang mga mata nila Atlas at Sahara.

Saglit pang nagkatitigan sila Atlas at Sahara at sabay na iniwas ang mga tingin sa isa't isa "Hi-Hindi ah..." nauutal nilang sambit at si Juan na naman ang natawa dahil nakita niyang namumula ang mga pisngi nila Atlas at Sahara habang nag-iiwasan ng tingin.

"Aba matindi...ang babata niyo pa para diyan..." natigil ang tawa ni Juan nang magsalita si Cecilia na nasa likod.



Habang magkaharap sila Hazel at Sinag ay agad naman nanlaki ang mga mata ni Hazel nang muling sumigaw si Sinag at naglabas ng Sonic Scream "AAAHHHHHHH!!!" Kaya tumilapon si Hazel habang nakadapo sa kaniya ang mga hanging nasa dulo ng Sonic Scream.

Sa kabila ng nangyayari ay nakaisip pa rin si Hazel ng paraan, agad siyang naglabas ng mga hangin sa katawan, kaya siya ngayon ay napapalibutan ng mga hangin. Lalong dumarami ang mga hangin ni Hazel at tila nilalabanan nila ang bigat ng Sonic Scream ni Sinag.

Natigil na sa pagkatapon si Hazel at matayod na siyang nakatayo habang pinapalibutan ng mga hangin at nasa harapan naman niya ang Sonic Scream ni Sinag na nakipagsalpokan sa mga hangin niya.

Napakuyom ng mga kamao si Hazel "Aaarrrrgghhh!!" Sigaw niya at nilakasan niya ang paghagis sa mga hangin kaya tumilapon ang mga Sonic Scream ni Sinag at bumabalik ito sa kaniya, kaya tumama siya ulit sa dingding ng Battlefield.


Pinagmasdan ng mahalagang tagahukom na si Protector Nayde Alanta si Hazel "Sa pagkakaalam ko napaka-espesyla na bata ni Hazel sa angkan ng Talha. Dahil si Hazel ang tinuturing prinsesa sa angkan ng Talha. Siya ang nag-iisang babae sa kanilang angkan." Sambit ni Nayde.

Napatango naman si Andres "Balita ko malaki din ang angkan ng Talha at maraming malalakas sa kanila..." saad naman ni Andres.








Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now