Chapter 39

67 7 21
                                    







Chapter 39: Ang pagtatapos ng Warriors Battle


Biglang sumulpot ang totoong si Juan sa itaas ni Joseph at agad niyang sinipa ng pagkalakas ang ulo nito, at hindi pa siya tapos dahil naglabas siya ng mga hangin sa kamay at inihagis niya ito kay Joseph at sa subrang lakas nito ay nailibing si Joseph sa lupa.

Napapangiwi si Joseph dahil sa pagkalibing niya sa lupang nabutas dahil sa pagkabagsak niya nang tumama ang mga hangin ni Juan. Mayamaya'y dahan-dahan na bumabangon si Joseph at napapalibutan siya ngayon ng mga enerhiyang tubig at nang makatayo ay agad siyang tumalon paitaas.

Habang nakalutang sa itaas si Joseph ay bumuga siya ng maraming mga tubig para matamaan si Juan na nakatayo sa ibabang lupa, agad naman na tumalon patalikod si Juan para makaiwas sa mga tubig. Habang tumalon si Juan ay nagawa niyang gamitin ang kakayahan.

"Sizeng! B-Dimension!" Biglang unti-unting umiiba ang sukat ng pangangatawan ni Juan, naging kasing laki siya ng higanteng nilalang.





Nang masyado ng malaki si Juan ay mabilis niyang hinahabol ang nakalutang sa itaas na si Joseph na nanatiling mahaba na parang goma ang pangangatawan. Kung pagmasdan ay parang naghuhuli ng ahas na lumilipad ang higanteng si Juan.

Hindi nagtagal ay nahuli nga ni Juan si Joseph at mahigpit niyang hinawakan ang mahabang paa nito, dahil sa laki ng kamay ni Juan ay napapangiwi si Joseph. Ilang saglit pa'y walang awang inihahampas ni Juan ang mala-gomang katawan ni Joseph sa mga dingding ng Battlefield at maging sa mga lupa.

Halos napapapikit ng mga iba ang ilang mga manunuod na tila ayaw nilang mapanuod ang walang tigil na paghahampas ni higanteng Juan sa katawan ni Joseph sa mga dingding na nagdulot ng pagkasugat-sugat ni Joseph at sumusuka na rin ng mga dugo.





Hindi maiwasang mapakunot-noo ang ilan sa mga manunuod, maging ang mga batang Warriors dahil sa pinakitang lakas ni Juan.

"Napakalakas pa rin ni Juan, nagawa pa niya ang Sizeng B-Dimension, eh sa pagkakaalam ko nangangailangan ng napakaraming mga enerhiya para magawa ang kapangyarihan na yon...nong naglaban palang sila ni Atlas nararamdaman kong maraming nabawas sa kaniyang enerhiya..." puno ng pagtatakang sambit ni Hazel.

Nilingon naman ni Jericho si Atlas na nasa tabi niya 'Sa tingin ko'y dahil sa ginawa namin ni Atlas kay Juan, pero naging mas doble ang lakas ni Juan na parang may mga bago siyang enerhiya dahil kay Atlas, dahil kumpara sa akin mas marami siyang nailabas na mga enerhiya na sapat na para maibalik ang lakas ni Juan...' sa isip ni Jericho.




Napapaisip din si Juan habang walang tigil niyang inihahampas sa mga dingding ang mala-gomang katawan ni Joseph. 'Dahil sa pinagsamang mga enerhiya nila Atlas at Jericho ay hindi lang bumalik ang lakas ko, kundi mas lalo pa akong lumakas...' sa isip ni Juan.

Ilang saglit pa'y iniikot-ikot ni Juan sa itaas ang hawak-hawak niyang mala-gomang katawan ni Joseh at habang tumatagal ay bumibilis ang pag-iikot niya. Mayamaya'y itinapon niya ng pagkalakas si Joseph, at hindi pa ito sapat sa kaniya dahil habang tumilapon pa si Joseph ay sinuntok pa niya ito ng pagkalakas gamit ang napakalaki niyang kamao.

Pagkatama ni Joseph sa dingding ng Battlefield ay nagkaroon pa ng panandaliang pagyanig at malalim pang nabutas ang centrio ng dingding kung saan tumilapon si Joseph na ngayon ay dugoan at nanghihina na. Ilang saglit pa'y dumudulas na ang katawan ni Joseph sa dingding, kaya nahulog siya sa ibabang lupa.

Dahan-dahan na pumipikit ang mga mata ni Joseph habang nakahiga siya sa lupa at hindi na gumagalaw dahil nanghihina na siya, pero pinipilit pa rin niyang ngumiti habang nakatingala sa mga ulap.

"Hindi ko inakalang napaka-seryoso pala lumaban ng palabirong si Juan...hays, gusto ko na matulog..." mababang tuno ng boses ni Joseph at tuloyan na nga siyang nagpahinga.




Dahil hindi na umaatake si Joseph ay sinimulan na siyang bilangan ng sampung segondong oras para bumangon kung gusto pa niyang lumaban. Ngunit natapos nalang ang oras ay hindi siya bumangon at humihilik pang natutulog.

"Ang nanalo sa labang ito, Juan Luna!" Anonsyo ng tagapagsalita na si Ian.

Marami sa mga manunuod ang nagsitayoan, nagpalakpakan at naghiyawan habang bakas ang ngiti sa mukha. Kung meron mang labis na natuwa sa pagkapanalo ni Juan ay walang iba yon kundi ang malapit niyang kaibigan na si Atlas na tumatalon-talon pa habang may abot tengang ngiti na halos mapunit na ang labi.

"Ayos! Nagawa mo Juan! Panalo tayooo!!" Pagsisigaw ni Atlas sa labis niyang tuwa para kay Juan.

Nakangiting nilingon ni Juan si Atlas at pinakitaan niya ito ng nakakuyom niyang malaking kamao at ipinakita rin ni Atlas ang kamao niya kay Juan habang sa mukha nila'y may matamis na ngiti.







Lumipas ang ilang oras, hapon na. Tumayo na ang lahat ng mga nandito sa Atlanian's Park; mga manunuod, mga batang Warriors, mga Guardians na guro ng mga Warriors at maging ang dalawang mahalagang tagahukom na sina Protector Nayde Alanta at Sinaunang Shadow Andres Waluna.

Magkatabing nakatayo ang lahat ng mga Warriors, nagtipon-tipon sila kasama ang mga kasamahan sa koponan at maging ang bawat guro nila. Ang tanging wala rito ay sina Hamaro at Sinag, kaya mag-isa ngayon sa gilid si Jericho na kasamahan ng dalawa sa Team Justice.

Humawak na ng microphono ang tagapagsalita na si Ian, dahil oras ng magbigay ng salita para sa pagtatapos ng Warriors Battle. Naka ngiti sa labi si Ian habang inilibot ang buong tingin sa mga manunuod.

"Maraming salamat sa lahat ng mga nandito ngayon dumalo. Isang Warriors Battle na naman ang nagtapos, at natuklasan natin ang galing ng mga Warriors ngayon, lahat sila'y may iba't ibang lakas na taglay, at iba-iba ang kwento ng buhay. Pero iisa lang ang hangarin nila, ang maipagtanggol ang buong Atlanian at mapanatili ang kapayapaan dito." Huminto muna saglit si Ian at tinitigan ang mga batang Warriors.



"Warriors, binabati ko kayong lahat! Nawa'y nakita ninyo ang kahalagahan ng Warriors Battle, ang maihanda kayo sa mga parating na laban. Alam namin na may magandang kinabukasan ang naghihintay sa inyong lahat at malayo ang mararating ninyo, ang kailangan niyo lang gawin ay magsikap at maniwala. Muli, maraming salamat sa inyong lahat." Pagkatapos nitong sabihin ni Ian ay iniyuko niya ang kaniyang ulo bilang pagpapasalamat sa mga dumalo ngayon.

Lahat ay nagpalakpakan at bakas ang tuwa sa mga mukha nila, lalo na ang mga Warriors na nililingon ang isa't isa at nagbibigay ng matatamis na ngiti.

"Pagbati sa ating lahat, tagumpay nating natapos ang unang Warriors Battle. Sa mga susunod pang Warriors Battle, lalo pa nating gagalingan at ipakita natin kung ano ang kaya natin...diba mga kasama..." saad ni Atlas sa lahat ng Warriors at napangiti naman sila lahat.









Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now