Chapter 23

67 9 33
                                    






Chapter 23: Nakakalamang na

Sa pagpapatuloy ng laban nila Josh at Jericho sa gitna ng malawak na Battlefied ay nakakalamang na si Jericho, sapagkat nanghihina na si Josh na ngayon ay nakadapa sa lupa at maaari na siyang mawalan ng malay.

Naging pabigat na ng pabigat ang bawat hininga ni Josh. Pero sa kabila ng nangyayari sa kaniya ay pinipilit pa rin niyang lumaban, ikinuyom niya ng mahigpit ang kaniyang mga kamao na nakadapo sa lupa.

'Kailangan kong ipunin ang mga natitira ko pang enerhiya dito sa mga palad ko, para hindi ako mahirapang maglabas ng mga Snowflakes.' Sa isip ni Josh habang malalim ang titig niya sa kaniyang mga kamao.

Hanggang sa matapang na nag angat ng tingin si Josh sabay itinaas niya ang kaniyang mga kamay at agad na may mga Snowflakes ang lumalabas mula sa mga palad niya. Ikinagulat ng maraming manunuod nang makitang hindi pala aatake papunta kay Jericho ang mga Snowflakes, kundi ay pinapalibutan ng mga ito si Josh.

Napakunot-noo si Jericho na nanatili sa kinatatayoan habang nakamasid kay Josh na nasa kaniyang harapan ngunit may kalayoan. Hindi niya mawari kung ano ang pinaplano ni Josh pero agad niyang ikinuyom ang mga kamao bilang paghahanda.

Hindi na masyadong marami ang mga Snowflakes na ipinalabas ni Josh, ito'y dahil nabawasan na siya ng mga enerhiya dahil sa pagkabasa niya sa mga tubig na nagmula sa kapangyarihang Ener Bubble ni Jericho.

Hindi man masyadong marami ang nakapalibot na mga Snowflakes ni Josh ay sapat na ito para sa plano niya. Pagkadapo ng mga Snowflakes sa iba't ibang parti ng katawan ni Josh ay unti-unting nawawala ang mga tubig at namumuti ang katawan niya na kasing puti ng mga niyebe.




Mayamaya pa'y napapanganga nalang ang maraming mga manunuod at lalo na si Jericho nang makitang dahan-dahan na tumayo si Josh na parang walang nangyaring masama sa kaniya. Hanggang sa matayod siyang nakatayo at naging malalim ang titig niya kay Jericho.

Hindi na nanghihina si Josh at bumabalik ang kaniyang lakas. Ito'y dahil sa tulong ng mga Snowflakes niya. Kung dadapo sa mga kalaban ang mga Snowflakes ni Josh ay manghihina sila't mababawasan ng enerhiya, pero kay Josh ay kabaliktaran.

Kaya ng mga Snowflakes ni Josh na magbigay ng mga enerhiya, kaya ginamit niya ito para magkaroon siya ng mga bagong enerhiya. Nong dumapo sa mga katawan ni Josh ang mga enerhiya ay nawala ang mga lasong tubig ni Jericho dahil sa lamig ng mga Snowflakes, kaya hindi nahirapan ang mga Snowflakes na mabigyan ng mga enerhiya si Josh.



Unti-unting bumabalik sa mga palad ni Josh ang kaniyang mga Snowflakes na nagbigay ng mga enerhiya sa kaniya. "Sinasabi ko naman sayo Jericho...mas nakakalamang ako sayo, dahil nabibigyan ako ng mga enerhiya ng aking mga Snowflakes..." sabay ngiti sa labi ni Josh na parang nang-iinsulto.

"Nakaligtas ka man, pero sisiguradohin kong sa huli, hindi ka makakatakas sa katotohanang ako ang mananalo sa labang ito!" Pagkatapos nitong sabihin ni Jericho ay agad niyang inilahad sa itaas ang kaniyang kamay at biglang nagkaroon ng malaking Ener Bubble sa itaas.

Inilahad ni Jericho ang kaniyang kamay kay Josh at agad naman siyang sinunod ng kaniyang Ener Bubble, lumipad ito papunta sa harapan ni Josh at mabilis nga itong nakalapit para kalabanin si Josh.

Sa pamamagitan ng paglahad ni Jericho ng kaniyang kamay sa Ener Bubble ay namamanipula niya ito. Ikinikilos ni Jericho ang kamay niya sa kung anong paraan niya gustong aatake ang Ener Bubble kay Josh.



Tatama na ang Ener Bubble sa harap ni Josh kaya agad siyang tumakbo patagilid para makaiwas, pero sinusundan pa rin siya ng Ener Bubble.

Hanggang sa tumigil sa pagtakbo si Josh at mabilis siyang naghagis ng mga Snowflakes papunta sa Ener Bubble, at sa subrang dami ng mga inatake niyang Snowflakes ay pumutok ang Ener Bubble. Agad na tumalon patalikod si Josh para hindi siya matamaan ng mga tubig mula sa Ener Bubble na maging resulta na naman ng panghihina niya.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon