Chapter 4

109 11 22
                                    




Chapter 4: Aatras o lalaban


Isang lalaki ang makikitang nakatayo sa pwestong nasa pinakaitaas, ang lalaking ito ay ang magsisilbing tagapag-salita sa gaganapin ngayong Warriors Battle.

May hawak na siyang microphono at nakahanda na magsalita. "Magandang umaga! Ako si Ian Chow, isa sa mga tagabantay ng Atlanian's Kingdom, at ako ang inyong tagapagsalita ngayong araw ng Warriors Battle." Pagpakilala ni Ian na may ngiti sa labi.

"Maraming salamat sa inyong pagdalo sa espesyal na araw na ito. Alam kong matagal niyo itong hinihintay, kaya huwag na natin 'tong patagalin pa, simulan na natin ang Warriors Battle!" Pagkatapos nitong sabihin ni Ian ay naghiyawan at nagpalakpakan na ang mga manunuod.

"Team by team kong ipakilala sa inyo ang ating mga bagong Warriors. Unahin na natin ang Team Disciples at Team Dream!" Sigaw ni Ian.

Mayamaya'y bumukas ang isang malaking pintoan at paglabas ng mga batang kabilang sa Team Disciples at Team Dream ay sinalubong sila ng malalakas na palakpakan mula sa mga manunuod.

"Woah...kaya niyo 'yan mga bata..." sigawan ng mga manunuod.

Parihong kalmado lang ang lahat ng membro sa dalawang koponan na ito, mula sa Team Disciples na sina Cecilia Carelo, Josh Lakan at Hazel Talha, at Team Dream na sina Adhana Makadatu, August Mendez at Lynn Yarra.

Alam na nila ang kanilang gagawin sa oras na sila'y lumabas at 'yon nga ay lumakad dito sa malawak na Battlefield, aakyat sa hagdan at lapitan ang kani-kanilang guro upang samahan sila do'n sa itaas.

Kasama na ng Team Disciples ang kanilang babaeng guro na si Liwayway Saaya, isang Water Gifted. Kasama na rin ng Team Dream ang kanilang guro na si Peter Dominggo, isang Air Gifted.




"Ngayon, ang Team Justice at Team Adventure!" Muling tawag ni Ian sa dalawang koponan na dapat ng lalabas.

Muling bumukas ang malaking pintoan at sinalubong nga ng malakasang palakpakan ang Team Justice na sina Hamaro Rizal, Sinag Luna at Jericho Rowan, kasama ang Team Adventure na sina Hebreo Rio, Mariecris Polledo at Joseph Vegan.

"Woah...ipakita niyo ang buo niyong lakas..." hiyawan na may kasamang palakpak ng mga manunuod.

Nililingon ni Joseph ang buong paligid. "Ang saya pala dito..." nakangiting wika niya.

"Ako mas sasaya ako kung tayo ang magkalaban, nang sa ganun mailabas ko ang buo kong galit sa 'yo!" Inis na pagkasabi ni Mariecris at nang lingonin siya ni Joseph ay iniripatan niya ito at nauna ng lumakad.

Lumakad na ang dalawang koponon na ito papunta sa kung saan ang pwesto nila kasama ang kani-kanilang guro.

Hindi nga nagtagal ay nakasama na ng Team Justice ang kanilang guro na si Bea Barlom, isang Land Gifted. Kasama na rin ng Team Adventure ang kanilang guro na si Eddie Miranda, isang Fire Gifted.




"At ang huli, ang Team Believe at Team Determine!" Muling tawag ni Ian sa huling koponan na dapat ng lalabas.

Sa muling pagbukas ng malaking pintoan ay sinalubong ang dalawang koponan na Team Believe at Team Determine ng mas mataas na hiyawan at masigabong palakpakan na halos napapatayo pa ang ilan sa mga manunuod.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now