Chapter 2

121 12 28
                                    




Chapter 2: Pagsubok ni Atom kay Atlas

Pagsapit ng gabi, sa isang napakalawak na bakuran sa simpleng bahay ay makikita ang isang lalaki na sinasanay ang anak na babae sa pakipaglaban.

Makikitang pariho ang dalawa na Water Gifted dahil sa paglalahad nila ng kamay sa lupa para manipulahin at kunin ang mga tubig na nasa ilalim ng lupa, nang sa ganun ay magamit nila ang mga tubig para i-atake sa isa't isa.

Ang mag-amang ito ay sina Haime Hatala at Sahara Hatala. Pariho silang walang enerhiya ng elemento na dumadaloy sa katawan, pero dahil sa tulong ng pagsasanay ni Haime kasama ang naging guro niya dati na si Sanarthur Galang ang Ika-unang Protector, ay nagkaroon siya ng mga kakayahan na namana ni Sahara.

Sa hindi kalayoang gusali ay makikita si Atlas na nakaupo sa bubong nito at nakamasid siya sa pagsasanay ni Sahara para sa Warriors Battle. Napabuntong hininga siya.

"Maswerte pa rin si Sahara, dahil may mga magulang siya na mismong nag-sasanay sa kaniya..." bakas sa mukha niya ang lungkot dahil nangungulila siya sa pagmamahal ng magulang.

"Aray naman, nagsisisi ka bang ako naging master mo?" Nanlaki ang mga mata ni Atlas nang marinig niya sa likod ang boses ng isang lalaking napakalapit sa kaniya.

"Hi-Hindi po, hindi po...kayo po ang pinaka-magaling na guro Sir Atom..." nagpailing-iling siya ng ulo bilang nais niya iparating na nagkakamali ng pagkaintindi ang kaniyang guro na si Atom Dagathan.

Dahan-dahan na lumingon si Atlas sa likod at napalunok siya sa kaba nang makitang matulin ang tingin sa kaniya ni Atom na para bang nagagalit at nagtatampo.

Biglang natawa si Atom. "Kinakabahan ka ah. Hali ka na, ituloy na natin ang pagsasanay, dito mismo." Tugon niya.

Nanlaki ang mga mata ni Atlas at agad siya napatayo. "Ano?! Dito po?! Eh madadamay po ang mga bahay nila Sir Atom..." pagreklamo niya.




Walang salita-salita ay agad itinadyak ni Atom ang isang paa at bigla nalang sila lumutang sa hangin. Nanlalaki lang ang mga mata ni Atlas dahil sa takot at kaba na baka mabasag ang kinatatayoan nilang malaking salamin, pero gawa lang ng mga hangin ang mga ito, nagmumukha lang salamin dahil sa subrang nipis.

Ngayon pa lang nasubukan ni Atlas ang makalutang sa himpapawid at tila nakasakay sa isang bagay na matatanaw pa ang nasa ibaba, kaya halos manginig ang mga paa niya at hindi niya kayang titigan ng matagal ang ibaba dahil pakiramdam niya nahuhulog siya.

"Handa ka na ba? Simulan na natin 'to..." agad na tumakbo si Atom papunta kay Atlas.

Nahihirapan pa rin makakilos ng maayos si Atlas dahil kapag tumitingin siya sa ibaba ay kumakaba ang dibdib niya, pero agad siya napaangat ng tingin nang maramdaman niyang may kung anong bagay ang papalapit sa kaniya.

Labis na gumulat sa kaniya nang makitang papalapit pala sa harapan niya ang napakalaking kamao ni Atom mula sa mga braso nitong humahaba at lumalaki at parang mga hangin sa subrang puti, kapangyarihan ni Atom na kung tawagin ay Air Arms.

Mabuti nalang ay nagawa ng kumilos ni Atlas, tumalon siya patalikod para makaiwas sa kamao ni Atom, mas lalong kinabahan si Atlas nang maglalaho si Atom at mabilis itong nagpalipat-lipat ng pwesto mula sa harap, sa likod at maging sa gilid, marahil ay balak nitong litohin siya.

Napakabilis niyang kumilos...sasakit ulo ko dito, sa isip ni Atlas.

Mayamaya'y tumigil si Atom sa likod ni Atlas at agad niya hinawakan ng pagkahigpit ang tiyan ni Atlas kaya napangiwi ito dahil sa laki ng palad niya.

Biglang may naisip na paraan si Atlas, gamit ang kakayahan niyang magpalit-anyo ay bigla siya naging maliit na isda.

Dahil naging maliit na isda si Atlas ay nakawala nga siya sa palad ni Atom at pagkahulog niya ay agad siya nagbalik sa anyong tao at kasabay nito ay naghagis siya ng mga tubig kay Atom, ngunit sinuntok lang ni Atom ang mga ito gamit ang malaking kamao.




Hanggang sa inilabas na ni Atlas ang isa sa mga kapangyarihan niya, ang mga klase-klaseng espada na napapalibutan ng mga tubig, ang Prime Swords.

Kumuha ng dalawang espada si Atlas at pinaikot-ikot niya muna ang mga ito bago itinapon papunta kay Atom at isinunod na niya ang lahat ng mga Prime Swords na inilabas niya.

Dahig nakatuon ang atensyom ni Atom sa pagsusuntok ng mga Prime Swords palayo ay sinamantala na ni Atlas ang pagkakataong umatake kay Atom.

Naglaho siya at pagkalipat niya sa likod ni Atom ay agad niya sinipa ng pagkalakas ang ulo ni Atom, kaya napangiwi si Atom dahil nadama niya ang sakit sa ulo lalo pa't may mga tubig ang nakapalibot sa paang isinipa ni Atlas, kaya ganun nalang 'yon kalakas.

Kasabay ng pagbalik sa toong anyo ng mga kamay ni Atom ay sumulpot naman si Atlas sa harapan niya para sugatan ang tiyan niya gamit ang hawak nitong espada, pero hindi siya nagpatalo agad siya ng atake ng kamao upang suntokin si Atlas.

Simpleng ngumiti lang si Atlas habang nakatingin sa kamaong isusuntok ni Atom, ilang sandali pa'y ang braso nalang ni Atom ang sinugatan niya ng espada kaya napangiwi ito.





Lumipas ang ilang oras. Makikitang nandito na ulit sa malawak na bubong ng gusali sina Atlas at Atom, pinagmasdan nila ang mapayapang paligid ng Atlanya sa gabing ito.

Nilingon ni Atom si Atlas. "May mahalaga akong sasabihin sa 'yo, at nais kong atin-atin lang ito, wala kang dapat pagsabihan, kahit sina Cecilia at Juan, maging si Sahara." Wika niya.

Hindi naiwasang magtaka ni Atlas dahil sa napakaseryosong mukha ni Atom. "Ano po 'yon Sir Atom?" Nakakunot noong tanong niya.

Bumuntong hininga muna si Atom bago sumagot. "Mula bukas, huwag mo ng gamitin ang Prime Swords." Sagot niya.

Labis na gumulat 'yon kay Atlas. "Pero Sir Atom naging bahagi na po ng buhay ko ang Prime Swords..." pagreklamo niya.

Naging kalmado pa rin si Atom. "Alam ko. Pero para ito sa kabutihan mo. Hindi ka maging mas malakas kung aasa ka nalang sa enerhiya ng Prime Swords. Alam natin na may mga sariling enerhiya ang Prime Swords, at kapag ginagamit mo ito hindi ang enerhiya mo ang nagagamit mo, kundi ang mga enerhiya nila. Hindi ba gusto mo maging pinaka-malakas na Protector, pwes tanggapin mo ang hamon ko." Pagpaliwanag ni Atom.

Napalunok nalang si Atlas. "Pe-Pero paano kung maubosan ako ng enerhiya, hindi ko pa rin ba pwedeng gamitin ang Prime Swords?" Tanong niya.

"Hindi mo pwedeng gamitin ang Prime Swords hanggat hindi pa kita pinapayagan. Huwag kang mag-alala, tiyak ko namang alam mo na maraming paraan para makakuha at makapag-ipon ng enerhiya. Sana nga lang nakinig ka sa akin nong mga panahong nasa Atlan Academy pa tayo." Sagot ni Atom.

Napakamot nalang sa ulo si Atlas at pinipilit niya ngumiti dahil nahihiya siya na hindi siya masyadong nakikinig sa mga itinuturo ni Atom nong mga panahong nasa Atlan Academy pa sila. "Susubukan ko pong alahanin ang mga 'yon." Patawang sabi niya.

Ilang sandali pa'y ngumiti siya kay Atom. "Pero sige ba, tinatanggap ko po ang hamon niyo Sir Atom..." naging abot tenga ang ngiti niya habang pinapakita pa ang nakakuyom na kamao.

Ngumiti si Atom habang hinawakan niya ang balikat ni Atlas at sabay nilang nilingon ang maliwanag na buwan.

Kamangha-manghang bata talaga si Atlas, hindi ko inakalang tatanggapin niya ang hamon ko, lalo pa't bukas na ang Warriors Battle. Nasa dugo na talaga niya ang tapang at buong tiwala sa sarili, gaya ng mga Dampasigan, sa isip ni Atom.








Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now