Chapter 18

79 11 36
                                    





Chapter 18: Yelo at Apoy

Samantala, hindi pa tapos ang ginanap na Warriors Battle sa Atlanian's Park. Marami ang tahimik at tila sariwa pa rin sa kanila ang mga nangyari sa mga labang natapos na.

"Hindi rin nagpapahuli ang mga Warriors ngayon sa mga Warriors dati...napaka-galing..." bulongan ng mga manunuod.

Marami ang natigil sa pag-uusap nang magsimula muling pumili ang malaking randomizer na nasa itaas ng Battlefield kung sino ang mga susunod na maglalaban "Agad na nating simulan ang Ika-apat na laban!" Anonsyo ng tagapagsalitang si Ian at ang lahat ay muling nakatuon ang atensyon sa screen ng randomizer at inaabangan kung sinong dalawang pangalan na maglaban-laban.

Muli na namang naka ngiti si Atlas habang nakatitig sa randomizer "Pakiusap pakiusap ako naaa...nangangati na mga kamay kooo..." paghihiling niya habang ikinikiskis niya ang dalawa niyang palad.


Mayamaya'y tumigil na ang randomizer dahil may napili na itong dalawang maglalaban, marami ang nagkakaroon ng iba't ibang reaksyon nang makita kung sino ang susunod na maglalaban;

August Mendez vs Adhana Makadatu

Maraming mga manunuod ang nagulat at halos manlaki ang mga mata "Hala...sa pagkaka-alala ko parang nasa iisang koponan lamang ang dalawang niyan...kung hindi ako nagkakamali, Team Justice ang dalawang niyan...naku paano na 'yan..." sambit ng mga maunuod.

Dahil sa resulta ay unti-unting umuusok sa galit ang ilong ni Atlas, nagmukha na siyang isang takuri na umuusok sa subrang init at kumukulo niyang dugo "Arrrghhh...talagang hindi mo ako pinakikinggan!  Hanggang kailan mo ako pahihintayin?! Ginagalit mo na talaga ako..." sabay pagtuturo niya sa randomizer at pinapakitaan pa niya ito ng kamao.

Agad na nakabusangot na nga ang mukha ni Atlas dahil nabigo na naman. Wala siyang kamalay-malay na natatawang nakatitig pala sa kaniya si Sahara na nasa tabi lang niya.

Ilang saglit pa'y nakadama si Atlas na parang may nakatingin sa kaniya, kaya dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang gilid at nakita nga niyang natawa si Sahara, nang mapagtanto ni Sahara na nakatingin sa kaniya si Atlas ay ningitian niya ito sa labi.

Tila tumigil ang paligid ni Atlas nang ngumiti sa kaniya si Sahara at nakipagtitigan pa sila sa isa't isa, halos napapanganga si Atlas at isang bagay ang hindi niya naiwasan, ang pamumula ng mga pisngi. Kahit anong pigil ni Atlas ay hindi niya magawang iwasan si Sahara, ang tanging nagawa niya ay ang ngumiti habang nakipagtitigan sila sa isa't isa.



Lumapit na sila August at Adhana sa isa't isa at pumagitna na rin sa kanila ang kanilang babaeng guro sa Team Justice na si Bea Barlom. Lahat ng mga kasamahan nilang Warriors ay nakatingin sa kanila, kaya agad na nilingon ni Adhana si Atlas at nilabasan niya ito ng dila at may nakakalokong kindat na nakapikit ang kanang mata  "Bleehhh...hindi pinili..." tila inaasar niya ito dahil hindi na naman ito napili ng randomizer.

Hindi rin nagpatalo si Atlas agad niyang inilabas ang dila at nakapikit ang mga mata  "Bleehhh..." ganti rin niya, kahit na nalulungkot pa siya dahil hindi na naman napili pero nais pa rin niyang ipakita na wala lang yon ayos lang yon.

Bago haharap sa matinding laban sa Battlefield sina August at Adhana ay kinausap muna sila ng kanilang guro sa Team Justice na si Bea Barlom "Tandaan niyo, kahit anong mangyari dapat walang magbago sa relasyon niyo, dahil magkasama lang kayo sa iisang koponan...at kung matalo dapat tanggapin ito ng buo sa puso, kapag naman nanalo eh dapat walang magbago sa pakikipagtungo..." sambit ni Bea habang maingat na hinahawakan ang mga balikat nila August at Adhana.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon