Chapter 14

92 7 55
                                    





Chapter 14: Mananatili ang pagkakaibigan

Habang nanunuod ng maigi ang dalawang mahalagang tagahukom sa Warriors Battle na sina Protector Nayde Alanta at Sinaunang Shadow Andres Waluna ay napapahanga naman sila sa pinapakitang tapang ni Sahara.

"Anong tungkol sa batang yan?" Tanong ni Andres.

"Nagmula si Sahara sa angkan ng mga Hatala, isa sa mga angkan na walang masyadong Gifted. Nag-iisa siyang anak ni Haima Hatala na isa sa mga dating studyante ng Ika-unang Protector Sanarthur Galang. Dahil sa pursigidong pagsasanay at basbas ni Protector Sanarthur ay nagkaroon ng mga kakayahan si Haime na namana rin ni Sahara." Sagot ni Nayde.

Napakunot-noo si Andres "Hatala? Hindi ba't...Hatala ang isa sa mga--" natigil si Andres ng magsalita si Nayde.

"Oo tama po kayo. Ngunit walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon..." mababang tuno ng boses ni Nayde.



Samantala, sa gitna ng malawak na espasyo ng Battlefield ay nagpapatuloy ang tensyon sa pagitan nila Sahara at Hebreo. Mas lalong humigpit ang hawak ng mga naka-invisibiliting mga tubig ni Sahara sa mga kamay at paa ni Hebreo.

Pero bigla lang ngumiti si Hebreo na para bang nangangasar kay Sahara, ito'y dahil meron pa siyang alas na gagamitin laban kay Sahara. 'Sahara, Sahara...akala ko ba matalino ka...bakit mga paa at kamay ko lang ang sinigurado mo...salamat na rin at nakalimutan mo...' sa isip ni Hebreo.

Ilang saglit pa'y huminga ng malalim si Hebreo at napakunot ng noo si Sahara dahil tila nag-iipon ng mga enerhiya si Hebreo sa loob ng tiyan. Mayamaya pa'y mabilis na bumuga ng maraming hangin si Hebreo na mula sa kaniyang bibig.

Maraming mga hangin ang naibuga ni Hebreo mula sa kaniyang bibig kaya malakas na tumama ang mga ito kay Sahara at tumilapon siya papunta sa sumintong dingding ng Battlefield.



Nang mawala na ang mga tubig na nakakapit sa mga kamay at paa ni Hebreo ay nangangalit siya habang tinitigan si Sahara. Napakuyom ng mga kamao si Hebreo at nanginginig pa sa galit ang buo niyang katawan.

"Hindi ako makakapayag na matalo lang ng basta-basta...at sa isa pang katulad mo! Hindi ikaw Sahara ang pinapangarap kong makatunggali! Hindi ikaw ang taong yon!" Pagtataas boses ni Hebreo.

Dahil sa matinding galit ni Hebreo ay naging mas maraming mga Air Birds ang kaniyang pinapalabas at napapalibutan na siya ngayon ng mas maraming bilang ng mga Air Birds kumpara kanina, kaya marami ngayon ang nagulat dahil babalikan na ni Hebreo ng laban si Sahara.



Agad na inilahad ni Hebreo ang kaniyang kamay kay Sahara kaya mabilis na lumipad ang mga Air Birds papunta kay Sahara na nanatiling nakaupo't nakasandig sa dingding ng Battlefield.

Nanlaki ang mga mata ni Sahara nang makitang papalapit na sa kaniya ang mas maraming bilang ng mga Air Birds. Dahan-dahan na tumayo si Sahara at gustohin man niyang maglaho ngunit huli na ang lahat, dahil nakadapo na ang ilan sa mga Air Birds sa kaniyang braso, at mas lalo pa ngang dumadami ang mga Air Birds na dumadapo sa iba't ibang parti ng kaniyang katawan, mula sa ulo, paa at iba pa.

Marami ang nanlaki ang mga mata nang makitang tila nawala si Sahara sa kaniyang sarili, nakatulala lang ito at walang kibo "Sahara...anong nangyayari sayo...?" Pag-aalalang tanong ni Atlas.

Sumeryoso naman ang mukha ni Izalem "Mukhang kontrolado na ni Hebreo at ang kaniyang mga Air Birds ang katawan ni Sahara..." sambit niya.


Napa ngiti sa labi si Hebreo 'Sabi ko naman sayo kanina Sahara, sumuko kana...dahil yan din ang pupuntahan mo ngayon. Sa dami ng mga Air Birds kong nakadapo sayo at lahat sila'y napapalibutan ng mga hangin ang mga paa, ay hindi ka na makakilos pa, at hawak na namin ang katawan mo...' natatawang isip ni Hebreo.

Nag-aalalang tinitignan ni Atlas si Sahara "Sahara bumangon ka...lumaban ka pa..." sigaw ni Atlas para marinig siya ni Sahara, pero sa kalagayan ni Sahara ngayon ay maging ang ingay ng paligid ay hindi niya naririnig.


Naghintay muna ng ilang oras ang lahat dahil baka magawa pang labanan ni Sahara ang pagmanipula sa kaniya ni Hebreo at ng mga Air Birds nito.

Pero lumipas ang oras, tila hindi pa rin magawang labanan ni Sahara ang mga karapatan niya sa kaniyang katawan. Kaya nagsimula na siyang muling bilangan ng sampung segundong oras.

"Hindi pwede...Sahara...lumaban ka..." muling pagsisigaw ni Atlas.

Napabuntong hininga lang si Juan "Kahit anong sigaw mo Atlas, mukhang hindi niya tayo naririnig. Malakas ang mga Air Birds ni Hebreo, maging ang tila pagpapapigil nila sa kaluluwa ni Sahara ay nagawa nila..." mababang tuno ng boses ni Juan.


Hanggang sa, natapos na nga ang sampung segundo ng oras ni Sahara. "Ang nanalo sa labang ito, Hebreo Rio!" Anonsyo ng tagapagsalitang si Ian Chow. Marami ang nagsitayoan at nagpalakpakan habang humihiyaw.

May ngiti sa mukha ni Hebreo habang nakikita niya ang pagbati sa kaniya ng mga manunuod. Habang si Sahara nama'y nanatili lamang nakaupo at nakasandig sa dingding ng Battlefied at wala pa rin siya sa sarili, nanatiling nakatulala pa rin siya, ito'y dahil nakadapo pa rin sa kaniya ang mga Air Birds.



Lumipas ang ilang oras. Parihong nasa itaas na sina Sahara at Hebreo kung saan kasama na nila ang iba pang mga batang Warriors at ang kani-kanilang guro.

Habang magkaharap sa isa't isa sina Sahara at Hebreo ay naghawakan sila ng mga kamay "Magaling ang pinakita mo kanina Sahara...hindi ko inakalang malapit mo na akong kunan ng hininga kanina...pasensya na sa mga nasabi ko, marahil ay paraan ko na rin yon para mas mailabas mo ang lakas mo..." sabay ngiti sa labi ni Hebreo.

"Ano ka ba, ayos lang yon...ang mahalaga manatili pa rin ang pagkakaibigan natin. Binabati kita sa iyong pagkapanalo..." pagbati ni Sahara nang naka ngiti at tumango naman si Hebreo.

Ilang saglit pa'y tinabihan ni Atom si Sahara at inakbayan niya ito, medyo naiilang pang lumingon si Sahara kay Atom "Pasensya na po Sir Atom, nabigo ko kayo, natalo ko ang laban ko..." mababang tuno ng boses ni Sahara.

Maingat na hinaplos ni Atom ang mga buhok ni Sahara "Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Labis mo akong pinahanga. Subrang galing ng pinakita mo kanina...hindi mo ako binigo. Nais kong gamitin mo ang kakayahan na yan, dahil yan ang unang kakayahan na natutunan mo mula sa akin." Sabay ngiti ni Atom.



Lumipas ang ilang oras, ang lahat ay nakahanda na para sa panibagong laban na mapapanood. Ilang saglit pa'y umandar na ang malaking randomizer sa itaas ng Battlefield, kaya ang lahat ay napatingin at inaabangan ang mapipiling pangalan na makikita sa screen.

Muli na namang nagdadasal si Atlas na siya na ang susunod lalaban, sa pagkakataong ito ay ipinikit na niya talaga ang mga mata niya at todo dasal "Ako na pakiusap...kanina pa ako naiiinip dito...nauna na ang mga kasama kong sina Izalem at Sahara, kaya sigurado akong ako na ang susunod..." paghihiling niya.

Mamaya ay huminto na ang randomizer at marami ang nagulat sa naging resulta sa kung sino-sino ang susunod na maglaban-laban. Habang si Atlas nama'y dahan-dahan ng inimumulat ang mga mata at naka-ngiti pa siya ng abot tenga dahil sa buong pagtitiyak na siya na ang susunod, pero bumagsak lang ang mukha't balikat niya nang makita ang nakalagay sa screen ng randomizer;

Hazel Talha vs Sinag Alvarez

Napanganga si Atlas at tila nasira ang mukha niya dahil sa pag-aakalang siya na, napabuntong hininga siya at agad na pinagtuturo ang randomizer "Hoy nangangasar ka na hah! Kanina pa ako dito hiling ng hiling tapos hindi mo ako pinipili! Pinaglalaroan mo ata ako eh?! Ano gusto mo, tayo nalang maglaban!" Tila pangangaway ni Atlas sa randomizer na hindi naman nagsasalita.

Napabuntong hininga naman si Nayde habang napahawak sa ulo "Hahays...ayan na naman siya...sumasakit talaga ulo ko sa kaniya..."

Muli ng humawak ng microphono si Ian "May narinig ba kayong nagsasalita?! Ako wala akong narinig eh...sige na simulan na natin ang pangatlong laban!" Sigaw ni Ian habang pinipigilan niyang matawa.

Lumapit na sina Hazel at Sinag sa isa't isa at pumagitna na rin sa kanila si Atom. Mahina lamang silang hinagisan ni Atom ng mga hangin para sila ay maglaho at dalhin sa kung saan dapat maglaban, sa malawak na espasyo ng Battlefield.








Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now