Chapter 1

148 13 29
                                    




Chapter 1: Ang paghahanda para sa Warriors Battle

Hindi maiwasang magtaka ng mga taong dumadaan sa isang malaking bahay at nahiwalay sa ibang mga magkadikit-dikit na bahay dahil tila nagyayanig ang mga lupa mula sa loob.

May mga tao din na para sa kanila hindi na bago 'to, dahil alam nilang ang bahay na ito ay dating tinitirhan ng isa sa pinaka-malakas na Land Gifted at ipinagkaloob niya ang bahay na ito sa nag-iisang estudyante niya dito sa Atlanian na meron din kakayahan ng Elementong Lupa.

Iniisip ng ibang kapitbahay na nagsasanay na naman ang bata, at hindi nga sila nagkakamali, dahil pinagpapawisan na nga ang batang matyagang nagsasanay sa bakuran.

Matinding pagsasanay ang isinagawa ng batang ito dahil sa nalalapit na Warriors Battle, isa kasi siya sa mga bagong Warriors.

Tila naliligo na ng pawis ang batang lalaki na ito. Maputi siya, itim ang mga mata at agaw pansin ang itim niyang mga buhok na may pula pa sa ilang bahagi. Ang mga kamay niya'y nakalahad sa lupa kaya yumayanig ito dahil sa kontrol niya.

Ngunit agad siya natigil nang bigla siyang nakaramdaman ng malakas na enerhiya mula sa kaniyang likod. "Magaling, Izalem Elfalco." Pagbati ng isang lalaking kakasulpot lang sa likod niya.

Agad niya itong hinarap. "Master Raidan." Sabay yuko niya ng ulo bilang paggalang.

Ang lalaking ito ay si Raidan Mondo, hindi siya basta-basta, isa siya sa mga kinatatakotan ng marami, kilala siya ng lahat bilang ang kasalukuyang pinaka-mahusay na Land Gifted, at siya ay isang Protector sa bansa ng Kalikasan.

Simpleng ngumiti si Raidan. "Binabati kita, isa ka ng ganap na Warrior. Sandali lang ako dito sa Atlanian, naparito lang ako para sa 'yo. Sa ibang lugar tayo magsanay, baka masira itong bahay natin." Pagkatapos niya ito sabihin ay agad niya hinawakan ang braso ni Izalem kaya nasama niya ito sa paglaho.






Sa loob ng mala mansyong gusali ay makikita ang mga batang nagsasanay para sa gaganaping Warriors Battle bukas. Ang mga batang ito ay ilan lamang sa mga bagong Warriors ng Atlanian.

Ang gusaling ito ay ang Atlan Academy, dito sila nag-aaral nong sila'y mga Trainee pa lamang, ngayong sila ay mga Warriors na papasok nalang sila dito bilang mga panauhin at hindi na mag-aaral.

Malawak ang Atlan Academy at pumapangalawa ito sa pinaka-malaking gusali ng Atlanian, nangunguna ang Atlanian's Kingdom kung saan makikita ang office ng Protector, ang kataas-taasan dito sa Atlanian.

Ang Atlanian's Kingdom at Atlan Academy ay magkatabi lamang kaya naman masusulyapan lang dito ang Atlanian's Kingdom. Sa likod ng Atlan Academy at Atlanian's Kingdom ay may mga malalaking bundok na punong-puno ng kahoy, kaya naman malamig ang simoy ng hangin dito.

Pinayagan ng Protector ng Atlanian na si Nayde Alanta ang mga batang Warriors na dito nila gaganapin ang kanilang pagsasanay sa bakuran o tinawag na nilang training field ng Atlan Academy. Malawak ang kalupaan ng training field na ito, mahangin at mapayapa.




Ang mga batang lalaki na nandito ay tila hindi nagseseryoso sa kanilang pagsasanay, nagtatawanan at nagkukulitan lang sila. Habang ang mga babae naman ay nagsasanay ng mabuti.

"Hoy Marie pasikat ka talaga...mamaya mahulog ka diyan hindi pa naman kita sasaluin..." natatawang nang-aasar si Joseph Vegan, isang Water Gifted.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now