Chapter 22

72 9 48
                                    






Chapter 22: Mga Delikadong Kapangyarihan


Lumipas ang ilang oras. Kasama na nila August at Adhana ang iba pang mga batang Warriors dito sa itaas. Tahimik sila at tila inaantay kung sinong magsasalita sa kanila August at Adhana.

Biglang dahan-dahan na inabot ni August ang kaniyang kamay "Binabati kita, talagang palaban ka..." saad ni August habang nakipagtitigan kay Adhana at hinihintay niya itong makipagkamay sa kaniya.

Dahan-dahan na inabot ni Adhana ang kaniyang kamay at maingat silang dalawa ni August na naghawakan ng mga kamay bilang nais iparating na maayos pa rin ang relasyon nila sa kabila ng naganap na laban. "Mas lalo mo akong ipinahanga, pinatunayan mong hindi ka madaling talonin..." sambit naman ni Adhana habang sinusubukan niyang iiwas ang tingin kay August medyo naiilang na kasi siya sa titigan nila.



Mayamaya pa'y dahan-dahan na inilapit ni Atlas ang kaniyang mukha sa gitna nila August at Adhana "Taika ngaaa...anong ibig sabihin ng sinabi mo Adhana na mas lalo kang napahanga ni August? Siguro matagal ka ng maypaghang sa kaniya noh...hindi mo silang sinasabi, kasi nahihiya kaaaa...oiii ikaw talaga Adhanaaa..." pangungulit ni Atlas at pinipigilan niyang matawa.

Napakagat sa labi si Adhana at nanginginig na siya sa inis kay Atlas dahil para itong hinihingal na aso kung tumawa. "Wala talagang araw na hindi mo ako inaasar!" Sabay sapak niya sa ulo ni Atlas kaya napangiwi nalang ito at napakamot sa ulo.

Nagkros ng mga balikat si Mariecris at nagsasalubong ang mga kilay niya "Alam mo Atlas, kung kasama lang natin ngayon si Sinag, patay ka sa aming tatlo!" Sabay iniripatan niya ng mga mata si Atlas.

"Oo nga Atlas, baka nakalimutan mo ang tawag natin sa kanilang tatlo...Wild Sisters...hahaha..." sabay tawa ni Juan at sumabay naman si Atlas, pero hindi na sila pinansin nila Adhana at Mariecris, hinayaan nalang sila ng ibang mga Warriors na tumawa hanggat gusto nila.



Lumakad si August papunta sa pwesto kung saan nakaupo at nagkasama na ang kaniyang pamilya dahil umurong sa planong pag-alis dito ang kaniyang ama, lolo't lola. Pagkalapit ni August sa kanila ay napangiti siya sa labi nang makitang bakas sa mga mukha ng kaniyang pamilya ang tuwa para sa kaniya.

Ilang saglit pay nilapitan si August ng kaniyang ama na si Ferde at halos huminto ang mundo ni August nang bigla siyang yakapin ng kaniyang ama, matagal na rin niya kasi itong hiniling na sana mayakap siya ng kaniyang ama kapag may ginawa siyang pinaghirapan niya.

Halos maluha na si August sa tuwa at mas gumaan ang pakiramdam niya na parang agad napawi ang pagod niya nang sumali sa yakapan nila ng kaniyang ama ang kaniyang ina na si Lea.





Lumipas ang ilang oras. Naghanda na ang lahat para simulan na ang isa na namang bagong laban. Ang lahat ay muling nakatuon ang atensyon sa malaking randomizer na nasa itaas ng Battlefield.

Umaandar na ang randomizer at inaabangan ng lahat kung sinong dalawang pangalan ng Warriors ang lalabas sa screen ng randomizer na maglaban-laban.

Napabuntong hininga si Atlas at nagkros siya ng mga balikat "Hmmp! Hindi na ako aasa! Dahil baka hindi na naman ako mapili! Mapang-asar niyang randomizer na yan eh!" Naging malalim ang tingin niya sa randomizer at ilang saglit pa'y napapikit nalang siya ng mga mata.



Mayamaya pa'y huminto na ang randomizer at marami sa mga manunuod ang napapanganga habang nakatingin sa screen ng randomizer kung saan meron ng resulta sa sinong maglaban-laban;

Josh Lakan vs Jericho Rowan

Inimulat na ni Atlas ang kaniyang mga mata at nang makita niya ang resulta sa randomizer ay agad na nanlaki ang mga mata niya "Sinasabi ko na eh! Hindi nalang ako naaasar sayo, kasi galit na galit na ako sayo! Inuubos mo talaga ang pasensya ko!" Muli niyang pagtuturo sa randomizer.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now