Chapter 19

72 10 30
                                    





Chapter 19: Ang lungkot sa buhay ni August

Sa pagpapatuloy ng laban sa pagitan nila August at Adhana ay mas nakakalamang na si August, dahil sa kalagayan ngayon ni Adhana ay hindi pa rin siya nakakabangon dahil unti-unti ng nasasakop ang buo niyang katawan sa mga nagyeyelong tubig ni August, kaya naninigas na ngayon ang ibang parti ng katawan ni Adhana.

Pero sa kabila ng kahanga-hangang pinakita ni August ay labis pa ring sumugat sa kaniyang puso nang makita niyang tila nasa panig pa rin ni Adhana ang mas maraming bilang ng mga manunuod, bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala kay Adhana.

Seryoso't kalmado mang inilibot ni August ang tingin sa mga manunuod ay sugatan naman ang kaniyang damdamin dahil mas nakasuporta pa rin ang ibang mga manunuod kay Adhana.

"Naku ano bang nangyayari...eh dati-dati halos hindi nalalayo sa lakas ang mga Fire Gifted sa mga Water Gifted, at malayong-malayo kumpara sa kanila ang mga Ice Gifted..." sambit ng isang babaeng manunuod na napapakamot pa sa ulo.

"Fire Gifted ka Adhanaaa...ipakita mo sa lalaking yan na mas malakas ka kumpara sa kaniya! Madali lang yan talonin!" Sigaw pa ng isang lalaki na nakuha pang tumayo.

"Oo nga, Ice Gifted lang yan eh!" Dagdag pa ng isang lalaking kaibigan ng naunang sumigaw.



Dahil sa mga naririnig ni August mula sa mga manunuod ay unti-unting yumuyuko ang kaniyang ulo at dinaramdam niya ang sakit pero pilit niyang pigilin ang mga nagbabadyang mga luha sa mga mata.

Muling dahan-dahan na inangat ni August ang kaniyang tingin at kahit papaano ay nabawasan ang sugat sa kaniyang puso nang makita niyang naka ngiting pinagmasdan siya ng iba niyang mga kasamahaang Warriors na nanunuod sa itaas.

Agad na pinakitaan ni Atlas ng nakakuyom na kamao si August para palakasin niya ang loob nito "August huwag kang makinig sa kanila! Malakas ka! Magaling ang pinakita mo!" Pagsisigaw ni Atlas.

"Oo nga! Kahanga-hanga yang Ice Wall mo! Pwede bang makahingi ako niyan kahit isa, gawin ko lang pader sa bahay namin, desenyo lang, ang ganda kasi!" Dagdag pa ni Juan habang abot tenga ang kaniyang ngiti.

Nanginginig naman sa inis na hinarap ni Sahara si Juan "Ikaw talaga Juan kahit kailan talaga dinadag-dagan mo ng kalokohan ang mga pinagsasabi mo! Hindi desenyo ang Ice Wall! Ano bang nakain mo?!" Pagtataas boses ni Sahara habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang bewang na halos nagmumukhang isang ina na nagagalit.

Tinatawanan naman ni Atlas si Juan na nanginginig sa takot habang nakatitig kay Sahara. "Hahaha...para ka palang turo kung magalit Sahara..." pagtatawa ni Atlas.

"Ewan ko na talaga sa inyo!" Agad na sinapak ni Sahara ang likod ni Atlas kaya bumangga ito kay Juan dahil na rin sa magkatabi lang silang tatlo.

Napayuko naman si August at dahan-dahan siyang napapangiti sa labi 'Atlas, Juan, Sahara...kahit napaka-ingay niyo, maraming salamat pa rin sa inyo, dahil nabibigyan niyo ng kulay ang buhay ng iba, kagaya ko...' sa isip ni August.



Agad na muling inangat ni August ang kaniyang ulo dahil may nakalimutan siyang tignan, at ito nga ay ang kaniyang pamilya na nanunuod rin sa itaas. Hindi nagtagal ay nakita nga ni August kung saan nakapwesto ang kaniyang pamilya.

Pero imbis na matuwa siya dahil nandito nga't dumalo ang kaniyang pamilya ay unti-unting napapalitan ng lungkot ang mukha niya nang makitang tanging ang kaniyang Inang si Lea lamang ang nagawang ngitian siya. Ang kaniyang ama, lolo't lola ay pawang halatang-halata na hindi pa rin sapat ang tiwala nila sa kakayahan niya.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora