Chapter 37

54 6 40
                                    







Chapter 37: Sa huli, isang bulaklak lamang ang nanaig


Kahit nakahiga sa lupa at hinihingal si Mara ay pinipilit pa rin niyang bumangon, at kahit ilang beses na siyang bumagsak ay pilit pa rin niyang hilain ang sariling katawan para muling sumubok sa pagbangon.

"Na-Nagsisimula pa lang ako...hindi ko pa pinapalabas ang buo kong lakas...kaya ngayon, ako naman ang hahangaan niyo..." nahihirapang tuno ng boses ni Mara ngunit makikita ang katapangan niya.

Ilang saglit pa'y may lumalabas na mga kulay berde sa kaniyang katawan at napapalibutan na siya ng mga ito, ito'y dahil nagsimula na siyang maglabas ng mga enerhiya para lumaban.

Dahan-dahan na tumatayo si Mara at unti-unti na ring naglalaho ang nakapalibot sa kaniyang mga kulay berdeng enerhiya, at napanganga ang ilan sa mga manunuod nang biglang may hawak si Mara na mahaba-habang latigo na tangkay ng rosas at marami itong mga tinik.




Gamit ang hawak na latigong tangkay ng rosas ay hinampas ni Mara ang lupang nasa harap niya, dahil dito ay nagkaroon ng mga pagyanig sa lupa, nanlaki ang mga mata ni Cecilia nang maramdaman niyang may kung anong lalabas sa ilalim ng lupang kinatatayoan niya, at agad siyang napaatras nang unti-unting nabuksan ang lupang kinatatayoan niya, at gumulat sa kaniya nang lumabas ang mga tangkay ng rosas.

Kaya agad na tumalon patalikod si Cecilia para makalayo dito sa kinatatayoan niya, ngunit nanlaki muli ang mga mata niya nang sa kaniyang nilipatang lupa ay may agad ding lumabas na mga tangkay ng rosas, kaya muli na naman siyang tumalon patalikod para makaiwas.

Pero kahit saan lumipat at tumakbo si Cecilia ay may lumalabas pa ring mga tangkay ng rosas sa ilalim ng lupa, kaya halos pinagpapawisan na siya at hinihingal na kakaiwas.





Dahil nakatuon ang atensyon ni Cecilia sa pag-iiwas sa lumalabas na mga tangkay ng rosas sa lupa ay wala siyang kamalay-malay na tumakbo si Mara papalapit sa kaniya, at pag-angat ng tingin ni Cecilia ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang nasa harap niya si Mara at sa subrang bilis ng pangyayari ay hindi siya nakaiwas.

"Tanggapin mo toooo!!!" Sigaw ni Mara sabay sinuntok ng pagkalakas ang bandang mukha ni Cecilia kaya tumilapon ito sa dingding ng Battlefield.

Napangiwi si Cecilia habang nakasandig sa dingding ng Battlefield at imbis na damdamin niya ang sakit ay agad siyang tumakbo para sugurin si Mara, ngunit hindi nagawang makalapit ni Cecilia kay Mara dahil mabilis siyang hinampas patagilid nito gamit ang latigong tangkay ng rosas.




Sa lakas ng pagkahampas ni Mara ay tumilapon pagilid si Cecilia, at hindi pa nga bumagsak sa lupa si Cecilia ay muli siyang nilapitan ni Mara sabay suntok, kaya muli siyang tumilapon sa dingding ng Battlefield.

Napangiwi si Cecilia at hinahaplos na niya ang kaniyang likod dahil sa sakit ng pagkatama sa dingding, napaangat ng tingin si Cecilia at napakagat-labi siya nang muli siyang nilapitan ni Mara at susuntokin na naman siya nito, pero mabilis niyang hinawakan ang kamay na isusuntok ni Mara.

Tila pikon na pikon na si Cecilia habang lalo niyang hinihigpitan ang paghawak sa kamay ni Mara "Hindi ko na hahayaan pang makadapo ang mga kamay mo sa akin...kaya ngayon, ako naman!" Nangangalit na tuno ng boses ni Cecilia at gumulat ito kay Mara.

Gamit ang kabilang kamay ni Cecilia ay agad niyang sinuntok ng pagkalakas ang bandang tiyan ni Mara kaya tumilapon ito sa may kalayoan at bumagsak sa lupa.





Dahan-dahan na tumatayo si Mara at muli siyang tumakbo papalapit kay Cecilia, agad ding tumakbo si Cecilia para salubongin si Mara, pero ilang saglit pa'y tumigil si Cecilia sa kakatakbo at mabilis niyang inilahad ang mga kamay kay Mara, kaya mula sa mga palad niya ay lumabas ang mga maliliit na talulot ng bulaklak na mirasol at papalapit ang mga ito kay Mara.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now