Chapter 38

48 5 22
                                    







Chapter 38: Ang huling laban


Parihong nasa itaas na sina Cecilia at Mara, kasama nila ang iba pang mga batang Warriors. Magkaharap sina Cecilia at Mara at nag-abotan sila ng kamay. "Binabati kita kaibigan..." sabay na sambit ng dalawa at nagkamayan sila habang may ngiti sa mga labi.

Matapos magkamabutihan nila Cecilia at Mara ay nilapitan ni Cecilia si Atlas at parihong nakakuyom ang isa nilang kamao, at ipinagdapo nila ito na parang nagkaapiran pero imbis mga palad ay mga kamao ang gamit nila. Inakbayan ni Cecilia si Atlas nang pagkahigpit at ginugulo niya ang mga buhok nito.






Lumipas ang ilang oras, muling umayos sa pagkaupo ang mga manunuod at naghanda na sila dahil mayamaya lang ay sisimulan na ang huling laban na mangyayari ngayong Warriors Battle. Ngunit ang malaking tanong ngayon ay kung sino ang makakalaban ni Joseph Vegan, lalo pa't siya nalang sa mga Warriors ang hindi pa nakapaglaban.

Kaya nagtataka ngayon ang mga manunuod, maging ang mga Warriors at mga guro nilang ranggong Guardians ay napapa-isip din sa kung anong mangyayari ngayon. Ang tagapagsalita ng Warriors Battle na si Ian Chow ay agad na naglaho at sumulpot sa gitna ng dalawang nakaupong tagahukom na sina Protector Nayde Alanta at Sinaunang Shadow Andres Waluna.




Iniyuko muna ni Ian ang kaniyang ulo bilang paggalang "Protector Nayde at Sinaunang Shadow Andres, ano po ang planong gagawin ninyo kay Joseph Vegan?" Tanong ni Ian.

Nilingon naman ni Andres si Ian "Ipaharap sa amin ang mga natalo..." sagot ni Andres.

Tumango naman si Ian at humawak na siya ng parang microphono "Pakiusap umabanti ang mga natalo sa labanan!" Sambit ni Ian sa mga Warriors.

Agad namang nasunod ang kautosan ni Andres. Ang mga nanalo na sina Haliya, Izalem, Hebreo, Hazel, August, Jericho, Mariecris, Atlas at Cecilia ay tumambay muna sa likod. At ang mga natalo na sina Sahara, Adhana, Josh, Lynn, Juan at Mara ay dahan-dahan na humakbang para luminyang magkatabi sa gitna.

Habang ang huling natitirang Warrior na hindi pa nakapaglaban na si Joseph ay nasa gilid at tahimik ding naghihintay sa maging anonsyo. Pawang seryoso ang mukha ng mga Warriors, maging ang maraming mga manunuod, lalo pa't hindi nila alam kung ano ang plano ng mga tagahukom.




Bumuntong hininga muna si Nayde bago magsalita. "Kanina pa lang nong pinayagan namin si Izalem na siya ang tutuloy sa laban ni Haliya, ay alam naming mawawalan ng kalaban ang sino mang mahuhuling mapipili, kaya may naisip na kaming paraan, at yon ay ang pipili kami ng isa sa mga natalo na bibigyan ng pangalawang pagkakataong lumaban..." saad ni Nayde.

"Kung ganun sino po ang napili niyo?" Muling nagtanong si Ian.

"Inip na inip ka na yata. Pero bago naming sagotin ang tanong mo. Napansin kong nakulangan ng dalawang natalong Warriors, nasa'n sina Hamaro at Sinag?" Isang pagtatakang tanong lang ang isinagot ni Andres kay Ian.

"May isa pong tagabantay natin dito ang nagsabi sa akin na nakita daw niya kanina sina Hamaro at Sinag sa labas ng Atlanian's Park pagkatapos mapagaling si Sinag ng mga Healers, nagkaroon daw ng bangayan ang dalawa, ito'y dahil sa ugaling ipinakita ni Hamaro...at wala po kaming alam kung nasaan na ngayon ang dalawa..." sagot ni Ian.




Sumeryoso ang mukha ni Andres. "Nong una ay magka-iba kami ni Nayde ng piniling bibigyan ng pangalawang pagkakataon. Ang napili ko'y si Hamaro. Dahil nakita ko sa kaniya ang nag-aalab na determinasyong maging Protector." Sambit ni Andres.

Nilingon naman ni Nayde si Sahara at tinitigan niya ito "Ang una kong napili ay si Sahara, dahil lagi niya akong napapahanga sa pinapakita niyang katapangan kahit na siya lang mag-isa sa mga Warriors ang hindi Gifted." Ngumiti sa labi si Nayde at huminto muna siya saglit bago muling magsalita.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now