Twentieth

3.5K 163 26
                                    

Lovely

Tsk

 

Lovely

 

Lovely

 

Lovely

 

Lovely

Hinagis niya bigla ang kanyang cellphone sa sobrang inis. Ang lapit-lapit lang ni Mia pero hindi niya ito magawang kausapin. Ni hindi siya makatext kay Mia. Sino ba ang namamahala sa network? Baka kailangan niya matuto ng leksyon! Naisip ng lalake.

Kahit na inis na inis na siya tumayo pa rin siya at pupulutin niya na cellphone niya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran.

“Terry.”  Pinipilit pa rin ni Rosemarie na yakapin ang lalake.

“Ano ba?”

“Sandali lang…” Pagsusumamo ni Rosemarie

 

Dalawang salita lamang iyon pero nagawa nitong ibalik ang isang bahagi ng alaala ng lalake kasama ang nanay niya…

 

“Bakit wala kayo noong Recognition Day ko Mama?”

“Masyado kasi akong abala Morgan. Babawi naman ako sa iyo anak.”

“Lagi ka na lang busy. Hindi mo ako mahal.”

Tinalikuran ng bata ang kanyang ina ngunit niyakap siya nito mula sa likuran.

“Sandali lang…” Sambit sa kanya ng ina. At yayakapin siya nito.

Ganoon ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Noong wala ito noong birthday niya niyakap siya nito, noong hindi siya sinamahan  ng nanay niya sa dentista kaya si Yaya Maleng na lamang ang sumama sa  kanya yakap din ang pambawi ng kanyang ina. At kahit na yakap lamang iyon. Napapawi ang kalungkutan ni Morgan. Nawawala ang tampo niya.

Eto ang kahinaan niya. Yakap. Iyon lang naman. Mababaw ba? Mababaw man para sa iyo ngunit sa paraang ito lamang nararamdaman ng lalake na hindi siya nag-iisa. Kaya eto, nakatayo lamang siya. Tahimik. Habang yakap-yakap siya ni Rosemarie.

Narinig ni Terry na may kumatok sa pinto ni Mia kaya bumalik siya sa kanyang katinuan. Narinig niya ang pag-uusap nina Mia at Gab.

“Huwag mo sila pakikinggan. Tutulungan kitang paglaruan si Mia kaya dapat huwag kang maging mahina.” Sambit ni Rosemarie.

~~*

“Gab, mabuti napadaan ka. Nababagot na ako dito eh.”

“Ako rin eh, bored kaya eto pumunta ako sa may magandang view.”

“Bakit museum bahay namin? O magandang tanawin?”

“Bakit mo sinasali ang bahay ninyo eh ikaw naman tinutukoy ko.”

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon