Twelfth

3.9K 196 30
                                    

Oras na upang umalis ang lalake. Masyado nang maliwanag at baka makita siya ni Mia. Naghihintay lamang siya ng  tamang tyempo para makaalis siya na walang nakakapansin sa kanya. Nakaupo siya sa likod ng bahay nina Mia. Nakikiramdam. Nais niya na sanang umalis ngunit biglang kumulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napaupo na lamang siya sa sulok. Hinihintay na tumigil ito. Unti-unti na siyang nababasa, unti-unti na siyang nilalamig.  

Ilang sandali lang at tumayo siya. Kailangan niya nang umalis. Tumakbo siya patungo sa kanyang kotse ngunit dahil sa lakas ng buhos ng ulan ay basang-basa na siya ng sumakay siya sa kanyang kotse. Ilang beses niya rin pinilit na ipaandar ang kotse ngunit lagi siyang nabibigo.  Nilalamig na siya at wala  man lang siya magawa.

“Lovely…”  Iyon ang huli niyang naibulong bago siya nakatulog.

Sakto naman na pagkaraan ng ilang oras ay tumigil na ang ulan.At saktong pumunta si Rosemarie kina Mia. Nakita niya ang kotse ng lalake.

Pinaghahampas niya ang windshield ng lalake ngunit matagal bago ito nagising.

“Ano bang problema mo? Bakit ka nagkukulong dyan?”

“Rosemarie…”

“O ano na?”

“Ang taas ng lagnat mo! Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Bakit basang basa ka? Buti na lang at nakita kita! Ako na ang magmamaneho. Iuuwi na kita.”

Nakatulog muli ang lalake. Hindi maiwasan ni Rosemarie ang lumingon dito. Nasasaktan siya sa nakikita niya. Tila umuulit ang nakaraan. Eto na naman siya may gusto sa lalakeng may gusto kay Mia. Alam ni Rosemarie na nahuhulog na ang loob ng lalake kay Mia. Nararamdaman niya.  Ibang-iba ang lalake kay Mia.

Dumating na sila sa bahay at pinilit niyang dalhin ang nanghihinang lalake sa silid nito. Hinubaran at pinunasan. Binihisan. Inalagaan. Habang minamahal niya. Minamahal niya nang patago.

Hindi naman lahat ng kontrabida sa kwento ay masamang masama talaga eh. Tingnan ninyo si Maleficent. Si Ralph sa Wreck it Ralph.tingnan ninyo ako? Bago ako naging ganito tunay na kaibigan naman ako ni Mia eh.Nagbago lang naman ng patuloy na pinakita ng mundo na second best lang ako, na anino lang ako, na extra lang ako sa kaibigan ko. At nang nakilala ko ang lalaking ito umasa  ako na sa wakas wala na akong kaagaw.  Kahit ano ang ginawa niya sa akin, kahit anong pananakot hindi tumalab dahil siya lang ang meron ako. Siya lang.

Ngunit eto na naman tayo.Nandito na naman ako sa dati kong kinalalagyan. Kahit ako pa ang nanguna sa amin ni Mia, siya na naman ang nangibabaw.Ako na naman ang napag-iiwanan. Kahit ako ang nandito sa tabi ni Terry palagi, kahit ako naman ang gumagawa ng lahat ng ninanais niya, kahit inaalagaan ko siya. Hindi iyon sapat. Hindi sapat. Dahil isang ngiti lang ni Mia napaamo na niya si Terry. Kahit na hindi aminin ni Tery alam ko yun. Nararamdaman ko. Ako na naman ang talo.

“Terry, naalala mo ba nang inutusan mo ako? Yung binalik ko ang projector sa lab?” Tanong ko sa lalake. Tumango lamang ang lalake at nakapikit pa rin ito.

“Ang galing ko dun,alam mo bang muntik na ako mahuli? Pero nagawa ko Terry. Nagawa ko ang utos mo. Ginawa ko lahat Terry. Napasaya ba kita?”

Tumango lamang ang lalake.

“Tsaka naalala mo yung sinasamahan kita sa bahay nina Mia? Yung ilang gabi na hindi tayo natulog? Yung kahit antok na antok na ako sa school sinasamahan pa rin kita?”

Tumango lang ulit.

“Terry bakit Lovely talaga ang tawag mo sa kanya?Alam kong pangalan niya iyon pero hindi naman yun ang tawag ng mga tao sa kanya. Ikaw lang ang tumatawag ng ganoon sa kanya.”

“because she’s lovely.” Mahinang tugon ng lalake.

“Oo nga lovely nga ang pangalan niya.”

“She is lovely.”

Tumigil ako. Doon ko napagtanto ang ibig sabihin ng sinabi niya. She is lovely. Ang lovely na tawag niya kay Mia ay hindi pala dahil ito ang pangalan ni Mia. Dahil pala…dahil pala nilalarawan niya si Mia. She is lovely.

Am I not lovely?

Am I not lovely Terry?

----------------------------------------

Lovely si Mia Lovely. <3

Feel free to react and vote. Thankies!

Sa mga katext ni Terry. Have fun!

logged out

70 DeadlyWhere stories live. Discover now