Sleep Tight

4.2K 209 49
                                    

Dumating ako sa  bahay ng 6:32. Nagmano kay Papa at tahimik na pumasok sa kwarto ko.

“Mia,anak may pagkain sa ref. Kunin mo na para makakain na tayo.” Utos ni Papa sa akin. Dahan-dahan naman akong pumunta sa kusina. Pakiramdam ko pinapanood ni Terry ang bawat galaw ko. Binuksan ko ang ref at isang kahon ang nakita ko.

“Acer laptop.” Bulong ko sa sarili ko. Hindi agad rumehistro sa akin ang nabasa ko. Naramdaman kong nasa likuran ko na si Papa.

“Bilisan mo na Mia!” Ang saya ng tinig ni Papa. Hindi ko man lang masabi sa kanya kung anong pinagdadaanan ko. Teka, laptop? May laptop na ako??

“Pa?? Bumili kayo ng laptop? Bakit ninyo pinasok sa ref!”

“Mia. Kahon lang ang pinasok ko diyan. Surprised? Nasa dining table ang laptop mo.Tingnan mo! Binili ko yan kanina.” Nakita ko ang mga mata ni Papa puno ng kaligayahan. Napakaswerte ko kay Papa. Siya na lang ang meron ako. Si Papa.

“Pa, salamat po talaga!” Pumunta ako sa may dining table at hinimas ang bagong laptop.

“Ayan,hindi mo na kailangan magkompyuter pa sa labas! Nagustuhan mo ba?”

Opo! Salamat po talaga Papa! I love you po!” Sagot ko nang biglang nagvibrate cellphone ko. Kinuha ko mula sa bulsa ko at binasa ang text na galing kay Babe. Terry.

I love you too. Ang bait ng tatay mo ha? Pwede pahiram ako ng laptop? Hahahhaa.

May ikwekwento ka pa sa kanya diba? Do it now.

 

Gusto niyang sabihin ko kay Papa na naging masamang anak ako. Na naging masamang babae ako. Hindi ko kaya. Please tulungan ninyo ako. Please stop Terry please. Please.

Im waiting. Displease me and I’ll kill you.Slowly.Painfully.Pinky promise. That would definitely hurt your good father emotionally. Ang saya

 

“Pa, may..may sasabihin po ako…”

“Ano iyon Mia?”

“Pa, sorry po talaga sa lahat Pa.Mahal na mahal ko  o kayo Pa. Ayaw ko pong maging masamang anak Pa.Pa sorry po talaga. Naging masama po ako.” Napahagulgol ako. Nanlamig at napaupo sa sahig. Hawak-hawak ang cellphone.Pawis na pawis.Nasusuka. Nababaliw.

“Mia? Anong problema anak? May boyfriend ka na? Okay lang naman iyon sa akin basta responsible kayo. Diba nasabi ko na  yan sa iyo anak? Okay lang kay Papa.”

“Pa…pa…wala po…wala po…sorry po pa…kasi po..” Sh*t pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang sakit ng dibdib ko. Lalo akong nakokonsensya.

“Pa…” Aaminin ko na…kahit masakit.

Kahit magagalit si Papa.

He deserves to know.

I  deserve to be hated.

I killed a life.

I killed my baby.

“Pa…nagkaboyfriend po ako Pa tapos--” Hawak hawak ko na ang dibdib ko. Bumabalik sa akin ang lahat ng mga ginawa ko. Ang lahat ng kasinungalingan. Ang lahat ng panloloko. Ang lahat ng kababuyan. Hindi lang si Terry ang masama. Kahit ako…kahit ako naging masama…

Kung nagkanobyo ka at nabuntis ka…pinalaglag mo…masasabi mo ba sa mga magulang mo?  Mapapatawad  ka ba? Papatawarin mo ba sarili mo?

Tatlong taon ko pinilit na kalimutan ang ginawa ko noon. Pero eto bumabalik. At mananatili habambuhay ang sakit ng mga nagawa ko.

“Pa. Nagkanobyo po ako noon. Naalala ninyo po ba noong --” Napatigil ako dahil nagvibrate ang cellphone ko. Pinunasan ko ang mga luha ko. Binasa

Okay matulog na tayo Lovely :)

Nalito ako sa text ni Terry.Anong ibig sabihin niya? Titigil na ako?

May message ulit.

Kumain ka na ba? Kain ka na Lovely.Pabusog ka! Muah muah tsup tsup! Pupunta na ako sa dreamland.Nighty!

Lalo akong napaiyak muntik ko na saktan si Papa. Muntik niya na malaman ang ginawa ko noon.

“Kayo pa ba ng nobyo mo?”

“Hindi na po Pa. Hindi na po ako magnonobyo promise po iyan Pa! Mag-aaral po ako ng mabuti.Bibigyan ko kayo ng masaganang buhay Papa!” Niyakap ako ni Papa. At nang mahimasmasan na ako naghapunan na kami.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Marami tayong nagagawa na sa huli ay pinagsisisihan natin. Yung tipong gusto natin balikan ang oras.Itama ang mali. Gawin ang nararapat.Ngunit wala na tayo magagawa. Ang buhay hindi tulad ng fb post na pwede natin i-edit o delete, hindi tulad ng wattpad na pwede tayo mag save sa draft bago ipublish, hindi tulad ng wattpad na pwede magdelete ng story. Hindi na natin mapapalitan ang nakaraan pero pwede natin ayusin ang kasalukuyan para hindi mawala ng saysay ang bukas.

I also included a song para sa Papa ni Mia. Meaningful kasi ang song.  There po --7

#Iloveyoudaddy

Marami pong salamat sa pagbabasa lalo na sa bahaging ito na ang cheesy ko.Hehe. Update po ako ASAP.Feel free to react sa comments. Silent reader lang naman si Terry. O__O

70 DeadlyWhere stories live. Discover now