Eighteenth

3.7K 193 23
                                    

 Hello There. :)

Don't forget to vote and comment :) Thanks.

Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa bahay ng lalake. Wala ito sa sala kaya tumungo siya sa silid nito. Nakabukas ang pinto kaya dahan-dahan siyang pumasok.

“Rosemarie.”   Tila nakuryente siya sa pagtawag sa kanya ng lalake. Ngayon na lamang nito binigkas ang pangalan niya.

“Ako nga. Sino ba ang ineexpect mo? Si Mia?”

“Pinapunta ba kita dito?”

“Aba! At sino pinapunta mo? Si Mia? Hindi iyon pupunta dito abala siya kay Gab.”

“Gabriel na naman.” Pinagpatuloy ng lalake ang pagpatay sa mga itim na langgam na kanyang kinuha mula sa bakuran.

“Ano ba yang ginagawa mo Terry?”

“Nababagot ako.”

“Kaya kumolekta ka ng mga langgam? At pinapatay mo??”

“Nanggigigil ako. Gusto ko sila patayin lahat. Lahat gusto kong patayin. Lahat.”

“Baka naman ang susunod mong papatayin ay si Gabriel. Kanina lang habang abala si Mia ay tinanong ni Gabriel sa akin  kung tumigil ka na sa panggugulo.”

“Kwinento mo pala sa kanya ang tungkol sa akin.”

“Hindi uh. Baka si Mia.”

 

Hindi iyon maaari. Totoong nabanggit ni Mia ang pangalan ko pero tinanong niya lang si Gabriel kung may kakilala siyang Terry ang pangalan. Hindi kwinento ni Mia ang tungkol sa akin. Hindi rin kwinento ni Rosemarie ngunit alam ni Gabriel. Posible bang  sinadya niya lahat? Paano ko ba malalaman kung ano ang pakay ni Gabriel kay Mia?

“Nasa balikat mo na ang mga kalaban mong langgam.” Sambit ni Rosemarie. Napatayo ang lalake, lumapit naman sa kanya si Rosemarie at isa-isang inalis ang mga langgam. Hinampas ng lalake ang kamay niya.

“Huwag mo ako hahawakan!”

“Ang conservative mo naman.”

‘Tigilan mo ako!”

“How about the kiss?”

“Nag mouthwash at Nagtoothbrush ako pagkatapos. Kikiligin ka pa rin ba?”

“That was my first.”

“Annoy me and that will be the only kiss you’ll ever have in your short lifetime…which ends in…23 days?”

“May ipapagawa ka ba?”

Ang sabi nila the lesser words you say the safer you’ll be. Naalala ng lalake ang nabanggit na pangalan ni Gabriel noong unang araw na nagkita sila.

Marites

“Ganyan nga. Mind your place. Kausapin mo si Gabriel. Alamin mo kung kilala niya si Marites. Huwag kang magpapahalata.”

“Marites? Sino yun?”

“Malalaman natin kay Gabriel.”

Agad na pinuntahan ni Rosemarie ang bahay ni Mia. Naroroon pa si Gabriel.  Tumuloy siya at hinintay niya na sila na lamang dalawa ni Gabriel.

 

“Guys, kukunin ko lang charger ko sa taas huh?”

 

Naiwan na lamang sina Gabriel at Rosemarie.

“Gab,may kakilala ka bang Marites?”

“Marites? Wala eh. Bakit?”

“Ahh.. wala naman. Tindera iyon dyan sa kanto.” Pagsisinungaling ni Rosemarie.  Ilang oras pa ay umalis na siya upang puntahan si Terry.

“Wala ako ako nakuhang impormasyon kay Gabriel.”

“Ano ang ibig mo sabihin?”

“Wala siya kakilalang Marites.”

Napaisip ang lalake. Walang kakilala na Marites?

“Huwag kang mag-alala may nakuha naman akong sagot.” Tugon ng lalake.

Noong unang nagkita sina Mia at Gabriel ay sinabi ni Gabriel na may hinahanap siyang babaeng nangangalang Marites.Ngunit ang sagot niya kay Rosemarie ay wala siyang kakilalang Marites. Nakuha ko na ang sagot ko.Nag-imbento si Gabriel upang magkadahilan para mag-usap sila ni Mia. Pangalawa, alam niya ang laro ko kahit hindi ito nabanggit sa kanya nina Mia at Rosemarie. Mukhang nais mo rin makipaglaro Gabriel. Kung kakampi man kita ay gagamitin kita. At kung ikaw ay kalaban ko lalo kitang magagamit.

Kakampi o Kalaban panalo pa rin ako.  Tila nais mo talagang gamitin kita. Kapatid.

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon