Twenty-Second

2.7K 169 35
                                    

Pasensya nap o kung matagal po bago ako nakapag-ud. Hehe. Naging abala lang pero babawi ako :)

Don’t forget to comment and vote po :)

Salamat!

--------------------------------------------

Nakikita ko ang batok niya.

Nakikita ko ang bawat pagpatak ng pawis sa kanyang batok.

Nakikita ko ang iilang piraso ng kanyang buhok na nililipad ng hangin.

Nasa likuran mo lang ako Lovely. Magkasabay pero hindi mo alam. Magkalapit pero hindi mo nararamdaman. Nandito ngunit hindi mo nakikita. Ako to Lovely. Ang lalakeng gumulo sa buhay mo. . Paano ko pa paninindigan ang pagiging masama ko kung hindi kita kayang saktan. Hindi ko na yata kayang manakit pa. Tila nawala ang kakayahan kong manakit. Hindi ko maintindihan.

At  ayan ka, inaalagaan ang kapatid ko. Ayan ka lalabas ng bahay para bilhan ng gamot ang kapatid ko. Habang ako hindi mo man lamang napapansin sa likuran mo.Habang ako nakakalimutan mo na.

I won’t let you forget about me.

Habang pinagmamasdan ko si Lovely hindi ko namalayan na may paparating na sasakyan. Ang tulin ng takbo nito. Hindi ko man lang namalayan. Nakita ko na lang na tumigil ito sa tapat ni Mia at hinila siya ng isang lalake. Magtatakipsilim na kaya halos wala ng tao. Napahiyaw siya. Wala man lamang ako nagawa. Tumakbo na ito ulit.

Tumakbo ako nang tumakbo.

Pilit kong hinahabol ang sasakyan.

Pilit kong hinabol.

Kahit hindi ko na natatanaw ang sasakyan.

Kahit na ang ugong na lang nito ang naririnig ko.

May pag-asa pa akong mahabol sila diba?

Masasagip ko siya diba?

70 DeadlyWhere stories live. Discover now