Fifteenth

3.6K 176 29
                                    

 

Terry bakit mo pinatay si Robbie? Ang tanga tanga ko umasa ako na mabait ka talaga na baka pinaparusahan mo lang ako wala kang karapatan pumatay ng tao! !!

 

 

Aksidente ang nangyari diba? Bakit ako ang sinisisi mo. Ano ako Diyos?

 

Biglang naalala ng lalaki ag isang bahagi ng nakaraan niya

“Bakit mo pinatay si Mama, Papa?”

“Morgan, aksidente ang nangyari diba? Bakit ako ang sinisisimo? Ano ako Diyos?”

Piinaghahampas ng bata ang lalake, walang magawa ang maliliit niyang kamao sa lalakeng nasa harap niya.  Napakabata niya niya pero eto siya’t naghihinagpis at wala na ang kanyang ina.

Ang Mama ko…

Pinatay mo ang Mama ko!

Wala na akong Mama!

Iyon ang nais niyang isigaw ng mga panahon na iyon pero tila siya ay naging pipi, naging mahina.  Habang patuloy ang paghahampas niya sa kanyang ama ay may yumakap sa kanya na babae. Nais niyang paniwalaan ang sarili na ito ang Mama niya, na bumalik ang Mama niya..

“Mama?” Lumingon siya ngunit ang nakita niya ay mga mata ng estranghero.  Isang babae na mas bata sa kanyang ina.

“Hi Morgan. Ako si Clarice. Ako na ang iyong magiging Mama…”

“Hindi ikaw ang Mama ko!” Kinagat niya ang kamay nito at tumakbo patungo sa labas.

“Sinabi ko naman sa iyo na huwag na nating kupkupin ang anak ng baliw.”

“Rodolfo, anak mo pa rin siya. Hayaan mo na si Morgan. Ako na ang bahala sa bata.”

“Anak?Wala akong anak na may sayad! Isa lang ang anak ko. Ang batang nanggaling sa sinapupunan mo Clarice.”

“Mahal na mahal mo ang anak natin. Sana nga ay mahalin mo rin si Morgan. Kahit papaano. Nakakaawa.”  

Lalong nagalit ang bata sa kanyang narinig. Mahalin siya dahil nakakaawa siya? Hindi niya kailangan ng awa. Bakit maibabalik ba ng awa ang Mama ko? Tanong niya sa sarili.

“Heyow.”  Biglang may sumulpot na bata mula sa halamanan.  Ang dungis dungis nito.

“Sino ka?” Tanong niya sa bata na ngayon ay nakahawak na saT-shirt niya.

“Ako si Bel.”  Tugon ng bata.

“Bel? Bakit pambabae  ang pangalan mo. Eh lalaki ka naman.”

“Hindi babae! Bel!”

“Ang tanda mo na nagba-baby talk ka pa!” Sigaw ni Morgan sabay tulak niya sa bata.  Nanatiling nakaupo sa sahig ang bata.

“Mamaaa!!!!!”  Lalong nainis si morgan sa batang nakaupo sa sahig nang tinawag nito ang ina.

 

Mabuti pa siya may Mama pa…

Lumabas agad si Clarice at nilapitan ang batang umiiyak.

“Bakit anong nangyari?”

70 DeadlyWhere stories live. Discover now