Napunding Ilaw ng Tahanan

1.9K 86 40
                                    






"Sa lahat nang nabasa kong kwento at napanood na palabas, etong lalake lang ang kontrabidang masakitin." Bulong ni Rosemarie sa kanyang sarili habang pinupuga ang bimpong ginamit kay Gab.Ang lalake naman ay tahimik at tila natutulog. Ilang araw na rin itong nilalagnat.

"Then maybe you didn't watch enough movies nor read books that much. I bet you hardly read." Nabigla si Rosemarie sa itinugon ng lalake na akala niya ay mahimbing na natutulog.

"Thank you huh?" Sarkastikong sagot ni Rosemarie. Marahan niyang idinampi sa noo ni Gab ang bimpo.

"Bumubuti na pakiramdam ko. Pwede mo na akong iwan." Tinangka niGab naalisin ang bimbo sa kanyang noo ngunit nagpumilit si Rosemarie. Lalo itong lumapit sa lalake.

"No. Sasamahan kita." Pabulong na sabi ni Rosemarie.

"Sasamahan mo ako dahil gusto mong malaman kung saan ko itinago si Celeste."

"At bakit ko naman gugustuhing malaman?"

"Kasi desperada ka. Gagawin mo lahat just to please Terry.So didikit ka sa akin, sasamahan mo ako sa lakad ko.At ipapaalam mo kay Terry kung nasaan ang totoong nanay niya. "

Hindi umimik ang babae.

"Oh diba tama ako? Tama akong ang lakas ng tama mo sa kapatid ko."

"Tumpak talaga, ewan ko ba. Kameng mga babae.. mahilig sa badboys. Kaya madalas nasasaktan."

"nagpapakatanga."

"Ganyan ka na lang ba sa tuwing maysakit ka which is always? Ganyan ka ba talaga kahonest."

"Alam ko ang ending nito Rosemarie. Masasaktan ka. Masasaktan si Mia. Masasaktan lang kayo."

"oh? Alam na alam mo. Ikaw na writer."

Biglang bumangon ang lalake , tumalikod at naghubad.

"Ano ba yan?!!!" Aatakihin ata ako salalake na to wala man lang warning tulad sa MTRCB yon tipong ang susunod na palapas ay Rated SPG blah blah.

"Maliligo ako. Leave."

"No! No! No! Kahit anong gawin mo hindi ako aalis Gab."

"Okay then."

At humarap si Gab kay Rosemarie.Ilang segundong nakatunganga si Rosemarie.

"Still staying?" Lumapit siya kay Rosemarie.

"Naalala ko may assignment pala kame. Brb"

"Crazy. Paano siya magkakaassignment e bakasyon naman?!" At tumuloy na sa banyo si Gab. Binilisan niya ang pagliligo dahil kailangan niyang puntahan si Celeste.







"Sino yan?Papatayin mo ba ako? Gawin mo na. Nararapat lang ito sa akin, muntik ko na mapatay ang tunay kong anak." Mahing sabi ni Celeste.Nakagapos at nakapiring ang matandang babae.

"Hindi kita papatayin. Not just yet. We will play." Pinipigilan ni gab ang maubo. Nanghihina pa rin siya.

"Mukhang napakabata mo pa iho...sigurado ka bang gusto mong mabahiran ang pangalan mo? "

"Tulad sa kapatid ko na anak mo?"

"si Morgan...at ikaw ay magkapatid? Ikaw ba si--"

"Ako si Gabriel. Angelic name,right? But it's just the name."



Hindi na sumagot ang matanda. At tila hindi na ito humihinga. Bigla naman tumakbo palapit dito si Gab.

"Hoy,manang! Patay ka na? Wala pa nga akong ginagawa!!"

"Manang!"

"Manang! Hindi kita imamouth to mouth bahala ka!"

"Manang! Hoy!"



"Tama ako...mabait ka nga Gab..."



Limang salitang tumugma sa laging sinasabi ng nanay ni Gab sa kanya noong bata pa siya. Nanghina lalo ang lalake at biglang inalala ang nakaraan...

"Gab, ikaw bang naglock ng pinto?"

"anak ko...ikaw ba?"

Tumango ang bata at nangingiyak.

"Magsorry ka da kuya  Morgan mo. Sige na anak ko..."

"Sorry kuya."

"Tama ako...mabait ka nga Gab..."







Alam niyang nagkataon lamang iyon.Hindi niya aakalain na sasabihin iyon sa kanya ni Celeste. Kahit papaano ay may nagbago sa loob niya. Si Celeste...ang babaeng ito ay nagpaalala sa kanya ng isang magandang alaala niya kasama ang nanay niya noon.

"Gab,alisin mo ang takip ng aking mata. Alisin mo ang nakatali sa akin. Maysakit ka anak...hayaan mong alagaan kita..."

Mama...

Mama...

Bakit ngayon ay sabik na sabik na muli ako sa iyo...

Nang makawala na si Celeste sa pagkakatali at pagkakapiring ay bigla itong kumuha ng kahoy at ipinukpok sa lalake. Ilang ulit niyang ginawa ito.

"Bobo!Akala ninyo maiisahan ninyo ako? " At biglang nagbago ang ekspresyon ni Celeste... tila ibang babae ang kaharap niya. Tilang may ibang pagkatao ito.

"May papatayin pa akong anak."

Dinig na dinig ni Gab ang mga binitiwang salita ni Celeste.

Anong ibig sabihin ng babae?

Naguluhan siya sapagkat akala niya ay mabuti si Celeste.

Ganoon ba siya kadaling maloko?

Ano ba talagang kulay ng budhi ng babaeng nagluwal sa nag-iisa niyang kapatid na si Terry Morgan?

Ilang oras lang ay dumating na si Celeste sa ospital. Pinuntahan niya ang nag-iisa at natutulog na anak.

Hawak-hawak niya ang panaksak.

Binuksan ni Terry ang kanyang mga nangiinang mata...

Sabay sambit ng...

"Mama..."







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

70 DeadlyWhere stories live. Discover now