Two

6.4K 220 32
                                    


Maaga akong umalis ng bahay dahil kailangan ko ipasa ang aking requirement sa ENG 101. Nagkita kami ni Rosemarie sa sakayan ng dyip. Nakita ko ang requirement niya, mas makulay kesa sa ginawa ko. Mas maganda ang pagkakagawa. Nakakainis!


"Bakit ganyan yan? Mukhang bahaghari. Wala ka na sa nursery para punuin mo ng kulay ang mga papel." Saad ko kay Rosemarie. May punto naman talaga ako eh. Hindi creativity ang batayan sa pagkuha ng matataas na grado. Paano na lang  ang mga tulad kong praktikal? Yung tipong sinisigurado na puno ng kaalaman ang proyekto? Kukuha ba kami ng mababang grado  dahil walang stickers, drawings, tribal designs ang mga proyekto namin? Ano course ko Fine Arts?


"Hayaan mo na. Ang mahalaga ay ang nilalaman.Bonus lang itong mga palamuti ko Mia.Lahat ng impormasyon sa net kinuha ko at nilagay ko dito." Sagot niya.Doon ko naalala si Terry Morgan.


"Sino kaya yung si Terry Morgan,ano? Ano kaya itsura niya? Malamang hindi kaaya-aya." Wika ko.


"Paano mo naman nasabi yan Mia?" Napalingon sa akin si Rosemarie.

"Kasi nga diba walang picture ang account niya. Pero marami siyang friends. May mutual friends kaya kame?Hmm..." Napaisip ako.


"Huwag ka nga ganyan baka biglang magpakita iyon sa iyo!"


"Harhar! Scary!"Tumingin ako sa mga sasakyan. Buti na lang at hindi pa gaanong  trapik.


"May napanood akong palabas noon. Yung I know what you did last Summer. Nakakatakot!"


"Ang haba naman ng pamagat. Kapag siguro sa akin sinabi ng killer iyon pagkasabi niya pa lang ng I know what you—hahampasin ko na siya! Ang tagal eh. Hindi naman nakakatakot yun eh."


"Hindi mo magagawa iyan kung ikaw na ang susunod na papatayin." Sabi ni Rosemarie.

"Sasabihin ko na lang sa director na ako na lang ang killer! O diba?"


"Ewan ko sa iyo! " Inayos ni Rosemarie ang kanyang palda.

"Pero di nga. Hanapin natin si Terry Morgan? Malamang isa siyang estudyante sa school natin. O baka naman taga-doon lang malapit sa school."  Nacu-curious na ako kay Terry.


"Ikaw na lang. Abala ako." Sagot sa akin ng KJ kong kaibigan.


"Yan ang problema sa iyo e.Masyado kang abala.Yan tuloy wala kang lovelife." Napahagikgik naman ako. Demonyita much?!


"Bakit ikaw meron?" Aba,sumasagot na si Rosemarie uh!


"Wala rin. Pero may experience na ako. I tried kissing,cuddling, holding hands and love mak—" Hinampas ako ni Rosemarie. Guys, Nagbibiro lang naman ako.Hindi ko pa iyon nasubukan.Yata?


"Marinig ka ng mga pasahero Mia!"

"Joke lang naman iyon masyado kang paranoid eh" Sagot ko kay Rosemarie.

Nilapit ko ang mga labi ko sa tenga ni Rosemarie sabay bulong. "Malay mo isa dito sa mga pasahero si  Terry Morgan. Aalamin ko ha?" Tiningnan ako ni Rosemarie na tila nagtatanong.


"Alam mo yung si Terry mabait iyon! Si Terry Morgan!" Nilakasan ko ang pagbigkas sa pangalan ni Terry.  Isa isa ko rin pinag aralan ang mga pasahero.  Apat na lalaki. Iyong isa sa front seat mukhang nagtatrabaho sa palengke, ito naman sa tapat ko mukhang first year college at yung katabi niya maaaring kaklase niya. Iyon naman isa sa dulo natutulog.


"Para kang timang Mia."


"Ah oo si Terry talaga,naku!!!" Nagising ang lalaki, lumingon rin ang lalake sa front seat. Sh*t! Ngumiti sa akin. Feeler!


"Malapit na tayo sa school. Umayos ka na nga Mia."


"Ay! Buti naalala ko.May kailangan akong iresearch. Mag-i- internet muna ako.Pwede bang isabay mo na ang requirement ko pagpapasa ka? Mag co-computer shop muna ako."  Tinapik ko si Rosemarie para bumaba na ng dyip.Tumango siya at inabot ko sa kanya ang folder. Tumawid na ako ng kalsada at pumasok sa shop.


Umalingawngaw ang ingay ng mga estudyanteng naglalaro. Pumuwesto ako sa parehong kompyuter na ginamit ko kahapon. Napangisi ako sa naalala ko. Kawawang Terry.

Habang nag-re-research ako nagbukas din ako ng ibang tab para sa facebook. Nag log-in ako sa account ko. Marami na naman floodlikes mula sa mga kaklase ko.Walang bagong message. May 22 friend requests. Inilipat ko ang cursor sa friend requests at pinindot ko. Habang tinitingnan ko ang mga pangalan ng mga nagfriend request nakita ko rin ang friend request sa akin ni Terry Morgan.


Teka, paano niya nalaman na ako ang gumalaw ng account niya? Wait,hindi porket in-add niya ako ay alam niya ako ang gumamit ng account niya. Tsaka inayos niya na pala ang pangalan niya. Terry Morgan na ulit. Binalik niya rin ang dating profile picture niya. Tila itong puno at may lalakeng nakatayo sa tabi. Baka naman may mutual friends kami at nagkataon na nakita niya account ko at marahil nagandahan siya kaya in-add niya ako.Imposibleng malaman niya na—

Habang nag-iisip ako ng mga  posibleng dahilan kung bakit niya ako in-add abala rin ako sa pagtsek sa account niya...imposibleng may mutual friends kami dahil kung kahapon ay 1256 ang friends niya. 0 na ngayon.0 as in zero,as in wala, ni isa.

Napatigil ako. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko.Nilalamig ako at tila natutuyo ang aking lalamunan.


May 1 message ako.


Logged out

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sana po nagustuhan ninyo. Feel free to leave comments :) Papalitan ko po pala ang pamagat gagawin kong 70 Deadly. May koneksyon po iyan sa susunod na mangyayari kay Mia. Salamat muli!


logged out


70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon