Twenty-First

3.1K 161 36
                                    

“Boss, nandito na  po sila.” Pumasok ang tauhan ni Gab sa silid na inuupahan niya.Hindi ko kasama si Terry ngayon.

“Ilan sila?” Tanong ni Gab sa babae.

“Dalawa boss.”

“Sino ang mga bisita mo? At ano ba yang ginawa mo sa braso mo?” Nakita ko rin ang sugat ni Gab. Wala naman siya sugat noong nagkita kame. Pakiramdam ko sinaktan niya sarili niya.

“I am destroying him.”

“Him? Sino? Si Terry?”

“He is still pathetic. His name is not Terry.

“Alam ko…who is he?”

“Why don’t you ask him?”

“Ang cold niya sa akin.At hindi niya naman ako pinapakinggan.”

“Justine,papasukin mo na yung dalawa.”

“Ano bang ipapagawa mo sa dalawa na iyon?”

Pumasok ang dalawang malaking tao. Puno ng tattoos ang kanilang katawan.

“Justine, iwan mo muna kame.”

“Per boss--”

“Go.”

“Don’t tell me ipapabugbog mo siya?? Hindi ako papayag!”

“Sino ba ang bubugbugin namin?”

 

“Ako.” Sagot ni Gab.

“What??”  Nagulat ako sa sagot ni Gab.

“Do it and I’ll pay you double the price.”

“Ano ba yan??” Hindi ko maintindihan kung bakit ganito si Gab. Ano ba talaga siya??

“Sigurado ka?” Tanong ng isa sa mukhang gangster.

“Don’t stop until I say so.”

Tumango yung dalawang mukhang gangster.

“Rosemarie watch them.”

Inumpisa nang pagsusuntukin ng dalawa si Gab.Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Eto ako nakatayo lamang habang pinagsusuntok ng dalawang mukhang higante si Gab. Ano ba ang problema ni Gab at ni Terry? Bakit ganito na lang ang sayad nila. Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang mga magulang nila sa mga nangyayari. Nanghihinayang ako sa kanilang dalawa, pareho silang mayaman, may itsura pero nakakagago ang mga pinaggagagawa nila sa mga sarili nila. Ganito ba talaga kapag sobrang mayaman? Tila hindi nila alam saan igagasta ang pera nila. Bakit ganito si Gab? Ano ba itong napasukan ko? Para akong nasa playground ng mga baliw. Para akong nilalamon ng kabaliwan na ito.  Sa bawat suntok na binibitawan ng dalawa lalong nanghihina si Gab. At sa bawat pagdapa niya tuhod ko ang lumalambot, kailan ba niya patitigilin ang dalawa??

“Tama na!!” Hindi ko na nakayanan kaya sumigaw na ako. Baka mapatay pa nila si Gab.

Tumigil ang dalawa habang si Gab ay nakahandusay na sa sahig.

“Rosemarie…”

“Kapag gumaling ka na ako naman ang susuntok sa iyo! Naababaliw ka na talaga!”

“Dalhin mo ako sa tapat ng bahay ni Mia…”

“Bakit??”

“Basta…”

Kaya eto ako ngayon. Naakatago sa damuhan habang si Gab ay nakasandal sa isang poste. Tila nag-aabang. Duguan. Paminsan-minsa’y dumudura pa ng dugo. Ilang sandal ay nakita kong lumabas ng bahay si Mia. Agad niya naman nakita si Gab kaya tumakbo siya palapit dito.

“Ano nangyari sa iyo Gab?? ”

“Mia…”

“Sino ang gumawa sa iyo nito??”

“binugbog ako ng isang lalake…tulungan mo ako Mia…” Niyakap ni Gab si Mia. Tinulungan naman ni Mia si Gab na makapasok sa bahay niya. Eto ba ang paraan niya para makuha ang loob ni Mia?

Duguaan si Gab at kasalanan ko na naman ito.Sigurado ako si Terry ang gumawa nito. Wala siyang kwentang tao. Ayoko na sa paglalaro niya sa akin. Kakalabanin ko na siya kahit na saktan niya pa ako. Lalabanan na kita Terry Morgan! 

-Mia

Nakita ko ang nangyari sa tapat ng bahay ni Lovely. Alam ko kung ano ang ginagawa ng kapatid ko.

Panahon na para magpakita ako.

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon