Ninth

3.4K 167 89
                                    

Nagising ako ng maaga. Nasa kwarto na ako.Pero sino—

Si Terry?

Siya ang kasama ko kagabi. Nataranta ako, tumayo at hinanap si Papa. Baka sinaktan niya si Papa! Tumakbo ako sa labas at nakita ko ang isang papel sa mesa.

Lovely,

Hindi umuwi ang Papa mo kagabi marahil ay naroroon pa siya kay Maricel. Naghanda pala ako ng almusal mo.

                                                                                                                                                                -T

Almusal? Tsaka bakit hindi na lang siya nagtext o nagmessage sa fb? Bakit kailangan handwritten?  Inalis ko ang takip ng Tupperware at nakita ko ang medyo overcooked na scrumbled egg. Seriously, sinadya niya bang sunugin ang itlog???

Lumabas ako ng bahay.Nagbabakasakaling nasa labas pa siya. Ang naabutan ko lang ay ang mga chismosa kong kapitbahay.

“Hoy! Sino yung lalakeng kasama mo??” Tanong ng isa.

“Gaga ka talaga! Porket wala ang tatay mo magdadala ka na ng lalake! Kaloka ka girl!”

“Success ba?”

“Ano ba ang mga pinagsasabi ninyo??” Naiirita na ako.

“Kunwaring inosente! Nakita namin yung lalake kanina! ”

“Lalake? Anong itsura niya?” Nakita nila si Terry!

“H-O-T!!!”  Sabay nilang isinigaw.

“Huh??”

“May taste ka pala girl!”

“Sumasakit ang ulo ko sa inyo!” Pwede bang hot ang isang masamang tao? Sayang nman pala ang itsura niya.

“Fine! Gwapo nga kasi!”

“Porket gwapo masaya kayo,paano kung pangit yung nakita ninyo?” Tanong ko sa kanila.

“Aba,kung pangit sisigaw kame ng magnanakaw!!!!”

“Sira!” Sigaw ko at tinalikuran ko na sila.

 

Pumasok ako sa bahay.Binuksan ang fb ko. Walang message mula kay Terry. Tsinek ko rin ang cellphone ko.Wala ring text.

Bakit kaya walang text? Titigilan niya na kaya ako?

Biglang nagring ang phone ko.Akala ko si Terry pero si Rosemarie pala. Gusto niyang makipagkita. Naghanda ako at umalis ng bahy. Makikipagkita ako sa kaibigan ko.

Habang nasa biyahe panay ang check ko sa cellphone ko pero ni isang text wala pa rin. Itetext ko na ba siya?

Baka naubusan ng load?

Baka naman nalowbat ang battery?

Sira ang network?

Sira ang phone?

Baka may ginagawa…

Naku baka may pinapatay!

Hindi naman siguro.

Putcha para na akong baliw.

Pesteng Terry. Bakit namimiss ko ang pagkapsycho mo. Agad-agad. Inumpisa ko na ang pagtype.

 

Terry?

 

 

Terry?

 

 

 

Terry?

 

 

Busy ka?

 

Saan ka?

 

 

Pinapanood mo ba ako?

 

 

Hey?

 

 

Terry?

 

 

Terry.

 

 

Magtext ka nga! Hindi ako mapakali! Ang gulo naman ayaw ko sa iyo pero sanay na ako na tinetext mo ako!

 

Hoy!

 

 

Tulog ka pa?

 

 

Wala ka bang topak ngayon?

 

 

Terry.

 

 

Terry.Magparamdam ka naman oh?

Nag-usap at nagkabati na kami ni Rosemarie. Kwinento ko sa kanya ang tungkol sa nangyari kagabi. Sabi niya hindi ako dapat magpaloko kay Terry. Masama si Terry. Isang masamang tao, baliw, psycho. Tama si Rosemarie diba?

Pinaglalaruan lang naman ako ni Terry diba?

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon