Twenty-Third

3.3K 164 65
                                    

Nagising siya sa isang hindi pamilyar na silid. Mamahalin ang mga muebles. Porselana ang mga nakadisplay.

Kay Terry ang lahat na ito?

Pilit niyang inalala ang mukha ni Terry.

Kung gaano katangos ang ilong nito…

Kung gaano kaganda ang kanyang mga labi..

Kung paano siya nitong titigan….

 

“Akala ko noon ay isa kang pangit na yagit.” Nasambit ni Mia Lovely.

“Talaga?”

Nagulat si Lovely nang biglang pumasok si Terry sa silid. May dala itong gasa,alcohol at bulak.

“Naalala mo to? Mga binili mo para kay Gab. Naabitawan mo nang--” Napatigil si Terry. Nakatingin lamang siya kay Lovely.

“Paano mo nalaman yan? Paano mo nalaman na ako ay kinuha ng mga lalakeng iyon? Paano mo ako nahanap?” Naisip agad ni Lovely nab aka pinaglalaruan na naman siya ni Terry.Na baka nababagot ito kaya eto na naman at siya ang pinagdiskitahan. Baka nga ganito ito kasalbahe.

“Nakita ko kayo ni Gab. Nakita kitang lumabas ng bahay. Sinundan kita. Nasa likuran lamang ako. Ilang metro lamang ang layo sa iyo. Kung mas malapit ako e di sana nagawa kitang iligtas agad mula sa kanila.” Sagot ni Terry.

“Sino ba ang mga taong iyon?Bakit nila ako gustong patayin?”

 

 

“Ako ang gusto nilang patayin.”

 

 

“Eh bakit ako ang kinuha nila?”

 

 

“Dahil alam nilang mamamatay ako kapag may mangyayaring masama sa iyo.”

 

 

“Ano bang kadramahan yan? Sumeryoso ka naman kahit minsan! I almost died! We almost died! Paano kung hindi tayo nakalabas agad?Pwede ba--”  

“Seryoso ako.”

 

 

“Seryoso ako.”

 

“Ewan ko sa iyo! Sino nga yung mga taong iyon?”

 

“Hindi ko alam kung alin sila sa mga kaaway ko.”

“Marami kang kaaway? Hindi na ako magugulat. Sa sayad mong iyan malamang baliw lang ang mapapalapit ang loob sa iyo.” Pinilit ni Lovely na bumangon ngunit sadyang masakit pa ang kanyang katawan.

70 DeadlyWhere stories live. Discover now