Sixteenth

4K 195 34
                                    

Terry’s Confession:

       Originally, “Seen” ang pamagat ng kwento. Wala pang isang oras pinalitan na ito. ^_^

More Terry’s Confessions sa next parts <3 Malay ninyo I love you next Confession niya. Aha!

Plith don’t forget to vote kunwari tatakbo bilang kagawad si Terry. And comment  “,)

 

“Sixteen days na pala.”  Nakatayo lamang si Mia sa tapat ng paaralan nila. Nakatingin sa computer shop sa kabilang kalsada. Higit na dalawang linggo na pala ang kabaliwang ito.

 

“Sixteen days na ang alin?”

Nagulat si Mia kay Gab na katabi niya na pala.

“Gabriel?”

“Gab na lang Mia.”

“Anong ginagawa mo dito?”

“Pauwi na sana ako eh nakita kita. Baka gusto mo sabay na tayong umuwi?”

“Hmm..”

“Oh, may kasabay ka ba Mia? May hinihintay ka?”

Hindi niya agad tinanggap ang alok ni Gab dahil naisip niya si Terry. Paano kung gagawin din ni Terry kay Gab yung mga ginawa ni Terry sa estudyante, sa Mama niya at yung kay Robbie? Kinuha niya ang cellphone at tinext si Terry

Alam kong nakikita mo kami pwede ba kami sabay umuwi?

 

Go

Iyon lang ang tanging sagot ni Terry. Napatingin siya kay Gab na ngayon ay may katext din. May katext din si Gab?

“Sino ang katext mo?”

“Ah, wala kaibigan ko lang. May tinanong lang.”

Sh*t may tinanong???

 

“Halika na?”

Tumango na lamang si Mia. Naisip niya kung si Gab nga si Terry at binigyan siya ni Terry ng go signal na makisabay ibig sabihin indirect order yun sa kanya,diba? Kaya umuwi sila ng sabay. Coincidence lang ba na may extrang helmet si Gab?

Dumating na sila sa bahay ni Mia. Naisip niyang wala siyang kasama sa bahay. Malulungkot lang siya kaya inimbita niya si Gab sa loob.

 

“Lagi kang nag-iisa Mia. Hindi ligtas ang laging nag-iisa.”

“safety? Wala na yan  halaga sa akin ngayon. Ang dami ko nang pinagdaanan.”

“Nararamdaman ko nga. To tell you the truth, nag-iisa na rin ako. Umalis ako sa bahay namin, wala naman ako makukuhang maganda roon.”

“Pwede ba  yun Gab? That was your home.”

“Home Mia… I’m not so sure about that.”

“Marami ka rin burdens Gab?”

“Isa lang naman burden ko Mia…isang tao lang.”

“Si Terry?” Tanong ni Mia kay Gab.  Kumuha ng pagkain si Mia mula sa ref. Dahan-dahan, kinakabahan sa kanyang itinanong.

70 DeadlyWhere stories live. Discover now