Twenty-fifth

3.2K 163 46
                                    

"Papa..."

 

Iyon ang una kong nasambit nang nakita ko si Papa sa bahay. Sa wakas nakauwi na rin si Papa ngunit balisa siya. Nasa bahay rin sina Rosemarie at Gab. 


"Magpapahinga muna ako anak. Ikaw na muna bahala sa mga kaibigan mo."


Napakalungkot niya. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang problema niya ngunit alam ko naman ang sagot. Tinanggal sa trabaho ang Papa ko.Pakana iyon ni Terry.


Nang nakapasok na si Papa sa kwarto lumapit sa akin si Rosemarie.

"Ano ba talaga nangyari sa iyo?"


"Huwag ninyo na alamin." Tugon ko.


"Ano nga kasi Mia?"


"Hindi ko maaaring sabihin, sabi ni Terry papatayin niya si Papa kapag magkukwento ako kahit kanino. Alam kong gagawin niya iyon. Ano pa't demonyo siya." Tugon ko.


Sumimangot si Rosemarie. Wala naman siya magagawa eh. Kahit si Gab na ngayon ay medyo okay na ang mga sugat.


"Hayop talaga yang si Terry!" Nagulat ako sa poot na nakita ko mula sa mga mata ni Gab. Maari bang siya ang nagpakidnap sa akin?


"Sinabi mo pa.Dapat nga ay umalis na muna kayo dito ng Papa mo Mia eh." Nakatitig ako kay Rosemarie habang nagsasalita siya. Sino ba talaga sa kanila ang totoong kaibigan ko?


Malamag hindi si Rosemarie dahil siya pa nga ang dahilan kung bakit ako napasok sa gulong ito. Ngunit ginusto niya ba talaga iyon gayon tinakot lamang siya ni Terry noon?

Si Gab kaya? Hindi ko pa siya gaano kakilala ngunit ano naman ang nagawa ko sa kanya para pagtripan niya ako? Ano ba ang nagawa ni Terry sa kanya?

Anong klaseng tao ba ang mga kaaway ni Terry? Ginusto nila akong sunugin... mga halang ang bituka nila. Kailan sila titigil?



Damay damay na. Lahat ng tao sa paligid ko. Either they end up hurt or dead.Or jobless tulad ni Papa. Tama, si Terry ang dahilan kung bakit tinanggal sa trabaho si Papa.


Masama ba si Terry?


Ganito kasi ang nangyari...


 

"Ano tatanggalan mo ng trabaho ang tatay ko?!"


"Oo."


"Tapos kukunin mo ang titulo ng bahay namin??"


"Oo."


"Tapos sasabihan mo ako ng 'I'm not that bad' linya mo?! "

"Maybe."


"A**hole!"


"Uh..thank you?"


"Gusto mo itusok ko itong kutsara sa ilong mo Terry?"


"I'm serious Lovely. Kailangan natin yun gawin para hindi ka na pagdiskitahan ng mga kaaway ko. If they see that I maltreat you they'll disregard you.

Syempre lalabas na wala kang halaga sa akin. So they'll have to hurt only me."


"Wala naman talaga ako halaga sa iyo."


"Huwag ka nga magdrama pang comedy face value mo."

 

Binatukan ko ang mokong at pasimple akong tumingin sa salamin. Pang comedy raw ang face value ko?


Naniniwala ba kayo?


"And one more thing. Keep this." Binigyan ako ni Terry ng isa pang cellphone.


"Ano to?"


"Ang tawag namin dyan cellphone."


Binatukan ko siya ulit. Adik yata ito eh.


"Oh and this one." May kinuha siya sa bulsa niya.


At inabot niya sa akin.


"Ano to?"


"Pangtanggal yan ng bara sa ilong."

Kanina pa ako ginagago ni Terry uh. Hindi yata enough ang pagbabaatok, ano ba bubugbugin ko na?


"If anything goes wrong. I want you to drive. Nakaparada malapit sa inyo ang kotse.Tinakpan ko rin yan."


"Car keys pala ito."


"Key lang din. Isa lang yan eh."


"Bakit ko pa to kailangan? Kung nandyan ka naman."

Ilang segundo rin nanaig ang katahimikan bago nagsalita muli si Terry.


"Lahat ng taong may koneksyon sa akin nasa panganib ang buhay. Kaya kalangan kong lumayo sa iyo."


"Forever kang lalayo Terry?"


"Diba nga Lovely, walang forever?"


"Humuhugot ka rin palang lalake ka."

 

 

 

 

 

Kaya kahit na masakit tanggap ko kung bakit walang trabaho si Papa ngayon. Para rin ito sa kaligtasan ni Papa...


Sinilip ko pala kanina ang kotse. Hindi ko kabisado kung ano iyon kaya nagresearch ako.



The car that Terry gave me is a f*cking Hennessey Venom GT.



Terry: Mayamang may sayad.



Naisip ko tuloy, pinagtataguan din kaya ni Terry ang BIR?

 

70 DeadlyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang