Nineteenth

3.8K 228 49
                                    

Kung mahal mo ako magvovote ka at magcocomment. Prove to me your love.

Love,

Terry

HAHAHAHAHA muah!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malapit nang dumilim.  Lumalakas na rin ang hangin malamang uulan na naman. Nagmamadali nag lumakad si Rosemarie patungo sa bahay ni Mia nang may biglang humila sa kanya.

“What the?!!”

Nakahood ang lalake. Hindi niya agad namukhaan ang lalake.

“Sino ka ba? Huh?!”

Nakatingin lamang sa kanya ang lalake na humihingal na. Marahil ay kanina pa nito sinusundan si Rosemarie.

“Bakit kasi ang bilis mong maglakad…” At napaupo ito.

 

“Hoy! Ikaw ang humila sa akin! Sinusundan mo ako! Manyakis ka!” Hinampas niya ang lalake at tumayo ito.

“Ako to.”

Doon napatitig si Rosemarie sa lalake.

“Gab?”

Nakita ko ang mga mata niya at nalaman ko agad na ito si Gab. Kahti na medyo madilim na. Maamo ang mga mata ni Gab. Hindi tulad ni Terry na tila puno ng poot at kalungkutan.

“Bakit ka ba hinihingal? Ang hina mo naman!”

“Teka… huwag mo muna ako kausapin.” Tumalikod ito at halatang nahihirapan huminga.

“Hoy!” Niyugyog niya ang balikat ng lalake. Aksidenteng dumampi ang kamay niya sa batok ito. Napakainit. Nilalagnat si Gab.

“Parehas kayong lagging maysakit, magkapa--” Nagulat si Rosemarie. Muntik na siya madulas. Muntik niya na sabihin ang tungkol kay Terry.

“Oo, parehas kame.”

“Oh. So inamin mo na rin. Magiging prangka na ako kung ganoon. Teka, bakit mo ako sinusundan?”

“Gusto mo siya.”

“Huh?”

“Gusto mo siya.”

“Hindi ko gusto si Terry!”

“Gusto mo nga talaga siya.”

“Pake mo!”

“Tutulungan kita.”

“Ano? Teka, baka marinig niya tayo Gab.”

“Wala siya dito. Ksalukuyan siyang nasa bakuran nina mia. Binabantayan si Mia. Kaya pwede tayo mag-usap Rosemarie.”

“Tutulungan mo ako saan?”

“Gagambalain ko si  Mia. Aagawin ko ang atensyon niya. Habang ikaw naman ang bahala sa kapatid ko.”

“Sa tingin mo ganoon kadali lang?”

“Madali lang. Basta gawin mo lahat ng ipapagawa ko sa iyo. Mapupunta sa iyo ang may sayad kong kapatid.”

“At ikaw ba alang sayad? Kung maka –describe ka wagas uh?”

“I’ll be Mia’s knight in shining armor against him. ”

“Bakit mo ‘to ginagawa Gab?”

“I have my reasons.”

“Malalaman niya rin ang tungkol sa plano mo Gab…”

“Alam ko. Iyon nga ang gusto ko mangyari sa tamang oras.”

“Anak ng—huwag mong sabihin may gusto ka rink ay Mia??”

“This has nothing to do with her.”

“Papayag ba ako sa gusto mo? Nababaliw na nga ako dahil kay Terry, dadagdag ka pa?”

“This is a win- win situation for you Rosemarie. Be on my side.I need you.”

 

‘I need you’ ang sarap siguro pakinggan yan mula sa mga labi ni terry. Para sa akin. Hindi para kay Mia. Papayag ako sa gusto ni Gab dahil gusto ko si Terry. Si Terry lang. Kahit pa may sayad siya. Kahit pa it means we’ll have crazy kids too.  Takte, kapag ako namatay ililibing kaya ako sa libingan ng mga bayani? Ang martyr ko eh.

Lumapit kay Rosemarie si Gab at binulong niya kay rosemarie ang kahinaan ni  Terry.

~~* Gab

Gagamitin ko ang babaeng ito sa plano ko. Sayang siya, maganda sana. Mahina lang. Ako si Gabriel. Pangalan ko lang ang pang-anghel. I’m no angel, I’m here for destruction.

~~* Terry

Kung kailan gusto ko siyang itext nang maayos doon nagloko ang network. Kaya eto tamang tingin lang ako dito. Hindi ko siya gusto. Gusto ko lang siya kausap paminsan. Alam ko dapat pinaglalaruan ko siya. Alam ko, huwag  ninyo ako husgahan hindi ko siya gusto. Hindi nga, ano ba? Tumahimik kayo

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon