Twenty-Ninth

2.1K 109 42
                                    


Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ni Rosemarie si Terry. Hinanap niya agad ang babae. Alam niyang hindi siya dapat magsayang ng oras. Kailangan niyang mahanap agad ang kapatid niyang si Gabriel.


"Rosemarie?!"

"Rosemarie?!"

"Ro-" Napatigil siya ng lumabas mula sa silid si Rosemarie. Nakamake-up ito at tila hndi naman nag-aalala.

"I missed you." Sambit ni Rosemarie.

"Anong nangyari? Ilan ang kumuha kay Gabriel? Ano ang mga itsura nila? Ano ang sabi nila?"


Ngunit kahit na nag-ayos si Rosemarie ay hindi ito napansin ni Terry Morgan. He visually checked the living room.

"I'm here." Saad ni Gab na nanggaling sa kusina.

"What the hell is going on?" Tinignan niya si Gab pagkatapos ay lumingon siya kay Rosemarie.

"Sa labas lang ako." At lumabas nga si Gab.


"Sinabi ko lang yun para puntahan mo naman ako. I missed you babe."

"Babe?!" Hindi makapaniwala si Terry sa narinig niya.

"O bakit? Namiss na kita eh. Akala ko ba tayo na?" Tanong ni Rosemarie.

"You fucking texted me about my brother being kidnapped by some men and now you're telling me this?! What on earth is wrong with you?!!!" Hinampas ni Terry ang la mesa na nasa pagitan nila ni Rosemarie.

"You love me!!!" Hindi man lamang natakot si Rosemarie sa ginawa ni Terry.

Ngunit dahil bigla siyang dinapuan ng kaba...ng takot na baka nga sabihin ni Terry na hindi nga talaga siya mahal nito...nagsusumamo na ang kanyang mata at tinig ng tanungin niya si Terry...


"Diba you love me?"

Ginulo ni Terry ang kanyang buhok. Napapikit na parang nagtitimpi lang at ilang saglit ay maaari nang sumabog.

"Diba lilipas naman ang galit mo kasi nga mahal mo naman ako diba?" Napahawak sa braso ni Terry si Rosemarie at dahan-dahan niya nilapitan ang lalake.

"Uuwi na ako." Iyon lamang ang naging sagot sa kanya ni Terry.

"Stay with me. Please stay with me."


Ako na ang martyr


Ako na ang desperado


Ako na ang namumulubi ng atensyon

70 DeadlyWhere stories live. Discover now