Fifth

4.3K 178 53
                                    

“Ano nga ang isesearch ko?!!” Pasigaw na tanong ni Robbie sa akin. Etong mokong na to, siya na nga ang tutulong siya pa ang galit! Ay tama nga naman.

“Terry nga! Terry Morgan!” Niyugyog ko siya. Wala naman grado ang eyeglasses niya eh.Ang arte nito.

“Kanina ko pa nga sinearch yan Mia! Ang daming Terry Morgan sa mundo at hindi nga Terry yung totoong pangalan nun!”

“kasi nga..ano nga gagawin ko??” Tanong ko kay Robbie.Nandito kame ngayon sa computer shop nila. Panglimang araw na ngayon. Himalang walang message sa akin si Terry.

“teka! May CCCTV kame.Baka may makuha tayo dun!” Saad ni Robbie.

“Ilang C ba meron?” Tanong ni Rosemarie.

“Seryoso ka Rosemarie? Magbilang ka nga.” Kumunot ang noo ni Robbie. Seryoso, eto ang mga kasama ko.

“Diba CCTV? Hindi CCCTV?” Dagdag pa ni Rosemarie. Luh, mamamatay na ata ako bago mag 70

“Subukan natin dun.Tanungin mo empleyada ninyo Robbie.” Tumayo ako at inuring ang upuan ko. Kakausapin ko ang tagabanty.Sana may makuha kami.Kasama ko si Robbie pero binalikan niya si Rosemarie na nagkokompyuter.

“Rosemarie CCTV. Inulit ko lang kanina para may emphasis. ” Sabay talikod niya. Siya na ang kumausap sa tagabantay. Wala kaming nakuha bukod sa isa lang ang CCTV nila na sa may bandang kanan ito ng shop, malayo sa PC7 kaya hindi abot.

“Mia! May message!”

Teamwork. Akala ko exclusive lang tayo dalawa? Bakit may mga alipores ka? Gusto mo bang bawasan ko ng isa?

 

#rhymeyun

“Anak ng!!! Ano ba yan? Nahulog ba yan sa kuna nung sanggol pa siya? May sayad???!!” Napatayo si Robbie. Pinagpawisan agad.

 

Nahulog ang ulo ng isa sa inyo. Parang mas bagay iyon. Type mo?

Robbie Ferrer.

 

“shit! Dinamay ko pa kayo dito! Robbie wag ka nang magsalita.Nandito lang siya sa tabi-tabi. Ayaw kong masaktan ka o ikaw Rosemarie.”

 

Exactly. Stay Robbie, behave. Good dog!

From now on gusto ko si Mia lang ang makakabasa ng messages ko. Give us some privacy.

“Tae!Peste!Gago ka!Yawa!” Sumisigaw na si Robbie sa monitor. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o maiihi sa pinanggagagawa niya.

Isa pa. Kakatayin na kita friend.

 

Tinakpan na ni Rosemarie ang bibig ni Robbie. Noong una takot na takot ako kay Terry pero ngayon…sukang suka na ako.  It’s just purely  game for him. Gusto kong matapos na. sana Day 70 na.Patayin niya na ako kung gusto niya. Ang OA niya! Peste siya para sa account lang! Tae siya! Walang humor! Bwisit!Halimaw!

“Robbie. Pwede ka nang lumayo habang maaga pa.”

“Ayaw ko.”

“Bakit?”

“Basta ayaw ko.”

“naglog-out na si Terry.”

“Teka in-add mo na siya??”

“Hindi. In-add niya ako. Alam niya password ko. Hindi na ako nagtataka. Sanay na ako sa surprises niya.”

May text si Terry. Binasa ko ng palihim.

 

Huwag ka mag iilusyon.Hindi ikaw ang gusto ni Robbie. Umuwi ka na.Gamitin mo laptop na bigay ng tatay mo.

 

“Robbie,Rosemarie uuwi na ako.Masama na ang pakiramdam ko.” Natututo na akong magsinungaling sa kaibigan ko.Dahil lang sa walang hiyang psycho na yan!

“Ihahatid ka na namin.” Alok ni Rosemarie.

“Huwag na. Please. Hayaan ninyo na ako.” Tumango si Robbie at lumakad na ako papalayo.

“Text ka pag-uwi mo ha!?” Sigaw ni Rosemarie.

“Sige.” Lumabas na ako sa shop. Ilang araw na lang at sukang suka na ako sa shop na to.

~~*[Robbie]

“Saan ka pupunta ngayon?” Kami na lang ni Rosemarie ang naiwan. Hindi ko alam kung masisiyahan ako.O matataranta.

“Ewan ko.Maglilibot sa school.” Umiwas siya ng tingin. Inabot ko sa kanya ang purple bag niya. Sinenyasan ko na ang empleyado naming na itime-out na ang kompyuter. Lumingon ako kay Rosemarie.

“Pwede ba akong sumama? Amy?” Kahit kinakabahan ako.Tinawag ko siyang Amy.

“Don’t call me that.”  Kahit na nag- inarte siya tumango naman siya. I miss calling her that way.

“Okay then. Baka gutom ka. Gusto mo let’s eat first?” Alok ko kay Rosemarie. She shrugged.

Lumabas kami at pumunta sa isang restaurant. Naalala ko pa ang paborito niyang pagkain. Umorder kami. Kumain nang tahimik.

Masaya na ako.

Kasama ko si Amy.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

  Hello there!

Hindi lang po si Mia ang bida sa kwentong ito. :) Marami pang revelations na magaganap, marami pang katanungan  tulad ng bakit Amy ang biglang tawag ni Robbie Kay Rosemarie?  Sino ba talaga si Terry? Ano ba talaga ang ikinabadtrip ni Terry? OA naman kung dahil lang sa fb account diba? Malay natin. May something :)

Sana po ipagpatuloy ninyo lang ang pagbabasa.Salamat po muli!

logged out

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon