CHAPTER 40: ALL I HAVE

184K 4K 356
                                    

CHAPTER 40: ALL I HAVE

************

DYLAN CADEN REYES

"Doc, the patient's heart beat is dropping."

What?! Huh!

"Kailangan niyo na pong lumabas."

"Hindi ko iiwan ang asawa ko!" Sigaw ko sa nurse na lumapit sa akin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Luna. At sa mga oras na ito, ako nalang ang nakahawak aa kanya ng mahigpit. Hindi ko maaalis ang tingin ko sa kanyang namumutlang mukha at labi nitong halos wala wala na ring kulay.

"Please, Sir. We will save your wife and your child." Pakiusap sa akin ng nurse.

Nanlabo na ang aking mata. Hindi na rin ako mapakali at ang halos kumawala na ang puso ko sa sakit at kaba habang pinagmamasdan ang mga tao sa delivery room na naghahanda para sa caesarian operation.

May binigay sa aking papel ang isang nurse at ipinaliwanag sa akin kung ano iyon. Nanginginig ang mga katawan ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi ng babae. Anong ibig niyang sabihin na kapag dumating sa punto na kailangan kong mamili, sino ang pipiliin kong iligtas?

"A-Ang asawa ko." Hirap kong sabi. "Iligtas niyo ang asawa ko."

Tumango ang nurse at pinakiusapan akong lumabas na. Pinagmasdan ko ang walang malay kong asawa. At sa cardiac monitor na pinapakita ang unti-unting paghina ng tibok ng puso niya.

"Do everything! Handa akong magbayad ng malaki."

"Gagawin namin ang lahat, Sir." Pagkasabi niya nun ay isinara na niya ang pinto.

Sumilip ako sa maliit na bintana. Pinagmasdan ko kung paano nila gamitin ang mga iba't-ibang uri ng scalpel sa aking asawa. Walang tigil sa pag-agos ang aking luha. Ako ang nasasaktan para sa mag-ina ko.

"What's happening?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Papa. Lumingon ako sa kanya at nakitang hingal na hingal ito.

Napatakip si Camille ng bibig nang makita ang aking itsura.

"S-Si Luna, nahihirapan siyang ilabas ang bata." Nanghihina kong sabi bago ibaling ang atensyon kay Luna na hanggang ngayon ay walang pa ring pagbabago sa kanyang kalagayan. "Kinailangan siyang i-caesarean."

"Dylan.."

"I don't care kung magkano ang gastusin ko. All they have to do is save my wife! She's all I have!"

Naramdaman ko ang kamay ni Papa sa aking balikat. "Ganito rin ang nangyari kay Avery. But, she chose to save our daughters, and sacrificed herself."

Matigas akong umiling. Hindi ko kaya. "N-No. Oh, God.. I can't live without her."

Napapitlag ako nang makirig ng iyak ng sanggol. Tumingin ako sa maliit na salamin at nahanap ng aking mga mata ang nurse na bitbit ang aking anak.

Pinunasan niya iyon ng malabot na lampin. Napangiti ako sa kabila ng luha sa aking mata. She's wonderful.

Ang kaninang kasiyahan ko ay napalitan ng pagkabigla. Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Nagkagulo ang mga tao sa loob.

The cardiac monitor registered a flat line.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Lalo na nang makita ko kung paano ilapat dibdib ng aking asawa ang isang aparato.

"Luna!" Sigaw ko habang kinakabog ang pintuan. Ilang ulit akong sinigaw ang kanyang pangalan sakaling magising ito para sa akin.

Sinipa ko ang pintuan at nasira ko ang lock nito. Nabigla ang lahat sa aking ginawa. Pinuntahan ko ang walang buhay kong asawa.

Hinawakan ko ang mga kamay nito na kanina ay humahaplos pa sa aking pisngi, na dati'y naghahatid ng init sa aking buhay, ngayon ay lunalamig na.

"Lumaban ka, Luna." Hagulgol ko.

"Mister Reyes—"

"My wife needs me!" Sigaw ko habang walang tigil ang pag-agos ng aking luha. "Baby, wake up, come on. Don't leave me. Hindi pwedeng kami lang ng baby natin. Kailangan din kita!"

"Clear?"

"Clear!"

Tumaas ang dibdib ng asawa ko dahil sa epekto ng aparato. Ibinaba ng doktor ang aparato at inilapat ng doktor ang mga kamay sa dibdib ni Luna para isagawa ang heart pump. Wala akong magawa kundi ang magdasal na sana ay bangungot lang ito. Na sana'y hindi ako iwan ni Luna. Na sana'y dinggin Niya ang dalangin ko.

"Baby, please. Don't leave me! Ngayon palang natin bubuuin ang pamilya natin. Ngayon palang tayo magsisimula! Please, wake up!"

Wag muna.. Kung pwede lang, ako nalang!

"Luna, please, sweetheart. Wake up. I can't survive without you." Pakiusap ko. Hinawakan ko ang malamig niyang mukha. "Luna! Wake up! Please, God, not yet. Not yet. Not my wife. Pasasayahin ko pa siya, 'wag Mo muna siyang kunin sa akin. Luna.. I still need you. Lumaban ka naman, oh. Kababalik mo palang sa akin. Ang sabi mo, hindi mo na ako iiwan. Luna, please! Open your eyes! Huwag mo naman akong iwan ulit!"

Napapikit ako nang huminto na ang doktor sa pag-pump. Dumilat ako at nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. Napaawang ang aking labi nang tumingin siya sa kanyang relo.

"Time of death.." Hindi.. Ayokong marinig! "Eleven—"

Napatigil kaming lahat nang may isang tunog na nagmula sa cardiac monitor. Napatingin kaming lahat doon. Kakaibang saya ang aking naramdaman. Lalo na't nagsunod-sunod ang heart beat sa cardiac monitor.

"Welcome back, Baby." Mahina kong bulong sa kanya at pauli-ulit na hinalikan ang kanyang kamay.

************

UNEDITED. EPILOGUE NA ANG SUSUNOD.

UPLOADED: APRIL 2, 2015

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon