CHAPTER 28: TIRED OF..

222K 4.3K 643
                                    

CHAPTER 28: TIRED OF..

*********

LUNA

Nakatingin lamang ako sa labas nang unti-unting bumukas ang pintuan ng aking kuwarto. Nang tingnan  ko iyon ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Papa.

"Luna? Nagpaluto ako ng breakfast. Kumain ka muna." Saad nito.

"Thanks, Papa." Bumangon ako at sumandal sa headboard ng aking kama. Inilagay ni Papa ang tray sa aking kandungan.

Tumabi ito sa akin at pinunasan ang luha sa aking pisngi. "I wish I can take away the pain and burden you're feeling right now, sweetheart."

"Papa, am I unlovable? I feel like I'm just a waste of space." I whispered.

Hinaplos niya ang aking buhok. Ngumiti ito para mapagaan ang loob ko. "Huwag mong isipin iyan, anak. If you're unlovable, your mother won't sacrifice her life just to gave birth to you. I'm just a jerk for not treating you like she wanted me too. I regret the days na binalewala kita, sigurado akong magigising rin sa katotohanan si Dylan. Now, eat your food. Baka gutom na ang apo ko."

Tiningnan ko ito. Nakita ko ang pagmamahal at pag-aalala sa kanyang mata. "Papa, I love you."

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "I love you too, darling. You're the most expensive gem of mine."

Napakabigat ng pakiramdam ko ngayon. Lagi kong naiisip si Dylan. Gusto ko siyang makita pero hindi pwede dahil kailangan niyang mag-reflect sa lahat ng mga desisyon nito. Anytime now, paniguradong susugod si Dylan sa bahay at itatanong ang tungkol sa ultrasound.

Napatigil ako sa pagkain nang makarinig ng katok sa pintuan. Bumukas iyon at pumasok si Camille. Kumunot ang noo ko nang makita ang madilim na mukha nito.

"What is it, Camille?" Tumayo si Papa sa aking kama.

"May hayop na nakapasok sa bahay natin." Umismid ito.

"Hayop?" Ulit ko.

"Oo. 'Yung asawa mo." Saad nito sabay irap.

Nanlaki ang aking mata. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong nandito na siya. Napatingin ako kay Papa nang pisilin niya ang akong kamay. "Huwag ka na munang lumabas ng kwarto. I need to talk to him first." 

Yumuko ako at tumango. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso nang maisara na ni Papa ang pinto. Tinitigan ko ang pagkain na nasa harap ko. Pinilit ko ang aking sarili na kainin iyon kahit na ang gusto ko lang ay lumabas sa kwarto at makita si Dylan.

"Shit." Bulong ko nang maramdaman ang pahalukay sa aking tiyan.

Mabilis kong inalis ang tray sa aking kandungan at inilapag sa aking gilid. Tumayo ako at tinakbo ang banyo. Malakas na kalabog ang nilikhang tunog niyon nang buksan ko ang pinto. Napaluhod ako sa harap ng bowl habang dumuduwal. Hinawakan ko ang aking tiyan at hinahabol ang aking hininga. Nanghihina akong tumayo at sinuot ang pink silk robe. Lumabas ako sa aking kwarto para sana kumuha ng tubig sa kusina.

"Umalis ka na sa pamamahay ko, Dylan. My daughter doesn't want to see you right now." Narinig kong galit na sabi ni Papa mula sa living room.

Dumungaw ako mula sa hagdanan at nakita si Dylan. Pagod na pagod ang itsura nito. Habang si Papa naman ay nakakuyom ang mga kamay na parang may pinipigilan. Si Camille naman ay nakahalukipkip at nakaupo sa sofa. Matalim ang tingin nito kay Dylan.

"Papa, I need to talk to her. I have to see her!"

"Pinasasama mo lamang ang loob ng aking anak. Umalis ka na muna, Dylan."

"She's my wife."

"Am I, Dylan?" Napatingala sa akin ang lahat.

"Luna." Mahinang saad ni Dylan.

Unti-unti akong bumaba ng hagdan. "Umalis ka na at asikasuhin mo na ang annulment papers natin. That's what you want, right? Freedom."

May dinukot ito sa kanyang bulsa at may inilabas na papel. It was our baby's first picture. "Luna, this result shows—"

"That paper you're holding shows how stupid you've become, Dylan." Putol ko sa kanyang sasabihin. Nakasunod ang tingin nila sa akin hanggang sa makalapit ako sa harap ni Dylan. Naglaban ang aming mga mata. "You're so shallow."

"I'm sorry, baby."

Don't baby me! "Papa, Camille, iwanan niyo na muna kami."

Napatayo si Camille at nalilitong nakatingin sa akin. "Pero, Luna--"

"Please." I begged.

"We'll give you ten minutes." Sabi ni Papa at tinalikuran na kami. Sumunod si Camille rito hanggang sa kaming dalawa nalang ni Dylan ang nasa living room.

Hinawakan ni Dylan ang aking kamay at hinila ako para mayakap. Idiniin niya ako sa kanyang dibdib. "Give me another chance. I won't screw up this time."

"Sino ba sa atin ang nagkulang, Dylan? Ako ba?" I whispered.

Tinulak ko ito at nagtagpo ang aming mga mata. Malinaw kong nakikita at sakit at hirap sa kanyang mga mata. "Ako ang nagkulang, Luna. Inaamin ko, napakatanga ko para hindi ka pagkatiwalaan. Maniniwala na ako sa lahat ng sasabihin mo basta bumalik ka lang sakin."

"Kung hindi ko pa inipit 'yung ultrasound ko sa annulment papers, sigurado akong hindi mo ako hahabulin. Hindi mo ako pipiliting bumalik sa'yo."

"I'm so sorry, Luna. Nasaktan na naman kita ng sobra. Naging makasarili ako at hindi ko inisi kung ano ang kahahatungan ng mga ginagawa ko. Please, forgive me. Ang hirap palang mabuhay ng wala ka."

Hindi ko na napigilan ang luha na tumulo sa aking mata. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihing, 'sige, ayusin ulit natin'. Gusto ko ulit siyang makasama.

I pushed him away. Tinakpan ko ng aking kamay ang bibig ko. "I can't. It's so painful beside you. Mahal na mahal kita pero nakakapagod na."

Lumapit siya ulit sa akin at sinakop ang aking pisngi. Pinunasan nito ang luha na naglandas sa aking pisngi. "Luna, come back to me. Hindi ko kayang mawala ka."

Umiling ako. "Ayoko na. Naparamdam mo na sa akin na hindi mo na ako kailangan, 'diba? Hindi ka naman mahihirapang maghanap ng kapalit ko, 'diba?"

"I'm sorry. I was just blinded by jealousy kaya ko nasabi iyon. Please, come back to me. Bigyan natin ng magandang pamilya ang anak natin."

Sana nga ganoon lang kadali, Dylan. "Sasaktan mo lang ulit ako kaya umalis ka na, Dylan."

Napasinghap ito. "Luna, baby, I love you. I'm sorry for what I'd said. Luna, please, mahal na mahal kita. Sobra. Bumalik ka na sakin! Please! Magbabago na ako."

Lumayo ako sa kanya at tumalikod na nang makita ang tatlong bodyguards ni Papa na papalapit sa amin. Hinawakan nito ang magkabilang braso ni Dylan. Naglaban agad ang aking asawa. "Bitawan niyo ako! Luna! Luna! Please! Mahal na mahal kita. Hayaan mo naman akong punan ang lahat ng pagkukulang ko sayo."

Napalingon ako. Pinipigilan ng mga bodyguards ni Papa na makalapit sa akin si Dylan. Nakita ko ang sakit at paghihirap sa kanyang mga mata habang kinakaladkad siya ng mga ito.

"Huwag na huwag niyo na iyang papapasukin sa aking pamamahay!" Sigaw ni Papa.

Hinawakan ni Camille ang aking balikat. Napatingin ako sa kanya. Naroon pa rin sa kanyang mga mata ang inis at galit. "Magpahinga ka na. Makakasama sa bata ang sobrang stress, Luna. Ipapadala ko nalang sa katulong ang kailangan mo."

Umiling ako at pinunasan ang luha sa aking pisngi. "Iinom lang ako ng tubig."

"Are you alright, Luna?" Nag-aalalang sabi ng kakambal ko.

"Stop asking me if I'm alright. I'm tired of lying." I murmured.

-----------------

UNEDITED. Once a week lang ako mag-UD. Every sunday. :)

Happy 19th birthday to me! :D

UPLOADED:2-1-15

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon