CHAPTER 23: PAINFUL TO BE WITH ME

194K 3.5K 465
                                    

CHAPTER 23: PAINFUL TO BE WITH ME

********

LUNA

"W-What? Skyler is sick?" Hinda ako makapaniwala sa aking narinig.

"Damn, yes! Nagkaroon siya ng appendicitis. Sumabog na iyon at nilalason na ang katawan niya. Pero ayaw niyang magpa-opera hangga't wala ka dito."

"Luna!" Rinig ko ang boses ni Skyler, base sa kanyang boses ay parang namamalipit ito sa sakit.

"T-Teka, Trey, hindi ako pwedeng magpunt—"

"Please, Luna, save my friend. He needs you."

Need me?

Nanghihina akong napaupo sa tabi ni Dylan. Nasa tainga ko pa rin ang telepono. Alam kong nagtataka na rin si Dylan sa nangyayari. Kung pupuntahan ko si Skyler, paniguradong magagalit si Dylan. Para namang naglalaro talaga ang tadhana, lumitaw sa screen ng telebisyon ang mukha ni Skyler na namamalipit sa sakit.

"Tumangging magpa-opera ang isang soccer player ng Haribon na si Skyler Madrigal hangga't hindi dumadating ang kanyang girlfriend. Sumabog ang appendix ng manlalaro at patuloy na ipinagagamot sa ospital sa California." Balita ng Reporter.

"Trey, I'm going. Sabihin mo kay Skyler na parating na ako. Kaya pumayag na siyang magpaopera." Mabilis kong sabi.

"Okay. Thank you, Luna." Ibinaba ko na ang telepono at tumakbo paakyat sa kwarto.

"Where do you think you're going?" Napatigil ako sa paglalagay ng damit sa maliit na bag na dadalhin ko. Seryoso ang mukha nito. Nag-aalab rin ang kanyang mata.

"Dylan, kailangan kong pumunta sa California. Ayaw magpaopera ni Skyler hangga't wala ako doon."

Mabilis nitong hinawakan ang aking braso. "Let him die then. You're not leaving me. You're not leaving this fucking house!"

"You can't stop me. I'm sorry." Marahan kong sabi.

"Putangna! Hindi ka pupunta sa kanya. Hindi ka aalis! Mas mahalaga pa ba siya kaysa sa akin na asawa mo!?" Sigaw nito.

"Babalik rin ako, Dylan. Sandali lang ako 'dun." Pilit kong tinatanggal ang kamay nito.

Maraming bagay na isinakripisyo sa akin si Skyler noon. Nasa tabi ko siya palagi kapag kailangan ko ng tulong niya. Hindi niya ako iiwan. He's my best friend. At ngayon, siya naman ang nangangailangan sa akin. Sino ako para tumanggi sa isang taong naging bahagi ng buhay ko? At sana maintindihan ni Dylan iyon.

Itinigil ko ang pag-e-empake at hinarap ito. "Dylan, babalik rin ako kaagad. Kung gusto mo, sumama ka nalang sa akin."

Nasaktan ako nang makita ang sakit sa kanyang mata. "Ayoko. Marami akong commitments na maiiwan dito sa Pilipinas. At wala akong tiwala sa lalaki na yon."

"Dylan, please." Alam kong nasasaktan kami pareho pero dapat magtiwala siya na babalik ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Luna, don't leave me." I felt his breath on my ears. I can hear his sobs and it silently breaking my heart.

"Kailangan, Dylan, you know how much I love you. Just please, I beg you, trust me. I'm going to come back."

Tinulak niya ako palayo. Napaupo ako sa ibabaw ng kama. Nanindig ang aking balahibo dahil sa nakitang galit sa kanyang mga mata. "Okay, leave then. Mukhang hindi na nga kita mapipigil. Kaya sige, pumunta ka sa kanya kung siya ang makakapagpasaya sa'yo. Pero ito ang tandaan mo, Luna, sa oras na umalis ka, magbabago na ang lahat."

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon