EPILOGUE

270K 5.1K 611
                                    

NAIS KO PONG MAGPASALAMAT SA LAHAT NG SUMUBAYBAY NG MARRIED BY MISTAKE(MBM). Maraming salamat din po sa mga nagtiyagang magbasa kahit napakabagal ng UD ko. Salamat din po sa mga pang-uunawa niyo sa akin at suporta. Sana po ay subaybayan niyo rin ang iba ko pang istorya.

NO BOOK TWO PO. Hindi po ako sanay gumawa ng Book Two. Mahabag po kayo sa dami ng on-going ko. :)

Hindi ko pa sure kung may SP dito. At hindi ko din po alam kung may story si Sky, Kristian, at Trey.

NAKATAPOS NA NAMAN AKO NG ISA! HAHAHAHAHAHA! SALAMAT PO TALAGA!

*********

EPILOGUE

*********

LUNA

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa altar. Suot ko ang napakagandang traje de boda na ako pa ang nag-design. Pinuri ko sa aking isipan ang kinuha naming wedding coordinator dahil sa ginawa nitong pag-aayos ng simbahan. Nginitian ko ang bawat tao na aking nadadaanan.

Ngunit nang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad, lumiit ang aking mundo at si Dylan nalang ang aking nakikita.

Namumula ang kanyang mga mata at siguradong ganun rin ang akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang papalapit ako sa kanya.

Nakita kong pinunasan niya ang kanyang mata nang may tumakas na luha mula roon.

"D.." Finally.

He smiled sweetly. "Luna.."

Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang kamay. He squeezed it like he won't let me go. Ever. I squeezed back. We stared at each other for long. Tumulo ang luha sa aking mata. Pinaloob niya ang kanyang kamay sa belo at marahang pinunasan ang munting luha roon.

"Why are you crying? Are you having regrets?"

Umiling ako. "Tears of joy. I've been dreaming about this. I've been dreaming about you, Dylan."

"Crap." Nagulat ako sa mahinang mura niya. "I want to kiss you."

"Pakasalan mo muna ang anak ko, Dylan." Marahas na sabi ni Papa.

Napangiwi si Dylan.

Magkahawak-kamay kaming tumungo sa altar. Inayos ng aking mga bridemaids ang aking wedding gown para maayos akong makatayo at makaupo.

"Nagtipon tayong lahat ngayon para masaksihan ang pag-iisang dibdib muli nila Dylan Caden Reyes at Veronica Luna Reyes." Hayag ng Pari. "Bago ko simula ang serimonyas.. mayroon bang tumututol sa kasalan na ito?"

"Wala p—"

"Ako! Tumututol ako!" Sigaw ng babae mula sa aming likod.

Napalingon ako at sa aking pagkagulat.. "Camille?"

Naramdaman ko ang kamay ni Dylan sa aking bewang. "Ano'ng sa tingin mo ang iyong ginagawa?"

"Dylan, nabuntis mo ako kaya hindi ka pwedeng magpakasal sa kanya." Pahayag nito.

Napatakip ako sa aking bibig at gulat na napatingin kay Dylan. "Dylan, ano ang ibig sabihin nito?"

"H-Hindi ko alam ang sinasabi niya."

"Buntis ako n'ung iniwan kita. Itinago ko iyon dahil nakikita kong masaya ka na kay Luna. Pero, hindi ko na kaya pang maglihim! I need you! Come back to me!" Mabilis na naglakad si Camille papalapit sa amin. "Ako naman talaga ang mahal mo, hindi ba? Luna is just my substitute."

"Dylan! What's the meaning of this? Explain yourself!"

Hindi ito nakapagsalita.

"Dylan! Talk to me! Dylan!" I shouted angrily. "Dylan! Explain this!"

"Luna.. wake up! Wake up, Baby!" Napadilat ako at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Dylan. "Are you having a bad dream? You're calling my name."

Niyakap ko ito ng mahigpit at uniyak sa kanyang leeg. Thanks, God.

"Shh. It was just a dream." Malambing niyang sabi.

"Nagtaksil ka daw sakin. May anak daw kayo ni Camille. Nabuntis mo daw siya bago ka niya iniwan."

"Hindi totoo iyon. Panaginip lang iyon." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Paano kung totoo? Paano kung isa lang iyong pangitain sa mangyayari sa kasal natin? Dylan, hindi ko alam ang gagawin ko." Nanghihina kong sabi.

Napakunot ang noo ko nang marinig ko itong tumawa. "Bakit ka tumatawa?"

Binasa niya ang ibabang labi bago magsalitang muli. "Matagal ng tapos ang kasal natin, Luna. Si Camille pa nga ang maid of honor natin. Ilang taon na tayong nagsasama, Baby. Malalaki na nga ang anak natin, e."

"Huh?"

"At kasal na rin si Camille kay Kenneth. Nakalimutan mo na ba?" He said, sweetly. "May tatlo na silang anak at nakatira na silang lahat sa America."

"Pero, 'yung panagini—"

Hinalikan niya ang aking pisngi. "It was just a dream, Luna. It meant nothing at all."

Humarap ako sa kanya at sinakop ang labi nito. Naramdaman ko ang ngiti niya sa pagitan ng aming labi.

"You were screaming my name, don't you know how hot that is?" He whispered hotly.

Kinagat ko ang ibabang labi niya at napaungol ito.

Napahinto kami nang may kumatok sa aming pintuan. "Mama! Mama!"

"Mukhang gising na ang mga anak natin." Natatawang sabi ko. Nagtangka akong tumayo ngunit dinaganan ako ni Dylan.

"Where do you think you're going?" He said teasingly.

"Pagbubuksan ko ng pinto si Diana."

"Huwag muna. May kailangan pa tayong gawin na hindi dapat makita ng anak natin." Tumaas-baba ang kilay nito.

Napakapit ako sa kanyang balikat nang nagsimulang maglandas ang kanyang kamay sa ilalim ng aking damit pantulog. Natagpuan ng mga palad nito ang aking dibdib at hinaplos iyon.

"Mama! Papa! Gising na po! Nagugutom na po si Lily at Alfonse!"

"Teka lang, anak. Magpaluto na muna kayo kay Manang." Si Dylan na ang nagsalita dahil alam niyang, walang lalabas sa aking bibig kundi ungol.

"Okay po, Papa." Malambing na sabi ng aking anak.

"Oh, my..." Tangi kong daing nang pumaloob sa akin si Dylan.

Matapos ang mainit na tagpo ay sabay na kaming naligo at lumabas na ng kwarto.

Hawak niya ang aking bewang habag pababa kami. "Do you still feel me?"

Masama ko siyang tiningnan. "We did it thrice. Duh. You're insatiable, husband."

He chuckled. "I won't deny it."

Maglalapat na sana ang aming labi nang makarinig kami ng mga yapak ng paa. Itinulak ko ang mukha ni Dylan at sakto, nagsilabasan ang anak namin mula sa kusina.

"Good morning po!" Bati ng aking panganay na si Diana.

"Papa, si Kuya Alfonse kinuha 'yung teddy bear ko." Sumbong naman ng bunso kong si Lily kay Dylan.

Pinangko si Dylan. "Alfonse, ibalik mo ang manika ng kapatid mo. Alam mong hindi siya nakakatulog kapag wala iyon."

"Opo." Napayuko si Alfonse.

Ginulo ni Dylan ang buhok ng pangalawa namin. "Be good to your sisters, okay? You should protect them kapag wala ako."

Tumango ito at ngumiti. Ngunit agad ding kumunot ang noo nito. "Papa, ano po 'yung nasa leeg niyo? Bakit po may pula-pula?"

Marahas akong napatingin sa leeg ng aking asawa. Agad na namula ang aking pisngi.

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko kanina kaya hindi ko na rin alam kung ano ang ginagawa ko.

Napangiti ito sa naging ekspresyon ko. "When it comes to me, your mother can't control what kind of woman she become."

"Dylan!"

***************

THE END.

Next Story: Tempting The Beast

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now