CHAPTER 22: NASAAN ANG HUSTISYA

199K 3.5K 148
                                    

CHAPTER 22: NASAAN ANG HUSTISYA

******

LUNA

"Napagod ka na? Hmm?" Sabi ko habang pinupunasan ang pawis na lumitaw sa noo ng aking asawa.

"Ako? Hindi ah. Batak kaya ang katawan ko." Natatawa nitong pinakita ang maskuladong braso sa akin.

General cleaning ng bahay namin ngayon. Ayoko na kasing umabala pa ng katulong para lang malinis ang bahay. Ayoko na may inuutusang maglinis ng kalat na ako naman ang gumawa.

"Ikaw yata ang pagod na. Pawis na pawis ka na, o." Kinuha nito ang bimpo sa aking kamay at pinunasan ang pawis sa aking leeg at noo. "Ang asim mo na tuloy."

Binato ko ito ng basahan na hawak ko. "Baliw ka talaga."

"Baliw na baliw sayo." Nakangiting sabi nito habang tumataas baba ang kanyang kilay.

Nag-init ang dalawang pisngi ko. "Anyway, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung paano mo nasukat ang vital statistics ko na hindi ko nalalaman."

Pinalupot nito ang mga braso sa akin. "Adik nga kasi ako sa'yo."

"Talaga?"

Bumaba ang mga mata nito sa aking labi. "Oo."

Bumaba ang mukha nito kaya nagpeke ako ng aching. Napalayo ito sa akin at pinunasan ang mukha. "Isang halik lang para ma-energize ako."

"Ang alikabok pa rin ng bahay natin kaya maglinis na tayo." Tinalukuran ko ito. Napapitlag ako nang hinampas nito ang pigi ng aking pang-upo. Matalim ang tingin ko sa kanya nang humarap ako. "You.."

Nagkibit-balikat ito. "Kasalanan ng pwet mo, inaakit ako."

Malapit nang magtanghalian nang matapos kaming dalawa sa paglilinis.

"Maliligo na ako." Paalam nito at tinanggal ang pangtaas na damit saka inilagay sa basket na dala ko.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makita ang makisig na latawan nito. "Sabay tayo?"

Ngumisi ito.

"Is that a 'yes'?" I said.

"It's a 'no'. Sorry, Baby Luna." Sabi nito habang pumapasok sa loob ng cr.

"Who are you and where's the real Dylan?" Sabi ko. Tumawa ito ng mahina at isinara na ang pinto ng cr, leaving me dumbfounded. Baka wala siya sa mood.

Habang naliligo ito ay nagluto naman ako ng tanghalian namin dalawa. May washing machine naman kaya iniwan ko na muna ang labahin ko roon.

I rolled my eyes when someone groped my boobs from behind. Napatigil ako sa paghahalo ng kardareta. "Dylan, are you a breast man?"

"Hmm? Yup, I guess. I like them." He said while feeling the weight of my breast on his hands.

Tinanggal ko ang kamay nito sa aking dibdib at humarap sa kanya. Nakasuot ito ng gray na v-neck t shirt at itim na boxer short.

"Quit it, D."

Tumaas ang isang kilay nito. "Pinagdadamutan mo ba ako?"

Natawa ako ng mahina. "'Wag ka ngang lumapit masyado. Nakakahiya ang amoy ko sa amoy mo. Bantayan mo nalang 'yung niluluto ko habang naliligo ako, ha."

"Okay." He sighed.

"Huwag mo akong sisilipan. Sasamain ka sakin."

"Nakita ko na 'yan. Hayaan mo, next time na makita ko ulit 'yan, kukunan ko na ng litrato. Para naman kapag pinagdamutan mo ulit ak— Aray!" Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil kinurot ko na ang nipple nito.

Pagkatapos ay mabilis akong naglakad papunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magbihis ay kumain na kami ni Dylan. Magkaharao ang aming pwesto na nahuhuli ko ang madalas na pagsulyap nito sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa aking kutsara nang maramdamang humahaplos sa aking binti ang paa ni Dylan.

"Dylan.." Saway ko.

"What? I'm not doing anything." Inosenteng sagot nito at tumuloy ulit sa pagkain.

Sinipa ko ang paa nito para tumigil. "Dylan."

"Pinagdamutan mo na nga ako ng dibdib mo tapos ipinagdadamot mo pati ang paghimas ko sa hita mo? Nasaan ang hustisya?" Naiiling nitong sabi.

"Kapag ako, nainis mo. Itatali na kita." Banta ko.

"Saan? Sa kama?"

"Napaka-playful mo."

"Sa'yo lang." Simpleng sabi nito.

"Manahimik ka na nga. Ang kulit mo."

"Halikan mo ko."

"Grr."

Tumawa ito ng mahina at nag-umpisa ulit kaming kumain. Napakasaya ko dahil nag-iba na nga talaga si Dylan. Bumalik na siya sa dati niyang ugali na minahal ko ng todo.

Kasalukuyang nakahiga si Dylan sa harap ng telebisyon at nanunuod ng isang movie. Tumabi ako sa kanya at nahiga. Umunan ako sa kanyang braso at tahimik na pinanuod ang movie. Pumalupot sa aking bewang ang isang braso nito at nakapatong ang kanyang ulo sa armrest ng upuan.

"Lamig naman." Reklamo nito at walang paalam na pinasok ang kamay sa loob ng aking blouse at sinakop ang isa kong dibdib.

Napasinghap ako. "Dylan!"

"Wala ka ng kawala." Tumawa ito na parang isang demonyo habang mahigpit na nakapalupot ang braso at hita niya sa akin.

Sumuko na ako at hinayaan nalang ang kamay niya roon. Natigilan kami pareho nang tumunog ang telepono sa aming tabi.

Bumangon ako kaya nawala ang kamay nito sa aking dibdib. Tumayo ako sa tabi sng telepono at sinagot iyon.

"Hello?"

"Luna!" Kumunot ang aking noo. "It's me! Trey!"

"Oh, Trey.." Napaupo si Dylan at tumingin sa akin. Tumaas ang isang kilay nito.

"Luna, we need your help. Please." Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi ni Trey.

*******

UNEDITED. Pasensya na sa medyo mahalay na update. :)

UPLOADED: 1-4-14

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon