CHAPTER 32: I LOVE YOU

188K 3.7K 230
                                    

CHAPTER 32: I LOVE YOU

***********

LUNA

Binuksan ko ang pinto ng home office ni Papa. Nakaupo ito sa likod ng kanyang mahogany desk at may binabasang libro. "Papa—"

"I said, no, already." Malamig na sabi nito habanh inililipat ang papel sa libro. "Bahala na sila Kristian at Trey sa kaniya. Relax, Sweetheart."

"Bakit ka pa kasi nagpatong ng presyo sa ulo niya?" Sabi ko bago umupo sa upuan na nasa haral ng mahogany desk.

Ngumiti ito ng malawak.

"Para exciting." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin siya sa akin. "Uminom ka na ba ng vitamins mo?"

Tumango ako at hinaplos ang muling umbok sa aking tiyan. Nagbuntong hininga ako bago magsalita. "I still love him, Papa. Ang sabi niya, gagawin niya ang lahat para bumalik ako sa kanya."

"Pero, sinaktan ka niya. Gusto mo pa rin siyang balikan?"

"Gusto kong balikan siya, Papa. Pero hindi ako babalik sa kanya ng ganoong kadali. Dapat paghirapan niya. Dapat pagbalik ko, mas magiging matatag na ang relasyon namin." Malungkot kong tiningnan si Papa. "Sa tingin mo, magiging tanga ako kung babalik ako sa piling niya?"

Sandaling nanahimik si Papa at tumingin sa malayo. Inakyat ko ang aking mga paa para sa mas komportableng pag-upo habang hinihintay ang sagot ni Papa.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Nasa likod ko siya at naramdaman kong ipinatong nito ang kanyang palad sa aking ulo at hinaplos ang aking buhok. "Saan ka ba mas magiging masaya, anak? Kasi kahit naman ipamukha ng iba ang mga naging katangahan mo, wala naman silang magagawa, hindi ba? Sino sila para humadlang sa ikaliligaya mo?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango. Napatingin kami sa pinti nang may kumatok roon. Ilang sandali lang ay umuwang iyon at pumasok si Camille.

"Uhm, Skyler is here."

"He's what?" I asked.

"He's waiting for you, Luna. He wants to talk to you." Pero, ang sabi ni Sky, titigilan na niya ako.

Tumango ako at tumayo na. Lumabas ako sa home office ni Papa at bumaba sa sala. Agad na tumayo si Sky nang makita akong pababa.

"Ipaghanda niyo kami ng juice." Utos ko sa nakasalubong kong katulong bago tumingin kay Sky. Tumikhim ako. "Sa Lanai tayo mag-usap."

Sumunod ito sa akin nang tumungo ako sa double doors para makapunta sa Lanai. Agad na dumampi sa balat ko ang malamig na hatid ng hangin. Umupo ako sa upuan na nasa coffee table at umupo naman ito sa upuan na nasa aking harapan.

"Need something?" I said awkwardly.

"You." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Sky, we'd talk about this."

He laughed a little. "Just kidding. Pumunta ako dito para makita mo na magaling na ako at para magpasalamat sa pag-aalaga mo sa akin."

"I'm glad you're alright, now." I smiled gently.

Nagpasalamat ako sa katulong na nagdala ng juice sa amin. Kinuha ko iyon at ininom, ganun din ang ginawa ni Sky.

"And, I found new love."

Gulat akong napatingin sa kanya. Ibinaba ko ang baso baho magsalita. "You do? Where is she?"

"Nasa Cali. She's my nurse there."

"I want to here the whole story."

"She kissed me while I'm sleeping."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman, e, tulog ka?"

"I'm pretending to be asleep. I'm her first kiss. Then, I lied being mad, although I like her sweet lips, and she told me that she's interested to me." I can sense longing in his voice.

"You love her?"

Bumaba ang mga mata nito sa baso. "Love is a very strong word. Once step at a time, Luna. She said, she's willing to wait for me."

"Well, you have yourself a masochist, too. Don't hurt her and don't take her for granted, Sky."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at nagbuntong hinonga. "Just like what Dylan did to you?"

"Pain is the very best friend of love. If I don't feel pain, then I don't love him truly."

"Mapapatawad mo pa ba siya?" Hinawakan nito ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.

"Napatawad ko na siya. Pero hindi pa ako babalik sa kanya. Hindi ko pa kaya. I want to give myself a break."

Tumango-tango ito at binatawan ang kamay ko para sumandal aa upuan. "You're pregnant, huh?"

"Trey told you, no?"

"Well, you have a talkative cousin. A fucking secret talker." Natatawa niyang sabi.

Ang sarap namang pakinggan ng tawa niya. Nabawasan ang bigat sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang maliwanag na mukha nito. Sa dami ng nangyari sa aming lahat, Sky deserves happiness.

"Well, yeah. I'm two months pregnant."

He shrugged his shoulders. "Then, hindi na ako magtatagal pa. Magpahinga ka na."

Tumayo ito laya tumayo rin ako.

"Dito ka na kumain. Malapit na namang mag-dinner."

"Can't. Mag-skype pa kami ni Almira one hour from now.  Baka magtampo siya sa akin."

Oh, well, he's moving forward. That's nice. Unti-unti ng umaayos ang lahat.

"Okay. Baka ako pa ang maging hadlang sa happy ending mo."

Naiiling itong ngumiti. "Magpapaalam na ako kay Tito."

"Okay." Napahinto ako sa pagsunod kay Skyler nang tumunog ang aming telepono. Lumapit ako roon at sinagot.

"Hello?" I said.

"Hey, Baby Luna." Agad kong nakilala ang nagmamay-ari ng malungkot na boses nito.

Napapikit ako nang marinig ang boses nito. "Dylan.."

I heard him sighed. "I know, he's in there. Skyler. Trey told me."

"So?" Pinatatag ko ang aking boses. Inalis ko ang bahid ng kahit anong ekspresyon sa aking boses.

"I love you. More and more, Baby Luna. If Skyler is there to snatch you back, and he gave you two choices, to stay with him or to stay with me, please, choose the path where you'll be happy." Naramdaman ko ang pagmamahal sa kanyang boses.

Tinakasan ng lakas ang aking tuhod kaya napaupo ako sa malapit na silya. Lumunok ako ng maraming beses para mawala ang bara sa aking lalamunan. "So, you're letting me go, huh?"

Nanikip ang dibdib ko nang marinig ang impit na hikbi nito. "No. God, no. I love you. And I know, you love me, too. You're not like me. Your love is deep, mine is shallow. But, I'm willing to wait for you to forgive me. I'm sorry, Baby. Wala akong ginawa kundi pahirapan ka. I'm sorry, I messed up."

Hindi ako nakapagsalita. Inilayo ko ang telepono sa aking tenga para hindi nito marinig ang hikbi na hindi ko na mapigilan. Nanginginig ang kamay ko at labi, mabilis ang paghinga ko para pakalmahin ang aking sarili.

"You're speechless. Oh, yeah, you're tired. Have a rest, Baby. I love you both. I love you. I love you. Mahal na mahal kita. I love you."

Binaba ko na kaagad ang telepono. Pinunasan ko ang aking luha na patuloy sa pag-agos. "I love you, too."

Hindi pa ako handang balikan ka. I'm sorry, D.

**********

UNEDITED. Napaaga ang UD. Since nag-2nd runner ang kapatid ko, dalawa ang UD. Bukas yung isa. Thanks, Sweeties!!

UPLOADED: FEBRUARY 21, 2015

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now