CHAPTER 18: NOT A SAINT

209K 4.1K 486
                                    

CHAPTER 18: NOT A SAINT

*******

LUNA

"Hi." Bati ko sa sekretarya ni Dylan. Gusto ko sanang samahan ako ni Dylan na magpunta ng mall. Wala lang quality time lang. Naiinip na kasi ako sa bahay.

Namutla ito. "M-Ma'am? Bakit po nandito kayo? Pinapasok ko na po kayo sa loob ng opisina ni Sir Dylan, a. O, my gosh! Minumulto na ata ako."

"W-Wait. Kalma ka lang. May kakambal ako. Baka siya ang nasa loob."

Napatingin siya sa akin. "Po? Buti naman. Ang akala ko po kasi minumulto na ako dahil hindi ko nabigyan ng barya 'yung pulubing nanghingi sa akin kahapon."

Huminga ako ng malalim. Gumawa ng paraan si Camille para makausap si Dylan. Dinukot ko ang aking I.D at ipinakita iyon sa sekretarya.

"Ako ang tunay na asawa ni Dylan. Pwede ba akong pumasok?" Nakangiti kong sabi.

Tumango ang babae. "Sige po, Ma'am."

Nilagpasan ko ang lamesa ng sekretya at lumapit sa di-kalayuang pinto. Bahagyang nakaawang iyon. Nakarinig ako ng pag-uusap na mula sa loob. Sinikap kong huwag gumawa ng ingay para marinig ang kanilang pag-uusap.

"Dylan, I'm sorry. Masyado lang kasi akong nasakal sa pagmamahal mo." Narinig ko ang boses ni Camille. At may tumambol na kaba sa aking dibdib.

"What a stupid reason, Veronica Camille." Malamig na tugon ni Dylan. "You should have told me para naman nagawan natin ng praan. Pero ano ang ginawa mo? Binalewala mo ang lahat ng pinaghirapan ko."

"I'm sorry for not loving you like you want me to. I want your forgiveness, Dylan Caden."

"Why? Because you're dying with guilt? That's a good news for me, Veronica Camille."

"Dylan, do you still love me?"

Napatakip ako sa aking bibig. Patang may malaking tinik na tumuhog sa aking puso. Nanikip ang aking dibdib at nagbadya ang luha sa aking mata. Hinintay ko ang sagot ni Dylan. Masokista nga siguro ako.

"No. I don't love you anymore."

"How about Luna? Nagi-guilty ka ba sa lahat ng kagaguhan mo na ginawa mo sa kanya kaya pinagtitiisan mo siyang makasama? Panakip butas mo lang ba s—"

"Panakip butas ko si Luna?" Seryoso ang boses ni Dylan. "Gusto mo talagang sagutin ko ang napakasimpleng tanong na iyon?"

Yes. Please.

"Oo." Sagot ni Camille.

"Hindi ko siya panakip butas. At hindi ko siya ginagamit para lang pagselosin ang isang katulad mo."

"Kung ganoon, naawa ka lang sa kanya. Wala kang nararamdaman sa kanya—"

"Mahal ko si Luna. Mahirap bang intindihin iyon, Camille?" Napasinghap ako at bumagsak ang hawak kong bag. Lumikha iyon ng ingay.

Bumuka ng malaki ang pinto. Nagkatinginan kami ni Dylan. Kita ang pagkabigla sa mga mata nito.

"Luna?" Rinig kong sabi ni Camille na ngayon ay nasa gilid ni Dylan.

Napalunok ako. Hindi ko mahanap ang dapat kong sasabihin. Parang tinakasan ako ng mga salita.

"You're eavesdropping?" Seryosong tanong ni Dylan.

Napayuko ako. "I-I'm—"

"Narinig mo ang sinabi ko kanina?" Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango sa tanong ni Dylan.

"Do you want to hear it again?" Napatingala ako sa sinabi ni Dylan. Nakatitig ito sa akin. "Mahal kita, Luna."

Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Hinapit ako ni Dylan sa balikat para magkalapit kaming dalawa.

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon