CHAPTER 33: THE 'G' WORD

182K 3.7K 438
                                    

CHAPTER 33: THE 'G' WORD

***********

LUNA

Lumipas ang isang araw na hindi kami nagkakausap ni Dylan. Hindi ko siya kinakamusta kahit na sobra na ang pag-aalala ko dahil aa ginawa sa kanya nila Trey.

Pumasok na rin ako sa office dahil sobrang dami ng nakatambak na gawain at mga report na kailangan kong i-view. Naalis ang titig ko sa mga papel nang pumasok ang aking sekretarya.

"Ma'am, nandito po ang asawa niyo." Magalng na saad nito.

Malamang ay susunduin niya ako dahil ngayon ang petsa ng check-up ko sa oby.

Tumikhim ako at pinalamig ang aking ekspresyon. Nakunwari akong tinitingnan ang sales report. "Papasukin mo."

Tumango ang babae at lumabas na. Wala pang isang minuto ay agad nang bumukas ang pinto.

Naamoy ko kaagad ang pamilyar na pabango nito. "Hi."

"What are you doing here?" Malamig kong sabi. Namutla ako nang makita ang sugat aa kanya labi at pasa sa gilid niyon. Putok rin ang gitnang bahagi ng ilong nito na tinakpan lang niya ng band-aid. "What happened to your face?"

Ngumiwi ito at hinaplos ang panga. "This is a lesson for me."

"Kris did that?" Oh, I'm going to kill them! Binasag nila ang mukha ng asawa ko.

"Yeah. I deserve this."

"I-Is it painful?"

Lumapit ito sa lamesa ko at ngumiti na parang walang iniindang sakit. "I'm fine, Baby. Stop worrying."

Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring maraming binabasa. "I'm not worried, no."

Umikot ito sa aking table at yumuko para tingnan kung ano ang ginagawa ko. Agad kong iniiwas ang nga papel at tinaliman siya ng tingin. "Mind your own business."

"Ngayon naka-schedule ang check-up mo. Nandito ako para sunduin ka."

Inismiran ko ito. "I know how to drive a car. Susunod nalang ako."

Halos hindi ako makahinga nang halos magdikit na ang labi niya at pisngi ko dahil sa sobrang lapit nito. "Nakabaliktad ang binabasa mo."

Nang sabihin nito iyon ay saka ko lang napansin na nakabaliktad nga ang mga sulat.

Tumikhim ako at hindi na binago ang puwesto ng tinitingnan ko para hindi ako mapahiya. "W-Wala kang pakielam. Mas gusto kong magbasa sa ganitong paraan. Walang pakielamanan ng trip."

He sighed. Tumama ang hininga nito sa aking pisngi.

"If you say so, Baby." Napapitlag ako nang hawakan nito ang kamay ko at pagsalikupin ang aming mga daliri. "Let's go. We need to see your obgyne now. Please, don't be stubborn. Para rin 'to sa ikabubuti mo at ni baby."

Napasimangot ako dahil natatalo ang sistema ko kung sasama ba ako sa kanya o hindi. Bakit ba kasi kailangan pa niyang gamitin 'yung malambing niyang boses? Nakakainis.

"Iniinom mo ba ang mga vitamins mo?" Tanong sa akin ng doktora.

Tumango ako habang nakangiti sa kanya. "Opo. Nagpabili na ulit ako ng bago dahil malapit ng maubos ang stock ko."

Lumipat ang tingin nito kay Dylan na nasa tabi ko habang matimtim na nakikinig. Pinagsalikop ng doktora ang kanyang kamay at ipinatong sa ibabaw ng lamesa. "So, this is your husband? I wonder what happened to your face."

"I am Dylan Reyes, Doc. And yes, I am her husband. And to answer your question, this happened because I'm an asshole. But not anymore." Sagot ni Dylan.

Tumango-tango ang doktora. "Sounds tough. Alam kong may mga tanong ka kaya itanong mo na."

"Wala na po, Doc. Nagbabasa kasi ako ng pregnancy book kapag may libre akong oras para mas maalagaan pa ang mag-ina ko." He said gently. He stared at me with love in his eyes. Nag-iwas ako ng tingin dahil nagririgudon na ang puso ko.

Lumabas na kami sa clinic ni doc pagkatapos kong mapasalamat at nang mahabang question and answer portion nila. Inakbayan agad ako ni Dylan habang papalapit kami sa kanyang kotse.

"Lumayo ka nga! Ang baho-baho mo!" Tinakpan ko ang aking ilong at nagkunwaring nababahuan sa kanya.

Napamaang ito at agad na inamoy ang sarili. "Hindi naman, a. Amoy gwapo nga ako, e."

Umismid ako. "Basta! Lumayo ka kasi ang baho mo."

He groaned. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat para makapasok ako at pagkatapos ay umikot ito papunta sa driver's seat.

Nanlaki ang aking mga mata nang hubarin nito ang kanyang puting polo at ihagis iyon sa may back seat.

"What the.."

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Bakit? Nababahuan ka kaya hinubad ko."

Nagpalipit ang aking dila nang bumaba ang aking tingin sa maskuladong dibdib nito at pati na rin sa kanyang wash board abs.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Narinig ko itong tumawa ng mahina.

"Huwag mong paglihian ang abs ko. Ayokong lumabas ang anak natin na mas maskulado pa kaysa sa akin."

I groaned in frustration. Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng kotse. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita paglilihian dahil ayokong maging gago na katulad mo ang anak ko."

Natahamik ito sa sinabi ko. Pinaandar nito ang kotse at minaniobra papalabas ng parking lot ng clinic. Mula sa aking pheriperal vision ay nakita ko kung paano huminga ng malalim at pagkatapos ay hinaplos ang kanyang panga.

"Wala ka bang ibang damit? Baka sipunin ka." I said. Iniwasan kong magkaroon ng bahid ng pag-aalala ang aking boses.

"Huwag ka ng mag-alala sa isang gagong katulad ko. Dahil ang mga gago ay hindi madaling magkasakit. At hindi karapat-dapat na mag-alala ang isang katulad mo na sinaktan ko dahil isa akong gago." Seryosong sabi niya, ngunit malinaw kong nahalata ang sakit sa kanyang mga mata at boses.

*******

UNEDITED. Sorry, short lang. Hehe.

UPLOADED: 2-22-15

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon