CHAPTER 8: Drown In Love

254K 5.1K 1.4K
                                    

CHAPTER 8: Drown In Love

LUNA

"W-Wife?" Nauutal kong sabi. My heart begun to race. Please, 'wag sana nyang bawiin ang sinabi nya.

Tumaas ang isang kilay ni Dylan na parang sinasabing wala namang masama sa sinabi nya. "What? Asawa naman talaga kita, a."

"Alam ko, pero-"

"Daming arte. Tara na!" Nagpadala ako sa hila niya hanggang sa mahinto kami sa harap ng jetski.

Nilingon ako nito at bumaba iyon sa damit ko. Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang jacket na tumatakip sa akin. Nais kong magprotesta ngunit sa sobrang bilis ng pangyayari, natanggal nya agad ang jacket ko.

"Let's get rid of this. Yeah.. That's better." Ngumiti ito ng nakakaloko. Namula ako. Nakaramdam ako ng hiya dahil tanging itim na two piece nalang ang suot ko.

Nanindig ang balahibo ko nang dahan-dahan nitong haplusin ang aking braso. Napakapit ako sa balikat nya nang simulan nitong ipalupot ang isang kamay sa bewang ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Dylan.."

Huminga ito ng malalim at lumayo na sa akin. Parang nilamig ako nang alisin nito ang mga braso nya. Umupo ito sa jetski at tinapik ang upuan sa unahan nito. "Dito ka."

"Sa likod nalang ako."

Hinawakan nito ang kamay ko. "Dito ka para hindi ka mahulog kung sakaling mag-drift ako." Mamamatay na ata ako sa sobrang kabog ng dibdib ko. Sumakay ako sa unahan nito. Napapikit ako ng mariin nang dumampi ang labi nito sa puno ng tenga ko. "Good girl. Now, bend."

"What?! Heck, no!" Hinampas ko ang braso nitong nakaharang sa bababaan ko. "Baba na---Ah!"

Bigla nitong pinaandar ang jetski, wala akong ibang makapitan kundi ang leeg niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

Nakapikit lang ako dahil sa takot. Hanggang sa maramdaman kong hindi na umaandar ang jetski.

"Why aren't we moving?" Nakapikit kong tanong.

"Look at me, Luna. Don't be scared. I'm with you." Malambing nitong bulong sa tainga ko at naramdaman ko rin ang dalawang kamay nito sa side ng bewang ko.

Dala na rin ng maamo nyang boses, ginawa ko ang sinabi niya. Dumilat ako at nakita ang layo namin sa pampang, marami ring nagje-jetski pero parang ang lawak ng dagat dahil bihira lang na may dumaang jetski sa puwesto namin. Niluwagan ko ang mga braso ko sa leeg nya at unti-unting lumayo. I looked at his eyes. Ngumiti ito at pinagdikit ang noo namin.

He mouthed 'good girl' while carressing my waist.

"Turn around." Napasimangot ako sa utos nito. Ngumisi siya. "Come on."

My back is now facing him. I tried my very best to breathe normally because, d-amn it, he's too d-amn close. I can feel his hot body pressing on my back, his abs' rubbing my body. He hold the back of my palm at inilagay sa manubela ng jetski. D-amn, even his palm is hot!

"Tuturuan kita kung paano magpatakbo ng jetski." Bulong nito sa akin. Wala akong nagawa kundi tumango.

Sinubukan kong mag-concentrate sa bawat sinasabi nito. Sinikap kong ibaon sa isip ko ang turo niya. Ngunit sa tuwing dumidikit ang labi nito sa balikat ko, hindi ko mapigilang mapamura sa isip ko. Fvck! He's torturing me!

"Drive. Now." Sinunod ko siya. Sinimulan kong buksan ang jetski. Pumalupot ang braso nito sa bewang ko. Hinawi nya sa isang side ang buhok ko na hinahampas ng hangin at saka siniksik ang ulo niya sa balikat ko. "Fast learner."

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon