CHAPTER 39: UNTITLED

172K 3.3K 322
                                    

CHAPTER 39: UNTITLED

************

LUNA

"Dylan, nakikiliti ako." Humagikgik ako habang inilalayo ang nukha ni Dylan sa aking leeg.

"Ngayon na lang ulit ako gumising na kumpleto ako, Luna." Bulong niya malapit sa aking tenga.

Naramdaman ko ang mainit nitong dibdib sa aking likod. Hinaplos ng kanyang palad ang ngayong pang-siyam na buwan kong tiyan. Tumihaya ako ng higa at binigyan ito ng matamis na ngiti.

Hinaplos ko ang kanyang mukha. "Hindi na ulit ako aalis, D."

"I won't let you go anywhere, Baby."

"Namiss mo ko?"

"Miss na miss kita."

Pinagtama ko ang aming ilong. "Kain na tayo. Gutom na kami."

"Tara na. Nakapagluto na ako."

Bumangon kami at bumaba na sa kusina. Inasikaso niya ako at nilalagyan ng pagkain ang aking plato. Nakakatuwang panuorin ang mga pagbabago kay Dylan.

"Wala ka bang pasok sa office ngayon?" Tanong ko bago isubo ang maliit na hiwa ng karne.

"Meron. Pero pina-cancel ko na muna ang lahat ng meetings ko para makasama ka."

"Oh, you're so sweet." Ngumiti ako. "Anyway, bakit walang repolyo ang sinigang mo?"

Napatingin ito sa akin at kumunot ang noo. "Uh, baby, hindi nilalagyan ng repolyo ang sinigang. Pang-nilaga iyon."

"Pwede namang lagyan ng repolyo ang sinigang, a!"

"T-Teka, bakit mo ako inaaway?"

"Kasi sinasabi mong mali ako!"

Hinawakan niya ang aking kamay. "I'm sorry. Okay, sige. You're right. You're right. Pwede ng lagyan ng pechay ang sinigang. Sorry, hindi ko nalagyan kasi hindi ako nakabili. So, please, baby, let's not fight."

Lumambot ang aking ekspresyon nang makita ko ang pagnamakaawa aa mga mata niya. "I-I'm sorry, too. Nasigawan kita."

Tumango ito. "Hormones. I understand."

Natapos kaming kumain at nagpunta agad ako sa lababo para hugasan ang ilang kaldero nang maramdaman ko ang mga braso ni Dylan sa aking sinapuounan. "Ako na diyan, Baby."

"Ako na. Ikaw na ang nagluto, e."

"Bakit masungit ka na naman sakin?"

"Ewan ko."

Napakislot ako nang dumampi ang malambot niyang labi sa aking leeg. "May ginawa ba akong mali?"

"Hmm. Wala."

"I love you. Love mo ba ako?"

"Yes." Walang-alinlangan kong sabi.

"Will you marry me?"

"Yes. But.."

"But what, wife?"

"Kapag hindi na malaki ang tiyan ko."

"Why?"

Inabot ko ang mababasaging baso at sinimulang sabunin iyon. "Gusto kong maging maganda at sexy sa wedding gown ko."

"Kahit malaki pa ang tiyan mo, maganda at sexy ka pa rin para sa akin."

Pasalita na sana ako nang gumuhit ang sakit sa aking tiyan. Nabitawan ko ang baso at nabasag iyon.

"Wait.. wait.."

"Why?" Nabahid ko ang pag-aalala sa boses ng aking asawa.

Napasinghap ako ng maramdaman ang tybig na tumulo sa aking hita. "Ah! Oh, no.. no.. Dylan!"

"What? Are you feeling weird? Does your tummy hurts? Do you want a massage?"

"Ooh!" Tumingin ako sa baba at sinikop ang pagitan ng aking hita.

"B-Baby, y-you're leaking—"

"Quit asking question! Manganganak na ako! Get your damn car!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses.

Binuhat niya ako at nagmamadaking binuksan ang pinto ng bahay. "Yeah. Got it. Baby, relax. Breathe in. Breathe out."

"Ah! Kapag hindi mo pa dinalian, dito na talaga ako manganganak!"

"Eto na. Kumalma ka kasi. Gawin mo 'yung na-practice natin!" Nanginginig ang kanyang kamay habaag isinusuot ang susi sa sasakyan.

"Sinisigawan mo ba ako?! Letse ka!"

"Nagpapaliwanag lang ako." Tangna ka!

"Dylan! Bilisan mo!"

Hindi ko alam kung ilang oras na kaning bumibiyahe. Ang inaalala ko lang ay ang napakatinding sakit na idinudulot sa akin ngayon ng panganganak.

"Just.. a little longer, Baby."

"A little longer pa?! Hindi mo ba nakikita? Gusto ng lumabas ng anak natin! Letse ka! Ah!"

"Nandito na tayo." Bumaba ito at unikot sa gawi ko. Mabilis na sumundo sa amin ang staff ng ospital at inasikaso ako.

Ramdam ko ang pawis na namumutawi sa aking noo at leeg.

"Sir, hanggang dito nalang po muna kayo."

"What?! No! Isasama ko siya sa loob! Kapag hindi mo siya pinapasok, sisipain kita!" Mariin kong sabi sa babaeng pumipigil kay Dylan.

Inilipat ako sa kama na nasa gitna ng delivery room. Naninikip na ang aking dibdib. Halos hindi ako makahinga dahil sa hapdi at sakit.

"Misis, kailangan ka na naming i-caesarean. Hindi mokakayanin ang normal delivery dahil sa medical history mo." Saad ng doctor.

Umiling ako. "Hindi. Normal ang gusto ko. Gusto kong makita ang anak ko kapag lumabas."

"Pero, Misis—"

"Kaya ko!"

Huminga ng malalim ang doktora. "Misis, kaunting push pa. Hindi ko pa nakikita ang ulo ng bata."

Umire ako sa abot ng aking makakaya. Hinawakan ni Dylan ang aking kamay. Mahigpit at parang pinapaalala sa akin na lagi lang siyang nasa tabi ko.

"You can do this, Luna."

Tumakas ang luha sa aking mga mata. Hingal na hingal ako. "Ang sakit, Dylan! Make the pain go away!"

"How? How am I supposed to do, Baby?" Nakikita ko rin sa kanyang mata ang paghihirap.

"It hurts, D."

"Misis, push. Please, baka ma-suffocate na ang bata." Utos sa akin ng doktor na agad ko ring sinunod.

Humigpit ang hawak ko kay Dylan. Nais ng pumikit ng aking mga mata. Unti-unti na ring naninikip ang aking dibdib. Hindi na ako makahinga ngunit pinipilit ko para sa aking anak.. para kay Dylan.

Ilang beses kong tiniis ang hapdi at sakit. Patuloy akong lumalaban. Sumigaw ako sa huling beses. Nagsimula ng pumikit ang aking nata. Nahihirapan na rin akong huminga. Lumuwag ang aking kapit kay Dylan. May sinasabi ang doktor sa akin ngunit hindi ko na siya marinig pa.

Nagmamadali akong nilagyan ng oxygen mask ng isang nurse. "S-Save my baby. P-Plea..."

"Luna!"

"Doc, the patient's heartbeat is dropping!"

************

UNEDITED. One chapter and Epilogue nalang. :)

UPLOADED: APRIL 2, 2015

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon