PROLOGUE

386K 6.8K 1.5K
                                    

VERONICA LUNA

"Luna, I want you to meet my boyfriend." Saad ng kakambal kong si Camille habang hila-hila ako papunta sa labas.

Tumindig ang balahibo ko nang lumabas ang isang matangkad na lalaki mula sa sasakyan. I was at a loss for words over his sheer hotness, and far too fascinated by the man walking toward us.

Niyakap ni Camille ang lalaki sa braso. Hindi ko alam pero parang napipilitan si Camille na kumilos. "Luna, I want you to meet, Dylan Caden. My boyfriend."

"Hi." He smiled.

I saw him extend his hand, but couldn't bring myself to shake it. And I couldn't tear my eyes away from his face. When his brows snapped together at the delay, I lurched back to reality and hastily placed my cold hand in his large, warm one.

"Luna." I murmured breathlessly. His strong handshake sent tingles up my spine and through my body.

"Veronica was right. Identical nga kayo." His laughed was music to my ears.

"Ahm, yeah." Ngumiti ako ng matipid at nag-init ang magkabila kong pisngi.

Veronica pala ang tawag nito kay Camille. Pareho kaming may Veronica sa pangalan, ako ay Veronica Luna at ang aking kakambal naman ay Veronica Camille. It was our mother's name, ngunit hindi na namin ito nasilayan dahil namatay siya sa panganganak sa amin.

"Gaano na kayo katagal?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok sa bahay.

Lumingon sa akin si Dylan at nag-iwas ako ng tingin. Napakabilis ng tibok ng aking puso. "Let's see, six months."

Tumango lang ako at pumasok kami sa loob. Nadatnan namin si Papa na nakaupo na sa one sitter sofa. Malamig ang mga mata nito nang tingnan ako. I bowed my head at nagpahuli sa paglalakad.

"What's wrong?" Bulong ni Camille.

"I should leave. Baka magalit si Papa."

"No. Don't leave. Stay with me." Pagmamakaawa nito. Nagtataka man sa tono ng boses nito ay pinili kong huwag itong iwanan.

Tumayo si Papa nang lumapit si Dylan. "Dylan Caden! Ang akala ko ay hindi ka na pupunta."

Ngumiti si Dylan at kinamayan si Papa. "Hello, Sir."

Umupo na kami at nagdala ang katulong ng merienda sa sala. "Any special reason why you visited at this hour? It's past dinner time."

Tumikhim si Dylan at hinawakan ang isang kamay ni Camille. "Tito, I want to marry your daughter."

Hindi ko nakitaan ng pagkabigla si Papa. Ngunit naramdaman ko ang paninigas ni Camille sa tabi ni Dylan. Naramdaman ko ang pagkabalisa nito.

"Parang ang bilis naman ata. Ilang buwan palang kayo ni Camille, hindi ba?" Singit ko.

Tumalim ang tingin ni Papa sa akin. "Hindi ka kasali sa usapang ito at hindi ikaw ang magdedesisyon dito. So, leave."

"P-Pero, 'Pa—"

"I said, leave! Now!"

Tumayo ako at tinungo ang kinaroroonan ng pool namin. Inalis ko ang aking sandals at inilubog ang binti ko sa tubig. Hindi ko alam kung gaano katagal na nakatulala sa kawalan. Naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin. Inilusong din ni Camille ang mga paa sa tubig.

She sighed. "I going to get married, Luna."

"You didn't reject him? You've only dated for six months."

Bahagyang nilaro ng mga paa nito ang tubig. "We need him, Luna."

"What do you mean by that?"

"Natalo si Papa sa sugal at nagkaroon ng malaking pagkakautang. Palubog na tayo, Luna."

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon